(James PoV)
Hindi ko akalaing masusundan ako nina Kurt at Sean, muntik na nila akong mahuli. Mabuti na lang at napansin ko na may sumunod saking sasakyan. Hindi ko naman kasi napansin na sasakyan pala si Sean yun. Muntik ko na tuloy mabaril ang sarili kong kapatid.
Hindi na ako tumuloy sa pagkikita namin ng kaibigan ko. Dahil baka sundan ulit ako nila. Tinawagan ko na lang SIYA para ipaalam na hindi ako matutuloy sa pagpunta sa kanila.
Habang kaharap kanina sina Kurt at Sean parang gusto ko ng sabihin sa kanila ang lahat pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Pero napag-isip-isipan kong dapat na rin nila sigurong malaman ang totoo para malaman nila kung sino ang totoong kaaway at kakampi.
Tama, kailangan ko na nga sigurong sabihin sa kanila. Kahit na given na yung masasaktan sila sa malalaman nila. Para na rin magka-reason na sila para tuluyang layuan SILA!
(Kyla's PoV)
I was lying in my bed for almost 3 freaking hours! Pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaka-off ko pa lang ng laptop ko, kasi nagbabakasakali akong online si Kyle pero to my disappointment ay wala pa rin. Nag-aalala na ako, baka kun ano na ang nangyari sa kanya. Ilang beses ko na rin siya sinubukang tawagan pero laging off ang phone niya.
Hindi na talaga siyang nagpaparamdam sakin simula nung umuwi kami. Bakit? Bakit Kyle?
Dahil sa hindi makatulog, bumaba naman ako at nagtimpla ng gatas. Pero nang madaan ako sa kwarto ni Tita ay narinig ko naman ang pag-iyak niya. Hindi naman ako nagdalawang isip na pumasok sa kwarto niya, dahil kahit hindi siya magkwento alam kong kailangan niya ng karamay sa mga oras na ito, at tanging yun lang talaga ang maibibigay ko sa kanya.
Matapos ang halos isang oras na pag-iyak ay naramdaman ko na lang na nakatulog na pala siya. Naawa na ako kay Tita. But mas inaalala ko si Kyle sa mga panahong ito. Kasi naniniwala na ako sa iba na nagsasabing mabuti pa ang multo nagpaparamdam, pero yung taong mahal mo mukhang kinalimutan ka na?
Hindi ako naniniwala na hindi na niya ako mahal. Kasi ramdam kong mahal na mahal niya ako, noong huling magkasama kami. Pero kailangan ko talagang malaman kung nasaan na siya ngayon. Hindi ko naman siya mapuntahan sa kanila dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira. Ayaw niya kasi akong dalhin sa kanila dahil hindi naman daw kailangan. Ngayon nagsisisi na akong hindi ko alam ang address ng sarili kong boyfriend! Pero wala na akong magawa, tutunga-nga na lang ba ako rito at hihintayin kung kelan niya balak magpakita? Ang tanong eh kung magpapakita pa ba siya?! Argghh ! naiinis na talaga ako!
Para bawasan ang pag-iisip ko kay Kyle ay napagpasyahan kong tumambay na lang sa library at magbasa na lang ng random books dahil kung wala akong gagawin ay iisipin ko lang si Kyle. Pero wala naman akong magagawa diba? Dahil wala naman akong kilala na ka-close niya at alam ang bahay nila. Pakiramdam ko ngayon napaka-useless ko.
Pilit kong wag isipin siya at magfocus na lang sa pagbabasa ng libro at pag-aaral.
Matapos ang halos isang oras ay nakaramdam naman ako ng presensiya ng tao kaya napangiti ako ng palihim dahil alam kong kaming dalawa lang ni Kyle ang napapadpad sa lugar na ito ng library. Naging tagpuan na rin namin ito. Dahil noon kapag free time namin at wala kaming mapuntahan at dito lang kami nakatambay, ako nagbabasa siya naman at natutulog (lagi naman eh).
Pero nung mas lumapit na yung tao, nawala na lang ang ngiti ko ng maamoy ko ang pabangong gamit niya. Hindi ito si Kyle! Kaya naman tiningnan ko na lang para kilalanin kung sino. And to my surprise ay hindi ko siya kilala (labo nu? Masu-surprise ba ako kung kilala ko?)
"Hi Miss, pwede bang umupo dito?" eh?
"Y-yeah sure." Bumalik naman ako sa pagbabasa ko ng libro.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!