10: The Dark Game

93 8 0
                                    

(a/n: hello? Slow talaga ang UD kaya pagtyagaan niyo  xD natapos na ang MAMA 2k14 awards, (congrats sa lahat ng nanalo esp sa EXO), nakapag-concert na ang BTS na pinas (#teamBahay din ako T3T) at nasa Luzon na si Bagyong Ruby (ingat ang nasa Luzon Area diyan). Ngayon lang ako nakapag-UD XD so enjoy sa mga nagbabasa :D)

(Sean’s PoV)

Sa bagong tambayan/ dating bahay nina Kyla

Ang boring naman ngayon, wala man lang akong maka-usap dito. At mukhang napapadalas na yata itong pagso-solo ko. Pano ba naman kasi pagdating na pagdating namin dito eh nagkanya-kanya ng business yung tatlo. Si Kiera nasa room niya at nakikinig ng pakikay songs niya. Si Ryan naman ay tinuturuan DAWsi Kyla ng basketball dun sa likod bahay. Dumidiskarte si tsong sa true love niya. At ako? Andito sa swing at nakaharap sa swimming pool. Maligo kaya ako?

“Lalim ng iniisip natin ha?” biglang sulpot naman ni Kurt? Bilis naman yata nito?

“Wala naman, naisip ko lang si Sharmain.” Yun oh, nailusot? HAHA

“Puro ka na lang Sharmain! Seryoso na bayan?” seryoso na nga ba ako sa kanya? “Ipapaalala ko lang sayo Sean ang Dark Game.” Napa-isip naman ako bigla sa sinabi niya. Oo seryoso ako kay Sharmain pero dahil sa Dark Game na yan, hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa din yun sa rason kung bakit hindi ko maligaw-ligawan si Sharmain. Ayoko kasing mapahamak siya dahil sakin.

“Ano ba ang plano mo tungkol diyan Pre? Talaga bang sasali tayo?”tanong ko naman.

“Hindi ko din alam pre, natatakot ako ngayon. Hindi para sakin kundi para dun sa dalawang babae. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasali si sa Dark Game Kyla. At kahit na kay Kiera ay natatakot pa din ako.” ramdam ko naman ang pag-aalala niya sa dalawa.

“Pero pareho naman nating alam na hindi sila basta-basta. Malalakas din sila.” Ilang ulit na nga nila kami natalo eh (-_-) nakakababa ng pagkalalaki.

“Kahit na Sean, babae pa rin ang mga yun.Kapag nalaman nila na wala na sa D5 si kuya ay malamang iisipin nila na mahina na tayo. At kapag nalaman nila na ang anak nito ang pumalit sa kanya ay siguradong-sigurado ako na si Kyla ang pupuntiryahin nila para makabawi kay kuya. Alam mo naman na madaming galit sa kanya.” Sabagay may punto rin naman siya.

“Nasa sayo ang desisyon Kurt. Kung sasali tayo o maghihintay na lang na isa-isahin tayong patayin ng mga yan.” Ang kasunod ng sinabi kong yun ay katahimikan. Kapag sumali kami ulit sa Dark Game, kailangan na naming maghanda. Kailangan na naming layuan ang mga taong malalapit samin para maiwas sila sa gulo. At ibig sabihin nun ay sisimulan ko ng iwasan si Sharmain. P*tcha naman oh, kung kelan mukhang okay na kami saka pa eepal ang Dark Game na’to! parang gusto ko na talagang patayin ang Dark Lord na yan! Pasalamat siya at natalo kami nung huling laban namin sa kanila. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala ang ungas na Lord na yun! Kapag sumali kami ngayon, sisiguraduhin kong mapapatay ko ang gagong yun! Epal sa love story ko eh.

“Tatanungin ko si kuya tungkol dito. Ayoko kung magpadalos-dalos sa pagdedesisyon .” tumango lang naman ako bilang pagsang-ayon sa kangyang sinabi.

“Teka? Nasaan na yung tatlo?” pag-iiba niya naman ng topic (ang bakla nu?)

“Si Kiera nasa kwarto niya, yung dalawa nandun sa likod tinuturuan ni Ryan si Kyla maglaro ng basketball.” Bigla naman siyang tumayo. Problema nito?

“Oh pasaan ka?”

“Titingnan yung dalawa! Baka kung anong kahayupan ang tinuturo ng ungas na yun kay Kyla.” Napatayo naman ako at sumunod sa kanya.

“Sama na ako. Gusto kong makita kung anong gagawin mo kay Ryan pag nakita mo sila.” Binatukan niya naman ako. P*tcha ! ang sakit nun ha?

Sinundan ko lang ang mokong papunta sa likod ng bahay. At nagulat kami sa aming nadatnan! (Oy wag kayong mag-isip ng kung anu-ano) nakita lang naman namin silang dalawa na nag-one on one basketball, at yung nakita namin, nasa kay Kyla ang bola at dini-dribble niya ito. Masyado siyang malayo sa ring at grabi naman ang bantay ni Ryan sa kanya pero ang hindi namin inaasahan ay pumwesto si Kyla sa linya para sa pang-three points shot at tinira ang bola at yun oh! Ring less!Mukhang nagulat din si Ryan sa ginawa ni Kyla kaya napa-iling na lang siya.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon