(Kiera's PoV)
Oh my Gosh! Our princess is already inlove. Kyaaahh~ ang OA ko diba?hayaan niyo na!kinikilig si magandang ako eh. Kayo ba hindi?
Kung tatanungin niyo naman ako, ang masasabi ko lang ay masaya. Why?Bukod sahindi masyadong busy sa school ay dakilang tambay ako ngayon sa bahay.
Paano ba naman kasi, hindi na ako pinasasama ni Kuya sa business nila. At sobrang naiinis na ako dahil parangginagawa na lang nila akong katulong dito sa bahay. Tsk, itong ganda kong ito? Pang-katulong lang?nakaka-arrggghhh!
Akala ko okay na dahil walang pressure ngayon sa studies ko pero ito pala yung kapalit.
Pero meron akong isang pinagpapasalamat. Yun yung pagiging closena ni Nate. Oh diba close na kami, Nate na lang daw itawag ko sa kanya dahil masyadong mahaba ang Nathaniel.
Paano nangyari yun?
Dahil sa kakagawan ko din. Hahaha!
Na-challenge kasi ako sa kasungitan ng lalaking iyon, kaya naman hindi ko siya tinigilan para lang maging kaibigan ko siya.Para kasing sobranggalit siya sa mga mayayaman at sa mga babaing katulad ko. aba, hindi basta-basta ang ginawa ko para lang napansin niya ako.
Tuwing vacant or free time ko ay pumupunta ako sa library para lang maka-usap siya.Pero hindi naman sa buong oras nandun siya. Kaya minsan sayang lang ang pagpunta ko dun. Kapag alam kong may practice sila Kuya at ang buong basketball team ay sinisigurado kong nanunuod ako. Nasabi kasi ni kuya na kasali daw si Nate sa team.
Walang palya din ang pagpunta ko sa 7/11 tuwing uwian dahil alam kong ganung oras ang duty niya. Oh diba, naging dakilang stalker na yata ako ng lalaking yun. Pasalamat siya at gwapo siya kung hindi, nako~ who you talaga yun sakin. Oo, nagu-gwapuhan ako sa kanya. Crush ko na yata siya. Hahaha!
Nung mga unang araw ay iniiwasan niya ako at halata mong sobrang irita niya tuwing nakikita niya ako. Pero kalaunan ay mukhang nasanay na rin siya. Hahaha! Inaaraw-araw ko ba naman diba?
Kinaki-usap na niya ako. Minsan nga tinutulungan niya pa akosa mga librong hinahanap ko sa library. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero parangfeeling ko may nagbago sakin. Hindi ko lang alam kung ano ba talaga. Pero pakiramdam konaging simple na yata ako?Kasi naman, ako yung tipong hindi bastante sa plain uniform lang. Yung sakin kasi may mga style, hindi ko naman lubusang iniiba pero may style talaga ako manamit. Like duh?President of fashionista nga diba?peronung minsang nasabi ni Nate sakin na hindi niya talaga gusto ang mga maarting babaing katulad ko ay nagising na lang ako isnag umaga na nagsuot lang ng simpleng uniform.
That day marami ang nagtaka kung bakit daw ang simple ko ngayon. Sinabi ko naman na para naman maiba. And that day also, the day that I saw him smile. Hindi ko pinagsisisihan ang araw na yun.
From that day, naging close na kaming dalawa. Hindi na niya ako sinusungitan.Talagang kinaki-usap na niya ako na para bang matagal na kaming magkakilala.
Minsan nga ay ginabi akosa school at nagulat na lang ako nang makita ko siya sa labas ng school. Nang tinanong ko kung bakit pa siya nandun.
"Hinihintay ka, nag-alala kasi ako dahilhindi ka nakapunta sa store kaya tinanong ko kay Kurt kung naka-uwi ka na ba. Nung sinabi niyang hindi ay napag-desisyonan kong hintayin ka dito."
Yan ang exact sentence na sinabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.Napatulala lang nga ako after niyang sinabi yun.Kung hindiniya ako pinitik sa noo (yung mahina lang naman) ay malamangmagdamag na akong tulaley dun.
Nag-sorry naman ako sa kanya at hinatid na niya ako sa bahay.Yup, hinatid niya ako. Baka daw mapano pa ako kapag hindi niya ako hinatid pauwi.
Nung makarating kami sa bahay ay nagulat naman si Kurt nang makitang nandunsi Nate.Dun na namin siya pinag-dinner pero hindi siya pumayag dahil dawhindi pa din kumakain ang nanay niya at kailangan niya pang ipagluto ito. Pero dahil sa dakilangmapilit ako ay napapayag ko siyang dun na kumain at padadalhan ko na lang siya ngulam para sa nanay niya. Pasasalamat ko na lang sa paghatid niya sakin. At wala naman siyang may nagawa dahil sa sinabi ko. Ang galing ko talaga.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!