(Sean's PoV)
By next day, kahit namadaling araw na kaming lahat natulog (syempre magkahiwalay ang babae at lalaki, malaki naman ang bahay nina Tito James)ay maaga pa din kaming nagising para maghanda dahilnapagkasunduan din namin na we will go to ourresort para mag-outing
At dito ko balak gawin ang matagal ko ng gusto.Ang ligawan ng pormal si Sharmain.
Habang nasa van aytulog ang lahat well maliban sakin at kay Ryan na nagda-drive, aba masisisi niyo ba kami dahil sa sobrang kulang talaga ang tulog namin. Hindi naman kasi ako pweding matulog dahil nagpapalit kamini Ryan sa pagda-drivedahil medyo malayo yung resort na pupuntahan namin.
Walang alam ang iba sa plano ko, maliban na lang sa manager nung resort na pupuntahan namin kasi matagal ko nang plano ito. At gusto kong gawing perfect ang lahat para magustuhan niSharmain.
Napansin ko naman na tahimik lang si Ryan habang nagmamaneho. Ang totoo niyan aynoon ko pa napansin yan sa kany. Hindi ako sigurado kung tungkol ba itokay Kyla o hindi, pero sa susunod ko na siya kakausapin dahil medyonakakaramdam na ako ng kaba para sa gagawin ko mamayang gabi.
ɷɷɷ
Ilang oras ang lumipas atnakipagpalit na ako kay Ryan, para naman mabaling na rin ang kabang nararamdaman ko.
Agad namang nakatulog si Ryan sa tabi ko, yung iba naman ay tulog na tulog talaga.Nakaka-ingit naman. Kaya nag-focus na lang akosa daan kesa ma-inggit ako sa kanila.
"Hey, okay ka lang ba diyan Sean?" napatingin naman ako sa review mirror dahil sa narinig kong tanong niSharmain. At nakita ko nga siyangnag-aayos pa ng buhok niya. Mukhang kakagising nga lang.
"Yup. Matulog ka lang muna diyan.Medyo malayo-layo pa naman ang pupuntahin natin." Sabi ko naman sa kanya sabay balik ng tingin sa daan. Binabalik-balik ko lang ang tingin ko sa review mirror at daan.
"Hindi na, hindi na rin naman ako inaantok eh. Tsaka para may kausap ka na rin, baka kasi antukin ka diyan sa pagmamaneho eh." Wow. ang sweet niya talaga.
"Thanks. Ahm, may pagkain diyan salikod mo Sharm baka gutom ka na." nakita ko namang kumuha siya ng isang malaking piatos sa likod at agad na binuksan.Mukhang gutom nga talaga.Napangiti naman ako habang nagmamaneho. Pero nagulat na lang ako ng may biglang ma lumitaw na piatos sa harap ko. Nang tingnan ko naman ang may hawak nun, ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Sharmain na para bang hinihintay na kainin ko yung sinusubo niyang pagkain. Agad ko namang ginawa ang gusto niya at lalong lumapad ang ngiti niya. Kahit ako napangiti na rin.
Habang nagda-drive ay patuloy niya lang akong sinusubuan ngpagkain at ganun na din ang pag-uusap namin. Ang dami na nga naming topic na napag-usapan. Isama niyo pa ang pag-debate namin kung ano ba talaga ang nauna, manok o itlog? O diba,hahah!
Matapos anghalos ten hours na biyaheay narating din namin ang resort namin.
Nung una nahirapan pa kaming gisingin ang mga kasama namin kasi parang mga mantika kung matulog.
Si Sharmain naman nagtaka nung una dahil parang wala naman daw ibang tao dito.Sinabi ko naman na private resort ng pamilya namin kaya talagang kami lang ang tao dito. And we can do all what we want here.
"Naks Sean.Sa inyo ba talaga ito?" si Kurt habang kinukusot pa ang mata.Ang duga din ng isang ito. Hindi man lang pumalit samin sa pagda-drive. Napasarap yata ang tulog dahil nakasandal si Quennie sa kanya. Pumaparaan ang mokong (-_-)
"Oo.Limang taon pa lang mula nungbinili at pinatayuan ito ni Mama ng resort.Ang ganda daw kasi.Actually, it's just my second time here,yung una ay yung pinapa-blessing namin ito ang busy kayo that time kaya hindi kayo nakasama dito."Paliwanag ko sa kanila habang papasok kami. Sinalubong naman kami ng ilang staff at kinuha ang mga dala-dala namin at dinala na sa mga magiging kwarto namin.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!