25.2: Pageant Night (part 2)

64 6 2
                                    

(Ryan’s PoV)

“Sh*t! Sh*t! bakit kailangan niya pang gawin yun? Ang lokong ‘yun!” hindi ko pa din matanggap yung nakita ko kanina.

 Matapos kung ilabas lahat ng galit ko dito sa field ng school ay humupa na ako. Pagkatapos kasi nung nakita kong sa talent portion nina Kyla ay hindi ko na ikakailang sobrang nagseselos ako sa kanila.

The way they look at each other, I can say thatthere is something between them at nakakap*ta lang! ni hindi ako tiningnan ng ganun ni Kyla!Paano nangyari yun?

Dapat na ba akong kabahan ngayon? Pero wala naman akong karapatan diba?dahil ang tingin sakin ay di hamak na bestfriend lang. Ano ba naman ang karapatan kong magselos? Wala naman diba?Pero mahal ko eh! Mahal ko siya!

“ARRRGGGHH!” mukhang baliw na yata ako dito. Napatingin naman akosa langit.I used to watch to sky in evening with Kyla but I really don’t know if that would happen again.

Ilang minuto pa akong umupo sa damuhan dun bago ko napag-pasyahang bumalik sa gym. Dapat kong bantayan si Kyla sa Ace na yun! Anong karapatan niya ang halikan si Kyla ng ganun-ganun lang? hindi ganung klaseng babae si Kyla! Kaya humanda sakin ang Ace na yun!

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

Hindi ko na naabutan ang swimming attire! Mabuti naman kung ganun baka nakapatay na ako kanina pa. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung pagtingin ng ibang lalaki kay Kyla. Siguro hindi lang ako ang galit dun. Dahil pagbalik ko sa kinauupuan ko kanina ay kay Kiera lang mukha ang maaliwalas. Yung tatlo, sobrang dilim ng mga mukha! Mukhang alam ko na ang nangyari. Pero bakit ganito itong si Kiera?

“Hoy Kiera, anong nangyari dito?” halos pabulong kong tanong sa kanya, mabuti na lang pala at  magkatabi kami ng upuan. Nagpaalam kasi akong mag-ccr lang pero ang totoo naglabas lang ng sama ng loob.

“Laugh trip Kent, sana nandito ka kanina. HAHAHA!” sagot pa niya habang pinanunuod ang isang grupong sumasayaw.Siguro nagbibihis pa an mga kalahok.

“Tinatanong ko nga kung ano eh, bakit ganyan ang mukha nung tatlo?”

“Kasi naman nung lumabas na si Kyla na naka-red two piece ay sabay na tumayo yang tatlo at sumigaw ng “Kyla! Magpalit ka!” inunison pa ha!ayun, agaw attention silang tatlo. Si Kyla naman nagulat sa ginawa nila at mukha pang babalik talaga sa back stage. Pero pigilan ko syempre, alangan namang wag siyang rumampa, edi natalo na siya?”

“Ganun pa- teka?Ano ulit ang sinabi mo? Two piece? Akala ko one piece lang ang susuutin niya?” kahit naman siguro kapag nandito nung mga oras na yun ay tinakbo ko na si Kyla sa stage at hinataka pabalik ng dressing room nila. (-_-) amputek naman oh! Ngayon nagsisisi na ako kung bakit umalis pa ako kanina.

“Yeah. Mabuti nga at wala ka dito dahil malamang nakisabay ka din sa tatlong yan! HAHAHAHA!” sinamaan ko naman ng tingin si Kiera pero walang epekto sa kanya at tawa lang siya ng tawa. Baliw!

Pero di nga? Si Kyla, nag-two piece? Tsk. Ano naman kaya ang pumasok sa kukuti ng babaeng yun at nagawa niya yun? Tama na rin sigurong umalis ako dito kanina dahil kung nakita ko siya mismo ay tinakbo ko na ang stage at binalutan siya ng ano mang telang nakita ko.

I’ve already seen Kyla wearing swimsuit pero that time kami lang ang kasa-kasama niya. Ngayon, two piece sa harap ng ganito kadaming tao? Tsk tsk tsk. It takes her a lot of guts to do it.

Tinuon ko na lang sa emcee ang attention ko at narinig na ang susunod na ang Q&A portion.

“Kurt, tell Kyla I need to go. It is really important. See you at the house later.Excuse me.” Halos lahat kami napatingin kay tito James nung tumyao siya.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon