40: Leaving

37 5 0
                                    

a/n: Not proofread. Sorry for any mistake. Enjoy.

~~

(Kyla's PoV)

Ow em ji. Ilang oras na akong pagulong-gulong dito sa kama ko at yakap-yakap si Jamce (name ng bear, Jamine + Ace = JamCe) pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Pano ba naman kasi tuwing ipipikit ko ang mga mata ko naalala ko yung ginawang pagkiss sakin ni Kyle kanina sa mall at yung pagkiss ko sa kanya. Bakit nga ba ginawa ko yun? okay naman siguro ang thank you sa kanya diba? arrggh! Kyla! Bakit mo kasi ginawa yun?

At dahil sa alam kung hindi talaga ako makakatulog nito ay kinuha ko na lang yung laptop ko at naisipang mag-online sa facebook. Super late na kaya malamang kakaunti na lang ang mga online nito.

Pero nagulat ako ng pagload pa lang ng wall ko, picture kaagad namin ni Kyle ang bumungad samin.

"Ow no~" napatampal na lang ako ng noo ko.

Sino ang kumuha ng picture na ito? Ito kasi yung time na kiniss ako ni Kyle habang hawak ko yung last ball na dapat ititira ko pero dahil na-distract ako sa halik niya ay hindi ko naipasok yun at siya ang nanalo. At hindi lang yun, ang dami pang mga pictures namin ni Kyle. Yung pinahiran niya ang ice cream sa mukha ko, yung sa contest, yung paglapit niya samin nung lalaki kanina na galit na galit yung expression. Paano nila nakuha ang lahat ng iyun?

"Congrats to our couple contest winner again. Sorry for the stolen pictures or yours. Bakit may ganyan? Ganito po kasi, before ang registration nung contest ay naglibot-libot na ang ilang crew namin para maghanap ng mga couples, then one of them ang nakakita sa inyo and took all this photos of you. Madami ring nagsasabi na super bagay kayo with your cute and unique couple shirt. Pero sayang lang ang lahat ng yun kapag hindi kayo sumali sa contest pero mabuti na lang at naisipan niyong sumali. We received a lot of good comments ng dahil sa inyo. And we're all happy na kayo pa ang nanalo. Congrats again" yan ang nakalagay na description sa album na naglalaman ng lahat ng stolen pictures namin ni Kyle dun sa isang page, na siguro ang organizer nung event. Ah basta! Anak ng tokwa naman oh, bakit may ganito pa? Nang tingnan ko ang mga comment ay may ilang admin dun sa page namin ng Kyle ang nagcomment at nagpaalam pa kung pwede ba daw sila manghingi ng copy nun? ano ba naman ito?

"Gatas! Nakita mo ba yung mga pictures?" hindi na ako nabigla kung gising pa ang lalaking ito dahil parang routine na niya yata ang e-chat ako everynight.

"Oo. Bakit may ganito pa?" hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman dito?

"Tsk. Hayaan mo na lang. Ang gwapo naman ng kasama mo eh :P" oh kitams? Nahanginan na naman ang utak ng biscuit (-_-)

"Wow? nasaan kaya ang gwapo diyan? Bakit hindi ko makita?" pambawing asar lang. hahahaha!

"Hindi mo nakita? Nahalikan ka na niya kanina at nahalikan mo din :>" arrghh! Nagsisimula na naman siya. Ito ang ayoko eh, laging talo sa asaran sa kanya. Huhuhu, bakit ko nga ba siya ulit hinalikan? Siguro isa ang taong na yan na never kong masasagot.

Di na ako nagreply sa kanya dahil di ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya na din ako sa ginawa ko.

"Oy, tulog ka na?"

"Di pa." kinuha ko naman si Jamce at niyakap ng mahigpit.

"Bakit di ka na nagreply?" kailangan ko ba talagang sagutin yan ? (-_-)

"Tinatamad ako eh." Liar!

"Ay? Pero Kyla, thank you ha? Nag-enjoy talaga ako kanina." eh?

"Ganun din ako. And thanks din sa kay Jamce."

"Jamce? Who's that?"

"The bear. Alam mo, first time kong maka-receive ng teddy bear at ganito pa kalaki." Totoo yun, kasi hindi naman ako binibigyan, kahit si Ryan di rin.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon