5: First Day ✔

132 11 2
                                    

Kyla at the top 

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

(Kyla's Pov)

Monday na ulit at magsisimula na rin ang totoong class. Pagpasok ko pa lang sa computer laboratory ay medyo madami-dami na rin akong mga classmates dito. May mga bumati sakin (na hindi ko naman kilala) ngiti lang naman ang sinukli ko sa kanila. Pero yung mga lalaki, ewan, parang ang weird nila. Kung makatingin parang nahihiya na naglalaway? Hay, ewan.

Dun naman ako umupo sa second to the last na upuan sa fourth row. Bali may apat na row lang ang arrangement ng upuan na may kanya-kanyang na-assign na computer.

Maya-maya lang ay dumating na din yung prof namin at ayun

Blah....

Blah...

Blah...

Blah ...

Nag-discuss lang naman siya ng mga RULES sa loob ng classroom, seriously? Rules? Akala ko pang-elementary at high school lang ang mga yun. Hindi ko alam na uso rin pala yan sa College. Tsaka yung pinaka-ayoko sa lahat, ang pagpapakilala sa lahat!

"So dahil medyo marami-rami kayo dito ay ganito na lang ang gagawin niyo. Just state your name, age and group you belong. Let's start from you." Turo niya sa babaing nasa first chair sa first row. Tumayo naman siya at nagpakilala, ayun Name, age, group, name, age, group, name, age, group and so on so for. Mabuti naman at medyo matagal pa bago ako.

Kanina ko pa napapansin itong mga classmates ko na kanina pa walang tigil sa katitingin sakin. Nang tingnan ko naman ang sarili ko sa monitor ng computer (kita naman talaga diba? dahil nakapatay naman yung unit) wala naman akong dumi sa mukha, so ano ba problema ng mga ito? Tsaka napansin ko ulit (ang dami ko talagang napapansin kapag walang ginagawa, so hayaan niyo na lang ako) karamihan dito sa section namin, nasa Amazing One's at MVP'. Actually, yan lang ang kanina ko pa naririnig everytime na may magpapakilala sa harap. Wala man lang bang Heartrob, Fashionista o Cool guys? Ang saklap naman. Siguro yung mga MVP's dito matatalino din?

"And last but not the least, Ms. Sy." Ako na pala? Tsaka, seriously? Kailangan ko pa bang magpakilala? parang kilala na naman nila akong lahat. Pero no choice pa din ako, kaya tumayo na din ako at pumunta sa harap.

Nag-bow muna ako "Hello po, I'm Kyla Jamine Sy, but you can call my Kyla, 16 years of age. And I'm from Cool Guy's group." At nag-bow na din ako ulit.

Aalis na sana ako pabalik ng upuan ng bigla na lang magtanong si Prof "Ms. Sy, bakit wala ka sa Amazing One's? Base sa nakita kong mga grades mo ay sobrang matataas." Eh sa ayoko eh, di kaya ikaw ang sumali dun? Ang sarap isagot dun sa teacher, pero syempre good girl ako kaya hindi ko ginawa yun.

"Ahm, sorry po kasi para sakin yung Amazing One's ay para lang sa mga nerd, no offence mga classmates ha? Hindi naman po ako ganung klasing tao eh." Oha? Humble ko nu? Hahaha. Okay nag-bubuhat na yata ako ng sariling bangko.

"Oh I see, ok thank you hija, you may take your seat. And by the way, congratulation pala para nung sabado."

'"Thank you po Ma'am." At bumalik naman ako sa upuan ko. Yeah nung sabado, ako ang nanalo bilang Ms. Freshmen of the year, yung Mr? ewan, galing yatang Heartrobs. At kung iniisip nung naging pageant yun, pwes maling-mali kayo dahil pinipili daw nila kung sino yung crowd favorites and pweding maging good model sa kapwa nila first year. Abay malay ko ba naman diyan? Basta ayoko ng maalala yun. Mukhang yung apat lang naman ang

Nagdi-discuss na yung prof namin ng may bigla na lang may masamang hangin ay este tao pala ang pumasok.

"Good morning Ma'am, sorry I'm late." Sabi pa niya tsaka nag-bow sa harap ni ma'am.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon