(Kyla's PoV)
*deep sigh*
"Wow, lalim, di ko masisid." I look at the face thatinterrupted mysilence here at the edge of the room.
I just give Jana a death glare but heck kelan pa umepekto ang masamang tingin ko sa babaing ito? She justlaughs at me andoccupies the sit next to mine.
"Problembesty?"I took a deep sigh again before answering her.
"Nothing, just thinking some random thoughts." I lied
"Wee?" she just gave a suspicious look.
"Sa susunod wag ka ng magtanong kung hindi ka man lang maniniwala sa isasagot.Tsk" totoo naman diba? tatanong-tanong tapos sasabihan ka lang ng wee?Sino ang hindi maiinis dun?
"Ito naman hindi ma-joke."
"Tsk."Binalik ko naman ang tingin ko sa labas ng bintana. Ang tagal naman ni Sir. Inaantok na kasi ako. Paano ba naman eh, almost3 am na ako,bakit? After ko kasing makinig sa pinag-uusapan nilang apat ay bumalik na ako ng room pero hindi pa din ako dinalaw ng antok. Iniisip ko kasi ang mga narinig ko kagabi.Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanila. Paano na lang kung hindi sila handa kapag inatake sila ng mga kalaban? Tulad ng nangyari noon kay Sean? Pano kapag kay Tita nangyari yun? alam kong malakas siya pero she's still a girl. Ano naman ang laban niya sa mga lalaki diba?
Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko, rason kung bakit hindi ako nakatulog kaagad.Sumagi nga di sa isip ko na kausapin si Papa para ibalik ako sa grupo pero naisip ko din na baka maging pabigatlang ako sa kanila. Hindi pa man kasi ako ganun kagaling katulad nila, pero may ibubuga naman.
"Good morning Sir." Bumalik naman ako sa katinuan nung marinig ko ang sinabi ni Sir. Buti naman at dumating na din siya kasi kung hindi talagang matutulog na ako dito. Aba, hindi biro angeyebagsko ngayon, parang maleta na nga siya. But thanks to some concealer.
As expected, boring na naman ang discussion. Sus, kelan pa ba magiging exciting ang lesson sa college? Parang hindi na yata mangyayari yun.
Parang nadagdagan tuloy ang antok ko dahil sa kakadaldal ni Sir sa gitna.
In the middle of his discussion, napatigil siya dahil sa biglaang pagpasok ng isang masamang hangin este tao pala na kung titingnan mo parang pasan ang lahat ng problema sa mundo. Kahit yung mga classmate namin ay ganun din. Halos nakasunod ang lahat ng mata sa kanya hanggang maka-upo na siya sa upuan niya which is yung katabing upuan ko lang, yung inupuan kanina ni Jana.
Ang bastos talaga ng lalaking ito. Ni hindi man lang bumati sa teacher namin?Psh, angas talaga.
Binawi ko naman yung tingin ko nang makitang tumingin siya sa gawi ko but it's too late dahil nahuli na niya ako. And he just smirks. Okay, what was that? Arrgghh! Ang bipolar talaga ng lalaking biscuit na ito!Ang sarape-crunch at gawingsubstitute sa grahams!Kapag ako talaga naiinis dito. Ingredient samango float ang labas nito sakin o di kaya kakain na lang talaga ng buo. Tsk.
Hindi ko na lang siya pinansin, ano naman ang mapapala ko kapag pinansin ko yan?
Mabuti na lang atlast subject na namin ito, wala daw kasi yung teacher namin sa PE sabi ni Pam.Kaya makaka-uwi ako ng maaga ngayon. This last few days kasi palagi na lang akong late kung umuwi at thanks to Papa sa pagpayag niya kapag nagpapaalam ako.
"Okay, that would be all for today.Kindly study the Chapter 18-20 for your long quiz tomorrow."Psh. Okay na sana kaso may pahabol pa pala. Pero okay na rin yan. Atleast 3 chapter lang ang dapat na pag-aralan.
Nang tuluyan nang umalis yung teacher namin at nagmadali naman akongayusin ang mga gamit ko para maka-uwi na kaagad.
Matapos kongbitbitin ang bag ko aymay bigla na lang humila sa kamay ko. Nang tingnan ko naman kung sino ang lapastanganghumawak sa maganda kong kamay ay nakakita ako ng malaking biscuit (-_-) alam niyo na kung sino diba?
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!