It's already been almosttwo months sincethat inter-school pageanthappens. And after that, masasabi kong napakarami ng mga nangyari.
Muntik na nga ako maloka dahil nung bumalik kami sa resort kung nasaan ang mga kasamahan namin ay grand entrance ang bumungad samin dahil lahat ng mata ay nakatingin samin na para bang nagtatanong kung bakit pareho kaming basa nitong kasama ko. Napatigil naman kaming dalawa sa pagtatawanan dahil sa atensiyong nakuha namin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit sa kanila, pero itong kasama ko naka-poker face na naman.May nakita naman akong kinikilig sa nakikita, yung iba naka-ismid lang.
Bigla naman akong hinila ni Kyle papasok sa tinutuluyan namin. Hindi man lang nag-excuse ang lalaking ito. Tsk, kahit kelan talaga. Pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nung mapansin ang pagkakahawak kamay namin. Ommo, may karera na naman yata sa puso ko. Bakit ko ba nararamdamaman ito kapag nagkakalapit kami ng ganito ni Kyle?
After nun, ay hindi na kami nagpakita sa kanila.Wag na kayong magtanong kung ano ang ginawa namin dahil alam kong mabo-bored lang kayo.
ɷɷɷ
Back to normal na ang lahat. Class here, discuss there, pag-aaral everywhere. At dahil sa mabait akong studyante ay tudo pakikinig naman ang ginagawa ko.
Kamusta kami ni Kyle? Ganun pa din, asaran kahit saan. Ewan ko ba but after nung usapan namin sa tabing dagat ay naging super close kami to the point nas binabatuk-batukan ko na lang ang isa sa mga kinakatakutang lalakisa buong school.
Nung minsan nga kaming mapadaan sa hallway aypinagti-tripan na niya naman ako ay bigla ko na lang siyang binatukan. Agad niyang hinimas yung parte kung saan ko siyabinatukan.Hindi naman ako sadista para lakasanyung batok sa kanya, yung mild lang kumbaga para tigilan lang ako. Nahagip naman ng mata ko ang grupong babae na medyo malapit lang samin. Habang busy sa paghimas si Kyle sa ulo aynarinig ko naman yung pag-uusap nila.
"OMG. Nakita niyo yun girls. She make batok to Prince Ace." Ano daw? Prince Ace? pfft~
"How dare her para gawin yun kay Prince?" pfft~ sobrang pagpigil na talaga ang ginagawa ko dahil sobrang nakakatawa yung mga sinasabi nila.
"Huhu, my Prince Ace. Kung kayako lang sanang lapitan ka para tulungan."Nag-fake cry pa yung isa. Sheettt of paper. Hindi ko na kaya.
"HAHAHAHA!!!"tumawa na talaga ako ng sagad, wa pakels na sa mga poise na yan.Napatingin naman halos lahat sakin dahil sa lakas ng tawako.
"Hoy, bakit bigla ka na lang tumatawa?"tanong ni Kyle na parang naguguluhan.
"HAHAHAHA! Wala naman, PRINCE ACE."kumunot naman yung noo ni Kyle dahil sa sinabi ko, pero mukhang nagulat yung mga babaing nag-uusap kanina. Alam na siguro nila na nakikinig ako sa kanila, napayuko naman kaagad sila.
"Sinasabi mo?Ah, hindi ka na naman naka-inom ng gatas 'nu? Kaya siguro inaatake ka na naman ng kabaliwan mo. Naku yan na ang sinasabi ko sayo, dapat hindi mo kinakalimutan ang pag-inom mo ng gatas." Mabilis na nawala ang tawa ko. Tsk mang-asar na naman ba?
"HAhahaha~"this time, siya naman ang tumawa ng wagas. Maubusan ka sana ng hangin.
Umalis naman ako dun at bumalik na ng room. Badtrip talaga si Kyle kahit kelan.
ɷɷɷ
Sabay na rin kaming mag-lunch minsan.Kapag may mga group activity ay palagi kaming magka-partner o di kaya groupmates.
Tulad na lang nung isang class naming sa PE.
Pinapili na kami ng teacher namin ng partner para sa daw sa activity namin that day. Eh, sino pa nga ba ang partner in crime ko?
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!