64: He Suffered

87 1 0
                                    



(Ace PoV)

F*ck

F*ck

F*ck

F*ck

F*ck

F*ck this life!

I did everything just to get away from that f*cking house, or shall I say hell. I tried so many times but he always caught me at ang bagsak ko? Bugbog sarado sa mga body guard niya. Sh*t!

There is time na muntik na kong makatakas pero hindi ko alam na meron pa palang nagbabantay ilang metro lang ang layo sa bahay. Hindi ko alam na ganun na kahigpit ang security sa bahay namin. Halos wala na nga kaming mga kapitbahay dito dahil sa security na yan.

But I'm glad there is one servant na naawa yata sakin at tinulungan akong maka-alis kahapon sa impyernong 'yun.

Kaagad naman akong tumungo sa school dail alam kong dun ko lang makikita si Kyla. I need to see her, talk to her, say sorry to her and hug her tight. I missed her so much. But to amazement, ako pa yata ang na-surprise sa nakita ko. Bakit?
Nakita ko lang naman ang girlfriend ko na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. F*ck! Bakit siya ganyan? Bakit siya tumatawa kaharap ang ibang lalaki?

That smile, that smile. That smile is supposedly for me only, mine only!

But why? Why Kyla? Ginawa ko naman ang lahat para lang makita siya pero ano 'to? Hindi ko kinaya ang nakita ko kaya nung mapatingin siya sakin ay naglakat na ako paalis.

Alam kong hinabol niya ako kasi narinig ko pa yung pagtawag niya sakin. Hindi naman talaga ako umalis kaagad nun, let just say na nagtago lang ako. Nakita ko siya na dinaanan lang yung pinagtaguan ko. Gustong-gusto ko na siyang yakapin at sabihin kong gaano ko siya ka-miss pero hindi ko kinaya yung nakita ko. Para kasing merong kung anong bagay ang tumusok sa puso ko.

Hindi ko alam kung bakit, siguro hindi ko lang kaya na makitang masaya yung babaeng pinaka-mamahal ko na masaya sa piling ng iba. Masakit siya sa puso. Never ko pang naramdaman ang ganitong feeling.

Nang makita kong tuluyan na siya umalis ay umalis na rin ako dun at hinanap si Nate. Para maka-usap siya tungkol sa grupo. Pero sa kasamaang palad hindi ko siya nahagilap sa campus so I decided to go home, or shall I say again sa impyerno. Wala naman kasi akong ibang mapupuntahan.

Hindi na ako nagulat na dinatnan ko ang DL sa sala at umuiinom ng wine. I know that he already knew na tumakas ako. Pero nakangiti siyang sumalubong sakin, pero hindi ako nagpapadala sa ngiti niyang yan. Alam ko kasing hindi maganda ang mangyayari kapag nakangiti siyang ganyan.

"So how it is? Seeing the girl you love being with another man?" what the- how did he know?

"Do I need to tell you how did I know? You know I know a lot Ace." Hindi pa man ako nakaka-imik ay may tinapon siyang envelop sa table. Kinuha ko naman yun at binuksa, it was the picture of Kyla at that guy a while ago. Ang dami nito, hindi ko alam kung matagal na bang kilala ni Kyla ang lalaking ito? Bakit ganito na lang kadami ang mga nakuhang pictures na magkasama sila?

Hindi, hindi ako maniniwala sa mga ito. Pweding edited lang ang mga ito. Tsaka malaki ang tiwala k okay Kyla, alam kong ako lang ang mahal niya at alam kong hindi niya ako papalitan ng ganun-ganun na lang.

Tiwala lang Ace, magtiwala ka lang kay Kyla.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ko maniniwala sayo. Alam ko namang sinisiraan mo lang si Kyla sakin eh. Para ano, layuan ko siya? Sa tingin mo ba makakalapit pa ako sa kanya ng ganito? Daig pa nga namin ang isang kawawang preso at sa sarili pa talaga naming pamamahay ha? Wow! Kaya wag kang umasang maniniwala ako sa mga ganyan." Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na talaga kasi kayang e-hold back pa ang nararamdaman kong galit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon