(Kiera's PoV)This vacation is great. Why? Kasi wala lang akong ginagawa kundi ang tumambay sa bahay, kumain, manuod ng TV, matulog at kapag trip kong maglakad-lakad every afternoon ay yun maglalakad lang ako sa buong lugar dito samin at iisang lugar lang ang kakahantungan ko. Sa 7/11. Ewan ko ba kung bakit? Pero talagang dito ako napapadpad.
At hindi ko alam kung tsamba lang ba na everytime na pupunta ako dito ay wala masyadong tao? At si Nate ang bantay.Dahil dito ay naging mas close kami ng lalaking yun. Kahit minsan, masungit pa din siya, ay mali! Palagi pa din pala.
Nalaman ko din sa kanya one time kung bakit galit siya sa mga katulad ko dawn a fashionista.
Wanna know why?*Flashback*
It's Saturday night. Nung mapadpad naman ako sa convenient store kung saan nagtatrabaho si Nate. Tulad nung mga nakaraang araw, iilan lang ang tao dito basta mga ganitong oras. Kasi karamihan sa mga tao ay nasa mga bahay na nila. At nag-iisa lang si Nate sa store.
Bumili muna ako ng makakain ko at kaagd nagbayad at naghanap ng upuang malapit sa counter para makapag-usap naman kami. Dahil talagang kaming dalawa lang talaga ang nandito. (maliban dun sa guard sa labas ng store)"Nate, hindi ka ba napapagod sa kakatrabaho mo?" out of the blue moon kong tanong.
"Napapagod din pero kailangan ko talaga 'to para sa nanay ko." ay oo nga pala. May sakit nga pala nanay niya. Gusto ko talaga siyang tulungan pero ayaw niya naman eh. Kaya niya naman daw.
"Nate, pweding magtanong?"
"Nagtatanong ka na." oh kitams (-__-) masungit pa din siya.
"I mean ibang tanong."
"Okay."
"Curious lang ako, bakit ba ang sungit mo sakin?" kasi naman minsan mabait siya, pero kadalasan ay masungit talaga.
"Mayaman ka kasi."
"So ayaw mo sa mga mayayaman?" hay, ano kaya kasalanan ng mga mayayaman sa kanya?
"Oo, kasi ang aarte niyo. Lalo na kapag nasa school group na fashionista." Ouch. Sapol lahat ng nasa group namin ha? pero nag-iba na kaya ako. Sobrang simple na nga lang ng mga panamit ko eh. Tsaka hindi naman talaga ako maarte katulad ng iba :3
"Hindi naman lahat. Tsaka bakit ba galit ka talaga sa group namin? May something ba kaming may nagawa sayo?" kinabahan naman ako nung tumigil siya sandali sa ginagawa niyang pagsusulat at tumingin sakin ng masama.
Tiningnan ko din siya sa mata na para bang naghahamon na sabihin niya ang totoo sakin. That I'm willing to listen to his problems. At mukhang hindi naman ako nabigo.
Kasi nakita kong napabuntong hininga siya, pero sa kasamaang palad ay dumating naman yung isang kasamahan niya sa trabaho kaya naman natigil na pag-uusap namin. Kainis naman oh, andun na sana eh.Aalis na sana ako habang nag-uusap sila nung kasama niya pero biglang..
"Magpapalit lang ako. Hintayin mo lang ako dito." Napatigil naman ako dun at palihim na napangiti.
After a few minutes ay lumabas naman ang isa sa mga gwapong nilalang na nakilala ko.
"Let's go?" sabi pa niya.
Kaagad naman kaming umalis sa store na yun at naglakad-lakad lang sa ilalim ng sinag ng buwan.
Nung una, tahimik lang kaming pareho pero ilang saglit pa ay bigla na lang siyang nagsalita.
"Nung first year ako sa AEU, I meet this wonderful girl named Jenny. Noon kasi, ang tanging alam ko lang ang magbulakbol kasi suportado pa kami ni Nanay. Kaya kahit pinapa-aral ako ng maayos, kagag*han ang inaatupag ko. When I meet Jenny, ewan ko ba kung bakit nahulog ako sa kanya." He stops for a while at tumingala sa langit na para bang iniisip ang mga nangyari noon. Pero meron akong something na nararamdaman na feeling ko hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Novela Juvenil"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!