28: Memorable moment

72 7 1
                                    

(Kyla's PoV)

Our midterm should be done one week but yung samin ni Kyle ay ginawang 3 days lang dahil yung remaining days ay para daw sa preparation namin dahil kulang kami sa oras. Paano naging kulang sa oras eh may weekends pa at sa pagkakaalam ko next Friday night pa ang contest.

Yung mga classmates namin nandun sa assign room na binigay samin at kumukuha ng exam kami naman ay nandito sa office na naman ng President.

Hinihintay na lang siya namin dahil sabi nung secretary niya ay lumabas lang saglit si Mr. Kim.

Ilang sandali pa ay dumating na siya na may kasamang isang lalaki.

"Good morning. Sorry kung nalate ako ng kunti."

"Good morning. It's okay sir." Umupo muna siya at ganun na din kami but this time magkatabi na kami ni Kyle at kaharap namin yung lalaki na napansin kong kanina pa nakangiti sakin. Baliw ba 'to?

"By the way, this is France. He will be the one to handle you to the upcoming pageant." What? Siya? Mas okay pa kung si Jason na lang ulit. Kasi naman lalaki ito at kung makatingin parang ewan.

"Sir. Pwede po bang magrequest?" si Kyle kaya napatingin naman kami sa kanya. Ano naman kaya yun?

"What it is Mr. Garcia?"

"Pwede po bang si Jason na lang kung kunin niyong hahandle samin? Sorry France ha pero sir mas comfortable kasi kami kay Jason kasi siya na yung humawak samin nung last pageant." Mukhang hindi naman yun problema kay Sir pero napansin kong biglang umasim yung mukha nung kaharap namin.

"No problem Mr. Garcia."

"Thank you Sir."

"So, again kung may kailangan pa kayo just go here or to Mr. Villanueva." Tumango lang kami bago lumabas. Mukhang kakausapin pa ni Sir yung France. Gwapo sana kaso parang ewan talaga.

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

Tulad ng sinabi namin kay Mr. Kim ay si Jason nga ang humawak samin at tulad din nung nakaraan sa bahay lang kami ni Sir nagpractice. Hindi naman paspasan yung ginawa naming paghahanda. Kasi nga parang katulad lang ito nung pageant din namin. Papalitan lang namin yung kanta namin at si Jason na naman ang pumili. And take note, Taylor Swift song na naman. Hindi naman obvious na masyadong Swifters itong baklang ito. Wala naman kaming magawa ni Kyle dahil wala din kaming maisip na kantang babagay samin kasi nga diba pareho kami ng taste niyan sa music, rock. Hahah.

Same as the last pageant dinala ulit kami ni Jason sa store niya at pina-fit samin yung mga susuotin namin sa mismong araw na iyon.

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

After all the preparation ay dumating na din ang araw na hinintay NILA at hindi nakin. Dyosko naman kasi naman kung sobrang nadamihan na ako noon sa mga nanuod sa school pa lang ba parang times 5 naman ang mga taong manunuod samin ngayon. Nakapalibot lang sila sa pool, may ma-ilan-ilan na nasa pool, yung iba naka-swim suit na nga at mukhang ready ng tumalon sa tubig anytime. Shomay naman eh! Sa pagkakaalam ko sarado itong resort sa public dahil sa pag-rent nila para sa event na ito. Puro naman, sobrang dami talaga ng tao. As in.

But as usual, wala naman akong magawa diba.

Nung sabay kaming lahat lumabas mula sa backstage ay halos lumindol dahil sa sigawan ng lahat ng nandun. Nakita ko naman yung malaking banner na may #KLoveTeam, na naman? Pero meron din naman yung mga taga-ibang school, aba sino ba naman ang magpapatalo diba?

Kung hindi ko pa nasasabi 18 kaming kalahok ngayon. Grabe! Sa una pa lang wala na talaga akong pag-asang manalo pa dito. Ang gaganda at ang se-sexy kaya nilang lahat. Ano naman ang panama ko dun diba? pero sabi nga ni Sir kanina "Think positive lang".

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon