(Kyla's PoV)
It's been a month since Papa leaves us for his some important business. Ibig sabihin lang nun, month of hearts na. Yes, it's already February, actually bukas na ang Valentine's day. Kaya naman ang iba, busy-busyhan sa mga kanya-kanyang date nila bukas. Ang bilis lang ng araw.
Back to normal naman ang lahat. Ang kakulitan ni Jana, ang pag-lunch kasama ng mga bagong kaibigan namin, ang pambubulabog sakin ni Kyle sa umaga hanggang gabi. Well, this time with extra sweetness na at inaamin na sobrang kinikilig talaga ako, mukhang hulog na hulog na ako sa kanya.
"Jan-" hala? Asan na ang bruhang yun? At hindi lang siya, lahat ng mga classmate ko. Hindi na ako nagtanong kay Kyle dahil mula kaninga umaga ay hindi na pumasok ang mokong na yun. Aba, baka may date. Juice colored, wala naman sana.
Baka nauna na sila sa gym? Ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng PE attire ko. Masyado naman yata silang excited para sa class namin ngayon. Sino ba naman ang hindi, eh last subject na namin yun eh.
Tumalima naman ako sa girls room para magpalit na din ng PE attire ko. Meron pa naman akong ilang minuto bago ang klase namin kaya hindi naman ako nagmadali sa pagbihis. Pati buhok ko ay inayos ko na rin para iwas sagabal sa mukha. Nung okay na ang lahat ay naglakad na kaagad ako papunta ng gym.
Hindi ko alam kung napa-paranoid lang ba ako o sadyang wala lang talagang naligaw na mga tao dito sa bandang gym? Wala namang ingay na nanggagaling sa loob nun kaya sobrang nakakapagtaka talaga. Kasi usually, rinig mula sa labas ang ingay galing sa loob ng gym.
Binaliwala ko na lang ang mga iniisip ko at napag-pasyahan ng pumasok sa loob. But to my surprise, sobrang dilim ng buong gym. Nakababa ang mga kurtina ng buong gym (ginagamit lang kapag may event na tago) Kaya hindi ko masasabi kung meron bang tao o walsa, kasi as in wala talagang ingay. Hindi na ako nag-isip pa at humakbang pabalik sa pinto ng gym pero nakasara na ito mula sa labas at hindi ko mabuksan.
Sh*t! What the heck happening here? Anong meron? Humawak lang ako sa wall nitong gym at naglakad papunta sa direction ng stage nitong gym. Pero hindi pa man ako nangangalahati ay bigla na lang akong nasilaw dahil sa nakatutok na ilaw sakin mismo. Hinarang ko naman ang kamay ko sa ilaw para makita kong ano ba ang nangyayari pero purong kadiliman pa din ang nakikita ko.
"Sino ba ang nandyan? Ano ba ang nangyayari?" sigaw ko na. Kasi naman siguradong may tao na dito kasi may nag-on ng ilaw at sakin pa nakatuon. Pero wala talagang may sumagot sakin.
Muntik na akong mapasigaw dahil sa naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Isa siya sa mga nag-aaral dito kasi naka-uniform ito pero hindi ko nakilala dahil naka-maskara siya. Dinala niya naman ako sa gitna ng gym, yun kasi ang akala ko at pina-upo sa nag-iisang silya dun. Gusto ko sanang tanungin pero bigla na lang siyang nawala.
Gusto ko sanang umalis sa kina-uupuan ko pero may isang spotlight na naman ang umilaw sa left side ko but this time nakatuon ito sa dalawang tao na naka-upo sa magkaharap sa mesa, yung babae nagbabasa ng libro at ang lalaki naman ay natutulog. Puro libro naman ang background nito. Well I guess, sa library ito? Teka ano ba ito? Pinanuod ko lang yung dalawa. Di ko kilala ang dalawa dahil naka-maskara silang pareho.
Hanggang sa magising ang lalaki at mukhang nagulat ito nang makita ang babae.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?"- tanong nung lalaki na mukhang iritado
"Nagbabasa. Library kaya to, eh ikaw? Anong ginagawa mo dito ?" - ang suplada naman nung dating ng girl. Bakit parang familiar sakin ang tagpong ito?
"Psh (-_-) bakit dito pa? Umalis ka nga dito!"- yung lalaki ulit.
"At sino ka naman para paalisin ako dito? Bakit sayo ba to?"- mukhang naiinis na din yung babae.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!