1 : The D5 ✔

371 18 2
                                    

(a/n: click the video sa side, habang nagbabasa kayo nito. haha :) dito cu talaga kinuha ang concept ng story eh, pero of course madaming twist :P naaliw kasi ako sa video nito XDD so enjoy reading XD )

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ


(Kiera's POV)

"KUUUUYYYAAAA !!!"

"Sandali lang naman Kiera -_-"

"Kuya, late na tayo! Kanina pa kami ni Kyla naghihintay dito. Para ka namang babae eh!"

"Sinong babae ha?"- sinamaan niya naman ako ng tingin.

"hihihi, sorry kuya. Peace ^_^V"

Halos ganito kami araw-araw simula nung opening of class. Nasa iisang bahay lang kasi kami nakatira. Binilhan kasi kami ng bahay ni Kuya James (papa ni Kyla) na malapit lang sa school para hindi na kami magbyahe araw-araw. Kasama din namin si Kyla dito, wala kasi si kuya James dito kaya kami ang bantay diyan. Kung nagtataka kayo kung bakit parang magkasing-edad lang kami nitong si Kyla at kuya ay dahil nasa 19 na si kuya James ng ipagbuntis ni mama si kuya Kurt and by the next year eh ako naman yung sumunod.

"Oh? lalakarin lang ba natin yung school?"- tanong ni kuya

"WHHHAAATTT ?" sabay naming nasabi ni Kyla

"Tito naman eh >.< Late na nga tayo tapos lalakarin lang natin? Ok ka lang? tsk!" ayan sumabad na ang bata! hahaha

"Kyla! halika magmotor tayo. Hayaan mo yang mokong na yan magkalad mag-isa!" hinila ko naman si Kyla papuntang garahe

"At kaninong motor ang balak mong gamitin aber?" natigilan naman ako. ENEBEYEN -_- di ko pala pweding gamitin yung motor niya dahil baka kung ano pa ang magawa nito sakin T_T

"Hahahahah ! Sabi na nga ba eh hahaha." Naglakad naman siya papunta sa itim niyang sasakyan. "sakay na. Bilis! Baka wala kang marecruit na mga Freshmen para sa Fashionista hahahah!" - nang-asar pa -_- mabulunan sana ng laway niya.

"Oo na. tsk para namang angrami ang makukuha niyong bagong member." padabog ko namang isinara ang pinto ng sasakyan niya. Masira sana!

"Paramihan pa tayo?" aba't?

"Aba? oo ba? Kapag nanalo ako, isang linggo kitang alalay sa pagsa-shopping at PERA mo ang gagamitin ko. Pero pag ikaw naman ang nanalo, i will be your slave for one whole week. Take it or leave it? hahahah" it's payback time my brother.

"Deal!"

Ayos to. Sana madaming freshmen ang mag-apply samin *Cross Fingers* Maumpisahan nga sa isang babae dito.

"Ahmm Kyla?" - nilingon ko naman ang maganda kong pamangkin sa likod na nakatingin lang sa labas. Nag-eemo? Ki aga-aga?

"Po?"

"Alam mo naman yung tungkol sa school groups, diba?"

"Nae, Waeyo? (yes,Bakit?)" - kinorean pa ako -_- nasa pinas kaya kami!

"Nakapili ka na ba kung saang group ka sasali?"

"Yup." Bilis ha? Tatanungin ko pa sana kung samin ba siyang sasali pero di na natuloy dahil "Dun po ako sa Cool Guys."

Muntik naman akong mahulog sa inuupuan ko hindi dahil sa sagot ni Kyla kundi bigla na lang nagpreno si Kuya.

"hahahaha! Ano ba yan Kiera, first target, failed? Tsk tsk tsk, hahahaha" sabi pa niya bago bumaba ng kotse. (-_-) sana talaga mabulunan na siya ng laway niya. But it's ewww naman pala.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon