(Ryan's PoV)
P*tcha! Hindi na ba ako papatulugin ng konsensiya ko? ? nung una kay Jana, ngayon naman yung nakita ko kahapon! t@ngin@ naman oh!
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Gustong-gusto na itong sabihin kay Kyla to make her mine pero masaya na siya sa kanya diba? ayokong nakikitang malungkot siya. At paano na lang yung iba? Sina Kiera, Kurt at Sean na napalapit na dun sa iba pa? alam kong kapag nalaman nila ito ay masasaktan sila. And no one knows kung ano ang magagawa ng mga yun.
Kaya ito ako ngayon at walang tulog dahil sa dami ng iniisip. Ang daming tanong na naglalaro sa utak ko na hindi ko alam kung masasagot ko ba? Ang alam ko lang ay yung limang yun lang ang makakasagot.
Ano ba talaga ang purpose nila samin? Bakit kailangan pa nilang pumasok sa buhay namin? Kung tungkol naman ito sa Dark game, malamang ito ang naisip nilang plano para talunin ang grupo namin.
Pero kung related talaga ito sa Dark Game, sana matagal ng may nangyari samin? Kasi naman si Sean, hulog na hulog na kay Sharmiain. Si Kiera naman at Nate mukhang may something na din. Ewan ko lang kay Kurt dun sa Quennie kasi masyadong ma-secreto ang lalaking yun. Pero the fact na ininvite ni si Quennie nung New Year's Eve ay alam kong malapit na siya para kay Kurt.
Kay Kyla naman ay sinagot na si Ace na may tinatago pala sa kanya. At alam ko din na kaibigan na ang turing ni Kyla kay Jana. Which happens na may nangyari saming dalawa.
Arrghhh!
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa frustration.Bakit ba kasi sakin nangyayari ito?
Napag-isip-isipan ko naman kagabi na kausapin na lang silang apat. Tanungin kung ano ba talaga ang balak nila laban sa amin? Kung kasali ba sila sa Dark Game? Kung hindi man ay kung sino ang nag-utos sa kanila.
Aisssttt! Para na akong baliw dito na kanina pa nagsasalita ng mag-isa. Masisisi niyo ba ako eh nakakap*ta yung mga nangyayari sakin. Bakit kasi sakin pa?
Isa pa yung pino-problema ko ay yung kay Jana! Tsk, bakit kasi kailangan pang mangyari yun? hindi dapat nangyari pa yun kung hindi ako lasing.
Pero ang weird lang eh, wala man lang akong nararamdamang kahit katiting pagsisisi sa ginawa ko. pilit kong hinanap ang feeling na yun pero wala talaga eh? Mas umaapaw pa ang galit sakin kasi hindi ko siya sinundan nung umalis siya. Na hinayaan ko lang siyang umalis sa condo ko. Napakalaki ko talagang ga*go pagdating sa mga ganito. Hindi sa laging nangyayari ito pero yung feeling kasi na parang sobrang nasaktan ko talaga si Jana that time.Napabangon na lang ako galing sa pagkadapa ko dito sa kama ko nang maalala ko si tito James. Tama! Kung may dapat man akong pagsabihan ng nalalaman ko ay si Tito yun dahil for sure alam niya ang gagawin.
Pero umalis na si Tito eh. Ay hindi! susubukan kong tawagan siya.Kaagad ko namang hinanap ang phone ko na sa kung saang lupalop na ng mundo napunta.
.
.
After few minutes ay nakita ko na din sa wakas. Saan mo nakita? Sa ilalim ng sofa =_=
Ngayon ko lang napansin na ang kalat na pala ng place ko. Ewan ko ba bakit naging ganito kagulo ito?Mabilis ko namang tinawagan si Tito, pero hindi niya sinasagot. Baka busy pa? (lagi naman eh). Pero hindi ako sumuko at sinubukan ko pa ding tawagan siya.
Matapos ang ilang tawag ay sa wakas ay sinagot niya na din.
"Hello, Ryan?"
"Yes tito. It's me. Busy po ba kayo?"
"Hindi naman, kakatapos lang ng isang meeting ko, sorry kung ngayon ko lang nasagot. Bakit ka tumawag?" nakakatakot pa din as usual ang boses niya na kahit sino ay matatakot talaga.
"Kasi tito may dapat po kayong malaman." Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"What is it?" walang atrasan na ito Ryan!
"Kasi po tito...."ɷɷɷ
(Kyla's PoV)
Hindi ko alam kung feeling ko lang ba talaga o talagang nilalayuan ako ni Ryan? Kasi nga naman since the day na niligawan ako ni Kyle, minsan na lang talaga kami magkit. Kung mag-uusap naman kami ay palagi siyang nagmamadali kasi daw may gagawin pa o di kaya ay may date.
Playboy nga naman diba?
Kapag nasa bahay naman siya ay kinaki-usap niya ako pero talagang madalian lang.
Nitong mga nakalipas na araw ay naging busy na rin ako dahil sa kay Kyle. Pero ang totoo kasi niya name-miss ko na yung best friend ko.
Yung bonding naming dalawa. Yung mga ginagawa namin noon. Yung mga kabaliwan niya. Hayst, I really miss Ryan.
Nung last na tinawagan ko siya ay naka-istorbo pa ako sa kanila ng babae niya.
Hindi na rin siya masyadong nagte-text tulad ng dati. Hindi na rin siya nagyayayang lumabas at kumain. Talagang namimiss ko na siya.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!