(a/n: sorry sa mga typo errors and wrong grammar)
(James PoV)
After kong kausapin noong nakaraan ang apat, alam kong nagalit silang lahat sakin lalong-lalo na si Kiera. Pero hindi naman nila ako masisisi dahil gusto ko lang naman na protektahan sila, dahil na rin hindi namin alam kung ano man ang mga planu nila laban samin. Napasok nga nila ang buhay naming lahat ng walang kahirap-hirap. Paano na lang kung mas malala pa pala ang plano nila laban samin?
At ngayon kahit hindi pa ako handang harapin silang lahat ay kailangan ko na naman silang kausapin. Tinawagan ko si Kurt at pinapunta silang lahat sa library ko. Dahil kailangan ko silang balaan sa Dark game.
Ilang minuto pa ay sunod-sunod na silang apat na pumasok sa library ko. Kaagad naman silang naghanap ng pag-uupuan pagkatapos kong sabihing umupo sila. Alam kong may galit pa din sila, the way they look at me.
Kinuha ko naman ang attensyon nila nung umubo ako ng mahina.
"Alam kong may galit pa kayo sakin dahil sa sinabi ko, pero para rin naman sa inyo ang ginagawa ko." Pagsisimula ko.
"Paano naman yun naging para samin? At para ba talaga samin yun?" nagulat ako dahil alam kong takot sakin si Kurt, but the fact that he answered me back with an irritated tone? Grabe ang nagawa ng The Fifth Generation Empire sa kanila para makaya ni Kurt ang sumagot sakin.
"Oo para yun sa inyo! Hindi niyo lang naiindihan ngayon pero darating din ang tamang panahon para malaman niyo ang lahat-lahat." Giit ko
"Paano naman maiintindihan dahil hindi mo naman pinapaintindi ang lahat!" nagulat ako dahil sa sigaw ni Kiera sakin. First time ang mga ito sakin. Ganun na lang ba talaga ka-importante ang mga taong yun sa kanila para umabot sa puntong ito na kaya akong sagutin at sigawan ng mga kapatid ko?
"Hindi pa ito ang tamang oras Kiera dahil baka hindi niyo kayanin ang mga malalaman niyo." Napatingin naman ako kay Ryan na nakayuko lang. siya lang kasi ang may alam ng kaunti.
Katahimikan ang naging kasunod ng mga salita kong yun.
"Darating din tayo diyan. Pero sa ngayon ay iwasan niyo muna sila hanggat kaya niyo dahil alam kong ayaw niyo naman silang masaktan diba? Alam kong yan ang pinaka-ayaw niyo kaya nagmamakaawa akong itigil niyo muna ang ugnayan niyo sa kanila." Nakita kong nagulat sila sa pagmamakaawa ko. Alam ko naman kasi na ngayon ko lang nasabi ang salitang yan kaya siguradong magugulat talaga sila.
Katahimikan ulit ang narinig kong kasunod nung sinabi ko.
"Hindi lang yan ang gusto kong sabihin kaya ko kayo pinatawag, gusto ko ring malaman niyo na iisang grupo na lang ang kailangang ma-eliminate para sa Dark lord's soldiers. Kaya ang gusto ko ay maging mapagmasid kayo dahil malaki ang chance na baka tayo ang sasalakayin nila at syempre ang maging maingat lagi. Kaya ang gusto ko ay manatili muna kayo rito sa bahay pansamantala hanggang sa maging official na ang listahan ng mga Dark Lord's Soldiers.
"But tito, what if mangyari na naman ang nangyari tulad noong nakaraang pagsali natin?" tanong naman ni Ryan.
"I'm also thinking the same way Ryan, if that will be happen again, we have no choice but to fight until the end. Even if we need to die for It. Hindi malayo na mangyari din ngayon ang nangyari noon but this time, I will do everything to make you all save. Malaki ang pagsisisi ko noon na hinayaan ko kayong masaktan na lang nila. Sisiguraduhin kong hindi na mangyayari pa ang tulad noon." Determinado na sabi ko, at hindi ako nagbibiro dun. Nilagay ko sa panganib ang buhay ng mga kapatid ko noon at hindi ko muli hahayaang mangyari pa yun.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Подростковая литература"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!