7 : Double Date

142 11 0
                                    

(Kurt’s PoV)

Sa wakas, Friday na rin. Sana dapat masaya ako pero hindi, kasi naman dapat ay pahinga na bukas pero bukas pa yung tryout sa basketball. Ano ba naman ‘to (-_-)

Wala namang may nangyaring maganda ngayong araw para ikwento.

Class-break-class-lunch-class-class-break

Isang subject na lang bago ang uwian. Habang nagkakasayahan ang buong classmates ko (wala pa kasi ang prof) ay may bigla namang tumawag sakin, kaya lumabas muna ako ng room para marinig ko yung nasa kabilang linya, alam niyo na maingay sa loob.

“Hello?” di ko naman tiningnan yung caller ID

(“Hi Kurt, Quennie ‘to”)  nagtanong ba ako? (-_-)

“Oh, bakit ka napatawag?”

(“Ah-eh, ano kasi. May gagawin ka ba bukas?”)

“Meron, try-out ng basketball team bukas.”

(“Ganun ba? Sa Sunday?”)

“Pwedi naman.”  Kahit hindi (-_-) “Bakit?”

(“Yayain sana kitang lumabas.” ) Wow? Babae na pala nag-aayaya ngayon ng date? (“Oy, hindi siya date ha?”) yun naman pala Kurt eh, hindi yun date. (“Pasasalamat ko lang sayo ssa pagtulong mo sakin.”)

“Ano ka ba, wala na yun Quennie. Hindi mo to kailangang gawin.”

(“Sige na naman Kurt, please. Hindi kasi ako masasamahan ni kuya eh kaya baka mawala na naman ako.”) Bata ba talaga ‘to o isip bata?

“Hayst! Sige na!” as if naman na may choice pa ako? Baka kasalanan ko pa kung mawala ‘to.

(“Yehey, salamat Kurt! Kitakits sa Sunday.”) Ang hyper niya talaga. Ilang araw din itong hindi nagparamdam (hindi naman sa hinahanap-hanap ko yung mga text or call  niya) tapos bigla na lang tatawag at mag-aayayang lumabas?

Wala na talaga akong pahinga nito. Habang naghihintay pa din ng prof ay nagtext naman si Sean na may practice daw sabi ni coach mamayang uwian. At dun na daw kami matulog sa bagong tambayan.

May natanggap naman akong text galing kay Quennie na nagso-sorry sa hindi niya pagpaparamdam dahil daw nabusy siya sa school. Paki ko naman?

Nung dumating yung prof namin ay nagbigay kaagad ng SURPISE quiz (-_-) badtrip naman oh! Pero hayaan na lang, quiz lang naman ‘to.

After nun pinauwi naman kami kaagad. Sa gym naman ako agad pumunta kasi andun na daw silang lahat. Nagpractice lang kami ng ilang oras at umuwi na rin. Sa bagong tambayan naman kami umuwi ni Sean (sa dating bahay nina Kyla) meron kasi kaming kanya-kanyang susi sa bahay na’to. Kaya kung bukas ito, malamang isa saming lima ang nandito.

Naligo, kumain at natulog kami kaagad ni Sean. Mga pagod kasi at para ready sa bakbakan bukas.

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

By next day, 6 am pa lang ay nasa school gym na kami ng mga teammates ko. Sa unang tingin palang sa mga magta-tryout, masasabi ko ng MAHABANG-HABANG araw ‘to para sakin ha! Ang dami kasi nila.

Ang ginawa namin ay hinati namin sila sa apat na grupo at pinalaro. Habang naglalaro ay tinitingnan naming kung sino-sino yung may mga potensyal sa laro. After few hours, we’re down to our 15 players. Pinalaro naming ulit sila but this time yung mga ka-teammates ko na ang mga kalaban nila. Ako at si coach naman ang namimili sa kanila.

Pinagpahinga muna namin sila after ng game bago i-announce kung sino-sino ang mga pasok. Ako ang naatasan ni coach na magsabi sa kanila (may date si coach eh). Sasabihin ko na sana kung sino-sino ang pasok ng may isang lalaking naghahangos na pumasok.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon