9: Ace

88 10 0
                                    

(Kyla’s PoV)

Sa wakas, Friday na ^__^ ang bilis talaga ng araw nu? Parang nung last chapter lang ay Monday pa lang, ngayon Friday na kaagad? HAHAHA, wala naman kasing masyadong magandang nangyari this past few days, kaya tsupi na lang yun dito.

“Girl, nakapag-aral ka ba para sa test mamaya?” alam niyo naman kung sino yan diba?siya lang naman ang may lakas ng loob na kausapin ako ng ganyan.

“Oo, ikaw ba?” alam ko namang wala eh. Ang dali kasing basahin itong si Jana eh.

“Kunti lang, nakatulog kasi ako kagabi eh.” Liar!

“Alam mo Jana, kilala na kita eh. Alam kong tinamad ka na namang mag-aral kagabi.” Ang prangka ko nu?Medyo kilala ko na kasi ang babaing ‘to despite the fact na ang ikli pa lang ng panahon ng pinagsamahan naming. I don’t know why, pero comportable ako kapag siya ang kasama ko.

“Eh, nakakatamad naman kasing pag-aralan yang history. Kaya yun nagbasa na lang ako sa wattpad at kunting facebook at twitter din.”

“Ang galing mo din nu? Kung yung time na binasa mo sa wattpad at kakafacebook, twitter ay binasa mo ng notes mo para sa test mamaya, for sure perfect ang score mo.”

“Hihihi (^_^)V sorry.” Pwedi bang upakan ang babaing ‘to?

Habang busy yung iba sa chikahan, yung ilan naman sa pag-aaral ay bigla na lang pumasok si Mr. Black (lagi na lang kasing naka-black, tulad ngayon) bigla namang tumahimik ang lahat ng nasa classroom (including us, of course) sino bang hindi? Eh halos buong linggo yang absent sa klasi tapos bigla na lang susulpot with oh so-oh big eyebags.  Syempre andiyan pa rin ang nakakatakot niyang aura. Deadma nga lang sa kanya ang mga tingin naming lahat at dumiritso lang sa kanyang upuan which is nasa likod ko lang at agad namang dumungo sa mesa ng upuan niya at mukhang matutulog na naman (-_-) bakit ba ganyan ang lalaking yan?

“Psst!”  I swear matatamaan na talaga ang babaing to sakin. May pangalan ako, tapos yan lang gagamitin niya sa pagtawag sakin? Sayang naman ang maganda kong pangalan diba?

“oh?” inalis ko naman ang tingin ko  kay Mr. black

“Ang gwapo niya nu?” sabay nguso sa lalaking itim.

“Yan?Gwapo? May taste ka ba salalaki? Sigurado na talaga akong may sira yang mata mo Jana.” Hindiko naman napansin na meydo napalakas ang pagkakasabi ko nun at napatingin ang lahat sakin.

“hihihi, sorry.”

“Yan kasi, OA kung maka-react.Bakit, totoo naman diba? Gwapo na, ang hot pa.”san banda? Nagkunwari naman akong nasusuka sa sinabi niya.

“Grabi ka talaga Kyl! Man hater kaba? Oh sadyang mataas lang ang standards mo pagdating sa lalaki? Wala ka man lang bang crush dito sa campus?” chismosa talaga ang isang ‘to. Si Oppa, ang batayan ko diyan.

“Kilala mo si Kurt? Siya ang crush ko.”tito ko yun eh, magaganda kaya lahi namin.

“Kurt? Yung gwapo sa Architecture Department? Yung president ng MVP’s? sabagay, almost perfect naman kasi ang lalaking yun. Actually, crush ko nga din siya, silang dalawa nung bestfriend niyang si Sean pero ang cold ni Sean sa mga tao.” Pagsang-ayon niya naman sa sinabi ko.ang daming crush nito (-_-)

“Yun ang gwapo para sakin. And aside from that he’s a gentleman also. Super bait ng lalaking yun.”Palagi niya kasi akong binibilhan ng libro.

“Weee?Hindi nga?Pano mo nalaman yun? Close kayo?”  pwedi nang igawad ang Best Chismosa Award dito kay Jana sa dami ng tanong niya (-_-) hala? Hindi nga pala nila alam ang relationship ko between Kiera and Kurt.Mapag-tripan nga ‘to.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon