31: Ryan's Plan

55 6 4
                                    


(Jame's PoV)

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nalamang balita mula kay Kurt. Iilang group na lang pala ang natitira sa Dark Game.Hindi na daw umabot ng thirty groups ang natitira na dapat mapatumba. Hindi na basta-basta ang mga grupong ito dahil hindi naman sila matitira kung mahihina sila diba?okayna rin siguro na hindi lang kami ang kanilang target at ng hindi naman kami mapagod sa pakikipaglaban.Hindi pa naman ako nakakasama sa kanila tuwing may laban. Kapag may nalaman ako tungkol sa mga kalaban ay sinasabi ko na lang kina Kurt at Sean dahil sila na ang mga gumagawa ng paraan para matalo ang mga iyon. Silang tatlo nga lang ni Ryan ang nakikipag-laban saming group. Kasi hindi pa namin pinpayagang sumali pa si Kiera sa laban. Alam kong magaling ang kapatid kong yun pero babae pa rin yan at hindi namin alam kung ano ang mga kakayanan ng mga kalaban kaya mabuti na ang nag-iingat. Same with my daughter.

Malaking tulong din ang nagagawa niya para samin dahil sa tulong niya aynalalaman ko ang secreto ng mga kalaban namin lalong-lalo na ng Dark Lord.Sobrang pasasalamat ko talaga dahil ibinubuwis niya ang buhay niya para lang makatulong samin.

Andito ako ngayon at makikipagkita na naman sa kanya. Para sa mga plano namin laban sa kanyahindi ko na kaya pang palagpasin ang mga ginagawa ng gag*ng 'yun. Hindi na ako papayag pang may saktan pa siyang mahal ko sa buhay. Hamakin na niya ang iba h'wag lang ang tinatawag kong pamilya.

ɷɷɷ

(Ryan's PoV)

Hindi ko alam kung anong ispirito ang sumapi sakin nung gabing nagsolo akong uminom sa tambayan dahil kina-umagahan, maliban sa hangover ay naisipan ko na ding tapusin na itong pagdurusa ko, OA nu? Pagdurusa talaga? Ang ibig kong sabihin ay ang tatapusin ko na ang pakikipag-kaibigan ko kay Kyla, sisimulan ko sa pagkausap sa lalaking sobrang mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya. Kay Tito James.

Magpapaalam na akong liligawan ko na si Kyla. Pero what if hindi siya pumayag? Paano kung ilayo niya si Kyla sakin? Kung papayag siya, paano naman kung si Kyla mismo ang ayaw? Paano naman kung siya mismo ang kusang lumayo sakin?

Sayang lang ang lahat kung nagkaganun? Iniisip ko pa lang na mapapalayo na si Kyla sakin ay hindi ko na kaya, paano na lang kung mangyari na mismo?Ang daming what-if ang pumapasok sa isip ko habang iniisip ng mabuti kong itutuloy ko ba talaga ang pagpapaalam kay Tito sa gagawin ko.

Ang totoo niyan ay kanina pa ako nandito sa labas ng bahay nila. Nakakaramdam kasi ako ng takot dahil sa gagawin ko. hindi naman siguro bawal ang kabahan diba? pero gagawin ko na talaga ito bago pa ako maunahan ng ibang unggoy diyan. If you're thinking that I was pertaining to Ace then you're right. Nate-threaten talaga ako sa isang yun at hindi talaga maganda ang kutob ko diyan kahit na nung una pa lang naming pagkikita.

Tuluyan na akong pumasok sa bahay nila. Welcome naman ako dito eh tsaka mahigpit ang security ng bahay na ito kaya hindi rin basta-basta nakakapasok ang mga magnanakaw o kahit ano pang may masamang balak .

Bumungad naman sakin si Kiera na kampanteng umupo sa sala at nanunuod lang ng TV. Oh, hindi pumasok ang isang ito?

"Hey, bakit ka andito?" akala ko kasi si Tito lang ang nandito. Well, actually hindi ko alam kung nandito ba talaga siya o may pinuntahan.

"Bahay namin ito, ikaw bakit ka nandito?" sabi ko nga eh sa kanila ito. Masama yata ang gising (-_-)

"Nandito ba siTito? May sasabihin sana akong importante."Sagot ko naman sa kanya bagotumabi ng upo sa kanya at kumuha sa popcorn na kanina pa niya siguro pinapapak.

"Wala, kakaalis lang niya pero uuwi naman daw siya kaagad." sinagot niya naman ako habang nakatingin lang sa TV.

"Ah sige, hintayin ko na lang siya."Mabuti pa nga kesa ipagpaliban ko na naman ito baka kasi pumalya pa kung aalis pa ako.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon