12: WEIRD ME?

132 9 2
                                    

(Kyla’s PoV)

“Very good group 3! You did a great reporting and magnificent presentation. ” our teacher said after our group reporting. Ang OA ng reaction niya. Swear!

Naglakad naman ako kaagad pabalik sa upuan ko at hindi pa rin pinapansin yung groupmates ko. Mabuti na lang at alam ko kung ano yung erereport kong part at hindi na kami nag-agawan pa.

Hindi naman ako galit sa lahat sa kanila, dun lang sa b*esit na Itim na taong yun! Ang lakas ng topak para iutos yun? Ang yung isa namang uto-uto sinunod din ang utos niya! Yung dalawang babae kanina nag-sorry na sakin, sabi ko naman na okay lang yun at hindi naman ako galit sa kanila.

“Wow? Amazing reports guys? You did a great job! At dahil diyan same groups pa rin kayo para sa mga susunod na mga reporting pa.” Sabi pa ng teacher namin after nung last group magreport. Yung iba masaya sa sinabi niya, may iba naman na dedma lang. Si Kim nga halos tumalon na sa tuwa! (-_-) syempre kasama niya si Gerald loves niya! “But your project would be by pair, so if I were you, I will choose now my partner. So that would be all for today, good bye class!” Bago pa lumabas ang prof namin ay nagkanya-kanya na silang kuha ng partner nila.

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

*Lunch*

“Oy Kyla, pansinin mo naman ako.” Dedma

“Kyla naman eh :3” dedmahin mo lang siya Kyla!

“Sige na, gagawin ko ang lahat pansinin mo lang ako.” Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

“Sigurado kang gagawin mo ang LAHAT?”diniinan ko talaga yung salitang LAHAT at nakita ko namang napalunok siya.

“O-Oo.” Takot?

“Then, be my project partner! Iwan mo si Jeff!” yeah, di ko siya pinapansin kasi yung akala kong siya na ang partner ko, yun pala sila na ni Jeff ang partner (-_-) at ang mas malala pa ay wala na akong iba pang makakapartner kundi ang Itim na taong yun!! Kaya ito siya ngayon, sorry ng sorry sakin.

“EEEEHHHH! Wag lang yun besty! Alam mo namang crush ko si Jeff diba?”

“Hindi ko alam (-_-)” sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

“Kahit ano basta wag lang yun.” Pagpupumilit niya! pa rin.

“Edi wag! Tumahimik ka diyan at naiirita pa ako lalo.” Nakita ko namang ngumuso siya. At hindi na rin nagsalita. Mabuti naman kung ganun. Kumain naman siya.

Nang sumunod na subject ay badtrip na naman ako (as usual) nakita ko naman kasi si Itim! Nakadungo lang sa desk niya, malamang tulog na naman yan (hobby niya eh)

Syempre hindi ko siya papansinin (as if naman na pinapansin ko na siya noon) hindi kami close tsaka may kasalanan pa yan sakin.

Nang dumating yung prof namin ay umayos naman ang lahat, pwera sa kanya. Tulog eh?

“Good Afternoon class, today we’ll just watch a movie that is related to our subject! The movie entitled “The Internship”, kindly take some notes about it and I’ll ask you some random question about it” oh that movie! I watch that already, not once but a lot! Ang ganda kasi eh. So I don’t need to take notes. Matutulog na lang siguro ako?

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon