39: Saturdate

35 5 0
                                    

(Kyla's PoV)

Sa bawat araw na dumaraan ay hindi ko pinansin si Kyle pero ang loko ay panay paalala sakin ng date daw namin sa sabado.

Today is Saturday, which means today is our date.

Ang sabi niya before lunch daw ay pupuntahan niya na ako dito. At dahil sa dakilang chismosa talaga si Jana ay nasabi nito kay tita ang tungkol sa date namin ni Kyle. Kaya itong isa, excited na din. Siya pa nga ang pumili ng damit na susuotin ko. Maaga din siyang nagising para ipaghanda kami ng breakfast. Ginising niya ako ng maaga dahil baka daw malate ako sa first date ko. oh, diba? siya na talaga ang excited.

Aba, kahit gusto ko ang Kyle na yun, ayoko pa ding mag-assume na may gusto siya sakin. Mahirap ng umasa sa maling akala.

By 11 ay ready na ako at naghihintay na lang sa sundo ko. Hindi naman siya nagtext kaya tamang nuod lang muna ang ginawa ko. Medyo naiilang pa ako kasi pinag-suot ako ng short ni Tita. Hindi pa naman kasi ako ganun kasanay lalo na kapag lalabas. What if, naka-pormal yung mokong? Natigil naman ako sa pag-iisip nang tawagin na ako ni Tita.

"Kyla, nasa labas na ang sundo mo." makasigaw naman parang ang layo-layo ko pero nasa sala lang naman (-_-) mabuti na lang at wala si Papa at tito dito. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction ng mga yun kapag nalaman nila na nakikipag-date na ako.

Hindi ko na lang pinansin ang nakangisi kong tita sa tabi ng pinto. Nang makita ko naman yung gwapong lalaking nakasandal lang sa kanyang mamahalin na sasakyan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong palihim na ngumiti. Ang simple niya lang pero ang lakas ng appeal.

"Oh, isuot mo yan!" may tinapon naman siyang t-shirt sakin nang makalapit na ako sa kanya.

"Hindi pa ba okay itong suot ko?" ako naman ay tiningnan ang suot kong damit. May masama ba sa suot ko? eh si tita ang pumili nito eh.

"Basta." Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at mabilis na bumalik sa kwarto para palitan ang damit ko. Isang white t-shirt with a design of a biscuit? Seryoso? ano bang trip nitong si Kyle? Tapos sa bandang ibaba sa likod ay nakasulat yung word na #Kyl. Sinuot ko na lan yun para wala ng problema at mabilis na lumabas.

"Oh okay na ba?" nakabusangot kong tanong sa kanya habang siya ay nakasandal pa din. Doon ko lang napansin ang suot niyang t-shirt. Black shirt siya at may design na isang baso ng gatas. Teka?

"Hoy talikod ka nga." Pinilit ko naman siyang tumalikod para makita ko yung nakalagay sa shirt niya at hindi ako nagkamali. May nakasulat ding #Kyl dun. Couple shirt nga ang suot namin. Agad ko naman siyang tiningnan ng masama.

"Oh ano namang nagawa ko?" maang-maangan pa? pero natatawa ako kapag inisip kong nagawa ito ni Kyle.

"Pfft~ grabe, kahit kelan hindi talaga sumagi sa isip ko na magagwa mo ito Kyle. Hahahaha!" hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang tawa. Kasi naman si Ace Kyle Garcia ito eh, sino bang mag-aakala na magagawa niya ang mga bagay na ito. Ang isa sa mga kinakatakutan sa school ay may ganito palang side? Oh diba? unbelievable.

"Psh." Hahah! Pumasok na siya sa kotse niya kaya mabilis naman akong umikot sa kanila at sumakay na din. Baka maiwan eh.

Habang nasa daan kami ay pinipigilan ko pa din ang matawa. Pero dahil badtrip na ang kasama ko ay tumigil na din ako kalaunan.

"Saan ba tayo?" tanong ko naman kasi ang tahimik niya eh.

"Kakain muna ng lunch. Gutom na ako." Walang emotiong sagot niya. Mukhang nagalit talaga yata?

"Okay?" after that. Katahimikan na ang kasunod.

ɷɷɷ

Sa isang restaurant naman kami tumigil para kumain ng lunch. Medyo napadami pa nga ang nakain ko dahil halos isang oras din ang byahe namin plus the fact na ang sarap ng pagkain dito (may hindi ba masarap para sayo Kyla?)

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon