(Kyla's PoV)
Almost 9 pm na ako nakauwi dahil sa hindi ko talaga maintindihan yung isang topic namin sa accounting. Mabuti nga at napapayag ko si Kyle na turuan ako, aba once in a pink moon lang yata kung pumayag ito kaya grab na kaagad.Ako naman itong may kailangan kaya dapat pa-good shot ako sa kanya.
Expected ko na na aasarin niya ako while tinuturuan pero ang kinagulat ko ay super seryoso ang mokong habang tinuturuan ako.Noon pa talaga ako nagtataka kung bakit ang galing ng isangito pagdating sa Math. Well, magaling naman siya sa iba pero talagang magaling siya sa mga numbers and solutions. Kung tama ang naalala ko noong first class namin na pina-copya niya ako ng assignment namin ay naisip ko ng magpaturo sa kanya, pero that time natatakot ako sa kanya and at the same timenaangasan din ako sa gangster look niya. Ngayon, iba na.Friends na kami, hindi lang friends, close friend talaga.
Owkey back to the topic. Si Tita Kiera lang ang nadatnan ko dito sa bahay. Kahit si Papa wala din dito.
"Tita, nasaan sina Papa at Tito?"I asked her whileI'm looking for foods in ref.
"They went to some Business."Business, ang tawag nila sa mga laban. Ang daya naman, bakit kasi hindi pinalitan ni Papa? Kung kelan excited na akodahil nasali kami sa Dark Game (syempre, natatakot din ako) tsaka namang naisipan ni Papa na bumalik sa grupo. Pero siguro tama na rin ang desisyon niyang yun dahil baka hindi pa talaga ako handa sa mga bagay na ito kahit siya mismo ang sumanay sakin.
"Ah, bakit hindi ka kasama? Tsaka pati ba si Papa?" ang alam ko kasi sina Tito at Sean lang ang palaging busy sa bagay nay an.
"Alam mo naman na binawalan muna ako ni Kuya na sumali, bantayan daw muna kita. And yeah, this time sumama na si Kuya. Mukhang malalakas yata ang kalaban nila."casual niyang sagot habangnanunuod lang ng TV. I wonder kung ilang oras na ba ito sa harap ng TV, ang alam ko kasi hindi siya pumasok eh. Tinamad daw.
"Hay, ang boring naman." Napaupo naman ako sa tabi niya at kumain lang ngkinuha kong malaking Piatos atjuice at nanuod na lang.
"Hoy, ano yan?" napatingin naman ako sa kanya. Ano naman ang tinutukoy nito?tinuro niya naman yung kinakain ko.
"Piatos."Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Yan lang ang kakainin mo for dinner?" sus, yun naman pala.
"Yup. Diet ako eh."Again, sinamaan niya lang ako ng tingin. Bakit ba?
"Kumain ka ng kanin o isusumbong kita sa Papa mo? at kelan pa nauso ang diet sa isang Kyla Jamine Sy?" nung sumali sa pageant. Gusto ko sanang isagot sa kanya, pero wag na lang, hihihi
"Oo na po."Mabilis ko namang tinungo ang kusina para magdinner ng mag-isa.Hindi man lang nila ako hinitay T3T
Hindi naman ako masyadong gutom kayakonti lang ang kinain ko. Tsaka nakakatamad kaya ang kumaing mag-isa.
Bago pa man akoumakyat sa kwarto ko ay nagtimpla na naman ako ng gatas. Para dalhin sa taas, para kasing inaantok na ako. Siguro masyado lang akong napagod sa kakalaro kanina sa PE.
"Tita, akyat na ako. Hihintayin mo pa ba sila?
"Oo,sige goodnight na." humalik muna ako sa kanya bago umakyat sa kwarto ko.
Ginawa ko muna angmga girl rituals bago matulog. Pero syempre hindi na dun mawawala ang mag-surf sa internet. Facebook, wattpad, twitter at tumblr. Yan lang muna ang binuksan ko. Matutulog na rin kasi ako maya-maya.
ɷɷɷ
After 1 hour ay hindi pa din ako dinalaw ng antok. Hayst, ano ba naman ito? Naubos ko na ang gatas ko, nakapagbasa na ako ng mga updates sa wattpad pero mulat pa din ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!