(Kyla's PoV)
Hayst, back to school na naman! Bakit kapag masaya ka, ang bilis ng oras? Kapag naman nagmamadali ka ay ang bagay! Kainis. Pero masaya naman ako. Ang saya kaya ng tatlong araw namin sa resort nina Sean at maging ako ay hindi pa nakaget-over sa nangyaring panliligaw ni Sean. Aba ang mokong, graduate na sa torpe academy. But seriously, I'm happy to both of them. Feeling ko kasi mahal na rin ni Sharmain si Sean kaya lang syempre dapat talagang dumaan muna sa panliligaw stage si Sean. Ito rin ang first time ni Sharm na ligawan eh, sinabi niya saming mga girls yun."Hoy, parang baliw ka diyan. Nakangiti ng mag-isa. Hahahaha!" oh, kilala niyo na yan diba?
"Bawal na bang ngumiti ng mag-isa ngayon Jana?"
"Hindi naman pero nagmumukha kang baliw diyan sa tabi ng bintana." Bakit ba ang kulit nito?
"Eh sa masaya ang iniisip ko eh." Nakita ko namang ngumisi siya ng nakakaasar.
"Ano naman kaya yun? or shall I say sino naman kaya yun." yung ngiti ni Jana maganda sana kung hindi nakakaasar. Ano naman kaya ang gustong ipahiwatig nito? tiningnan ko lang siya na parang nagtatanong at bigla niya na lang nginusuan ang lalaking tulog (na naman) sa tabi ko. sinamaan ko naman siya ng tingin pero natawa lang ang bruha.
May sasabihin pa sana ako kaso nga lang biglang pumasok sa room namin yung Dean ng department namin kaya naman ay umayos na ang lahat, well maliban na naman sa katabi ko (-_-) at sa tagal naming magkatabi ay obligasyon ko na ang gisingin siya.
"Hoy Biscuit, gising na! andito na si Sir." Agad naman siyang umayos ng upo at inayos ang magulo niyang buhok. Oh my Kyle, why so gwapo? Oh wait-what? Kyla, wake up! Ako yata ang nananaginip dito (-_-)
"Good morning everyone." Agad niyang bati nung nasa gitna na siya ng room. "Kung hindi niyo pa alam ay naka-leave si Ms. Singson at hindi naman pwede na hindi na kayo mag-discuss diba? kaya naman for the meantime ay isang substitute teacher muna ang bahala sa inyo." Yung mga classmate ko ay natuwa nung narinig na naka-leave yung teacher naming yun pero parang namatayan nang sinabing may kapalit na. Ang epek eh. Ahahah!
"Mr. please come in." lahat naman kami napatingin sa pinto kung saan pumasok ang lalaking parang kaparehas lang ng edad kay Papa or maybe mas bata pa ito sa kanya. Nakakatakot yung mukha niya. Kung strikto si Ms. Singson, mukhang mas strikto naman ito.
Napansin ko naman nung tingin nung teacher sa katabi ko at nung tingnan ko naman ang katabi ko ay parang nakakita yata ng multo. Teka, baka magkakilala sila? Pero bakit parang takot na takot si Kyle? Baka Papa ng isa sa mga ex niya? Haro~ kawawa naman si Kyle kapag ganun, pero sana wag naman.
"Students, this is Mr. Nomer De Guzman. He's just new here at our school, so be good at him."
Hinarap niya naman yung Mr. De Guzman "Sir, ikaw na ang bahala dito." Tumango lang yung teacher at lumabas na kaagad ng room namin yung Dean. Kung ang usual na reaction ng mga classmates ko ay masaya, ngayon halos lahat ay maayos na naka-upo sa kanya-kanyang upuan nila na para bang kapag gumalaw sila ay ikakamatay nila. Kahit na ang madaldal kong kaibigan ay parang nilagyan ng tape ang bibig kasi hindi man lang magawang ngumiti.
"Hey guys. What's with that face? Para namang kakainin ko kayo. Relax. Masyadon naman kayong seryoso. Chillax lang." dahil sa sinabi niya ay sabay-sabay na nakahinga ng maluwag ang mga classmates ko at nagtawana kaagad. Ang OA talaga nila. Maging si Sir ay natawa din sa reaction nila. Mukhang mali yata ang akala ko or rather namin.
"So, I guess you're now okay?" masiglang sumagot naman ang mga baliw kong ka-klase. Umupo naman si Sir sa table. Ang cool niyang teacher, parang si Mr. Villanueva lang.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!