(Kyla’s PoV)
Naasar pa din ako dahil sa sinabi ni Sir kahapon. Sa dinami-dami naming member ng grupo, ako pa talaga ang napili and what’s the worst is si Itim pa talaga ang partner ko???! The heck with the voting achuchu of the officers (-_-)
“Ang aga-aga nakabusangot ka diyan?” palibhasa kasi gustong-gusto niya yung sinabi ni Sir kahapon! Pustahan nagtatalon na yan kagabi sa kwarto niya! Mapalibutan ba naman siya ng mga naggu-gwapuhang mga lalaki sa hearthrob group?
“Wala to!” nakatingin pa din ako sa labas ng bintana.
“May dalaw ka ba?” (-__-)
“Pwedi bang tumahimik ka Jana!” naiinis talaga ako. Sabayan pa ng dalaw ko! Ano pa ineexpect niyo? Na ngi-ngiti ako buong araw sa lahat ng tao dito?
“Sungit!” narinig kong sabi niya bago siya umalis sa tabi ko.
Psh! Paki ko?
“Good morning class.” Umayos naman ako ng pag-upo nung pumasok na yung prof namin. “Today we will have an activity. Pero sa labas natin siya gagawin. But first find your partner.” Sabi pa niya habang nagpre-prepare ng kung ano yung dala-dala niya kanina pagdating dito.
Yung mga classmates ko, kanya-kanyang hanap na ng partner pero ako nakaupo pa din. Kung sino yung lalapit sakin at magtatanong na sana kami na lang ang partner, papayag na ako kaso, isang MALAKING KASO! Wala man lang may lumapit sakin! Anak ng- si Jana? Ayun sa Jeff niya! Kabanas! Ipalamon ko kaya yang Jeff sa kanya?
“Okay, meron na bang pair ang lahat?” nagtaas naman ako ng kamay.
“Yes Ms. Sy?”
“Wala po akong partner Ma-“Hindi pa man ako natapos sa pagsasalita ay biglang pumasok ang itim na usok este tao pala. Pa-cool pa siyang naglakad papunta sa tabi ko.
“Sorry Ms for being late.” Wala talaga tong respeto sa teacher naming (nag-sorry naman Kyla ha? Bingi ka ba o sadyang mainit lang ang ulo mo?)
“So Ms. Sy mukhang no choice ka na diba?” gets ko na ang ibig niyang sabihin habang tinitingnan ng masama si Itim. Siya na naman ang makakapareha ko?? Bat ba ang malas ko?
“Yeah right. I wish I have.” I rolled my eyes as he watches me with a “What-the-hell look”
“So, it’s settle then. Ganito ang gagawin niyo. With your partners, maghahanap kayo ng bagay sa loob ng campus na pweding icompare sa inyong partner. Hindi naman kailangan na pareho ang mapili niyo pero nasa sa inyo na yun kung ano man ang mapili niyong bagay. Then gumawa kayo ng explanation kung bakit yun ang napili niyong dalawa. Then you will present it next meeting. Nasa inyo na ang dalawang oras ngayon para gawin yung pinapagawa ko or hindi. Basta meron kayong ipe-present next time sa klase ko. So that would be all for today. Enjoy class.” At umalis na siya. Hay! Gawain yan ng mga tamad na teacher (-_-) yung iba sa mga classmates ko ay lumabas na para gawin yun (yung mga nerd ang karamihan sa kanila), yung iba naman ay nanatili sa room tulad ko, pwedi namang gawin yan sa weekend kasi next week pa ang next meeting namin with her. Nang tingnan ko yung partner ko, ayun tulog na naman. Juicecolored! Nakaharap siya sa side ko habang tulog. Oh my ghad, bat ang kinis ng mukha ng itim na biscuit na ito? Hindi ba uso pimples or dark heads sa lalaking ito? Tsaka ang tangos ng ilong, sarap pingutin. And his lips?? *gulp* GHAAAADDDD! Kyla, ano ba ang pinag-iisip mo! Pinagnanasaan mo ba ang lalaking ‘to? Oh c’mon!
“Stop staring at me.” Sabi nung biscuit habang nakapikit pa din. Anak ng tokwa! Kanina pa ba to gising? O nagtutulog-tulugan lang?
Hindi ko na siya sinagot at nakinig na lang ng music. Ghad kyla, anong nangyayari sayo? (Ang gwapo niya kasi) yun gwapo? Oh c’mon, mammon! San banda? (sa lahat) oh great, kinakausap ko na ang konsensiya ko (-_-)
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!