(Kyla's PoV)
Sa sobrang saya ko sa pagpayag ni Papa sa pagsagot ko kay Kyle, ay hindi ko alam kung paano ko gagawin yun? Sabi niya kasi hindi naman siya nagmamadali eh.
"Hoy Kyla, problema mo?" andito na pala sila?
"Kanina pa kayo diyan tita?" oh no~ baka narinig nila yung pag-uusap namin ni Papa. Nakakahiya >....<
"Hindi naman bakit may dapat ba kaming marinig?" makahulugan niyang tanong at ngumiti pa. Naku po, mukhang narinig nga T3T
"Wala naman tita."
"Sus Kyla, hindi k aba magku-kwento kay Tita?" alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nakita ko naman sina Sean at Tito na nakatayo sa likod ni Tita, halos hindi na maipinta ang mukha ni Tito. Huehue, alam na diba?
"Sige na Kyla, mamaya na lang after dinner ha?" nakahinga naman ako ng maluwag ng sinabi yun ni Tita. Wala naman talaga akong planong itago sa kanila eh, pero hindi pa ako handa. Pero sisimulan ko na kay Tita total okay lang naman yun sa kanya eh.s
After ng dinner ay nagpaalam naman si Sean at Kurt na pupunta lang daw ng tambayan. Ano naman kaya ang gagawin nila dun? Hay whatever, boys thing yun, I know.
Habang naghuhugas ng pinggan ay naktingin naman si Kiera sakin, alam kong anytime magtatanong yan.
At hindi nga ako nagkamali. Dahil,
"Kyla, ano na?" excited niyang tanong.
"Ang ano tita?" maang-maangan muna.
"Yung tungkol sa inyo ni Ace?" ito na siya. Ang totoo niyan, gabi-gabi niya akong tinatanong tungkol sa mga ginagawa ni Kyle na panliligaw sakin. Sinasabi ko naman sa kanya dahil hindi ko naman kayang sarilinin yung kilig. Actually, dalawa sila ni Jana ang ganyan.
"Wala namang bago tita eh, maliban na lang sa pagpayag ni Papa sakin sa pagsagot sa kanya." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman maiitatago na excited na rin ako.
"KYAAAAAHHHH! So kelan mo na siya sasagutin Kyla? Kelan? Omg, super excited na ako." Ayan, nagtatalon na siya sa tuwa. Ang baliw talaga ni Tita kahit kelan, pero thankful ako sa pagka-supportive niya sakin.
Ayun nga, kinuwento ko na sa kanya ang pinag-usapan namin ni Papa, hindi naman ako naka-iwas sa kakahampas niya dahil kinikilig daw siya.
ɷɷɷ
Muntik na akong malate sa first subject ko dahil sa super late na pagtulog namin ni Tita. Napahaba eh, pati kasi yung sa kanila ni Nate ay napag-usapan na din. Alam niyo na, girl bonding.
Mabuti na lang pagdating ko na room namin ay wala pa yung prof naming masungit (-_-) nakita ko naman si Jana na nakikipag-chikahan, hindi na bago yun. Pero nung makita niya ako.
"Kyla!!!!!" sigaw niya, kaya laging center of attraction ako kapag dumadating. Agad naman siyang tumakbo palapit sakin para yakapin ako. Imba rin itong si Jana eh, laging naka-enervon.
"Morning din Jana." Yan kasi ang way niya na batiin ako. Naglakad naman ako papunta sa upuan ko at naupo na. Ganun na din si Jana sa bandang unahan ko.
"Good news Kyl, half day lang ang pasok ngayon." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Bakit naman?" okay na rin yun. Aba, minsan lang kung mangyari ito. At nalalapit na rin ang final exam namin this sem kaya kailangan naman naming ng kunting pahinga.
"Meeting daw ng mga teacher?" great. Makakuwi ako ng maaga nito.
Nakikipag-chikahan pa ako kay Jana kasi hindi pa dumadating yung prof namin. Bigla naman kaming tumahimik lahat ng makitang pumasok ang itim na usok este tao pala. You know, ang nag-iisang Ace Kyle na mukhang bitbit na naman ang problema ng buong mundo. Mukhang badmood ang mokong, total opposite ang mood namin ngayon ha?
BINABASA MO ANG
Forever is You
Novela Juvenil"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!