(Story featured : Finding Cinderella ni @raindrops_. Kia okay lang??? ^__^V)
Chapter 11 : Overnight
(Kyla’s PoV)
Saturday, ito ang araw kung saan dapat masaya ako kasi walang gagawin buong araw kundi ang magbasa lang ng magbasa ng libro. Pero ewan kung bakit wala ako sa mood ngayon, kahit na nga ang bumangon dito sa kama ay hindi ko pa magawa. Siguro dahil na rin ito sa mga nalaman ko kagabi.
Hindi ko lubos maisip na merong nag-eexist na ganito sa totoong buhay, akala ko sa libro ko lang mabababsa yun. Dark Game! Ng dahil diyan muntik ng mapatay ang appa ko ng walang kasalanan! Alam kong hindi magagawa ni Appa yun. Kilala ko siya! Sino ba naman kasing p*tang*nang nag-isip ng Dark game na yan! Mayayaman rin naman ang sumasali diyan ha? Bakit kailangan pa nilang sumali at pumatay para lang sa kayamanan na hindi rin naman nila madadala sa kabilang buhay.
Hindi takot ang nararamdaman ko ngayon! Galit, galit para sa taong nagbintang at muntik ng pumatay sa Papa ko. Kailangan ko siyang makita at mapaghigantihan sa ginawa niya sa ama ko. Kailangan naming manalo sa pesting DG na’to!
Bumangon na din ako matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni sa kwarto. Nadatnan ko naman yung apat na nasa sala at nanunuod ng TV. Alam ko namang nag-aalala ang mga yan sakin. Hindi nga lang halata.
“Good Morning.” Masayang bati ko sa kanila habang pababa ng hagdan.
“Labs? Pakitingnan nga relo mo? Sobrang late naman yata?” at dahil sinabi niya ay tiningnan ko yung wall clock naming at (-_-) 01:35 na pala ng hapon? Muni-muni pa ba yung ginawa ko?
“Akala ko buong araw ka ng magkukulong dun sa kwarto mo.” Sabi naman ni Tita
“Sorry, kagigising ko lang kasi eh.” Sinungaling!
“Sinungaling!” (-_-) epal talaga tong si Sean eh!
“Kumain ka na dun! Ipaghanda mo ang sarili mo.” Sabi naman ni tito habang nasa TV pa din ang mata, tusukin ko kaya yun? Oh sabi ng hindi halatang nag-aalala sila sakin eh. Ang galing umakting! Artistahin.
“Oo na!” dumiritso naman ako sa kusina at naghanap ng kakainin.Gusto ko sanang kumain ng kanin pero nung makita ko ang pizza ay natakam ako kaya yun na lang ang kakainin ko. Nagtimpla muna ako ng juice at kumuha ng tatlong slice nun at bumalik sa sala. At busy pa din sila sa kakanuod ng CSI? Ang ganda nu?
Dahil boring ang pinapanuod nila ay pumunta naman ako sa tree house namin.
“Woah! Ang sarap talaga ng hangin dito.” Wala akong kausap ha! Sarili ko lang.
Kumuha ko naman yung librong Finding Cinderella na binili ni tito sakin nung Sunday, hindi ko pa kasi nababasa ‘to. (a/n: bili kayo ng librong yan, promise ang ganda XD kinilig ako hanggang buto diyan XD)
Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may bigla namang tumawag. Epal naman! Kinikilig na ako kay Tristan (-_-) nang tingnan ko naman kung sino yung tumawag, si Kurt lang pala. Ang aksaya talaga sa load ng mokong! Nasa iisang bahay lang kami tapos tatawagan pa ako? Isang sigaw niya lang dinig ko na nga, may tawag-tawag pang nalalaman (-_-)
“Unli Call ka? at may patawag-tawag ka pang nalalaman?”
“Asan ka?! bakit wala ka dito sa kusina?” seriously, hindi nila ako napansing lumabas dun?
“Gumala, bakit gusto sasama kaba?” magagalit na to, panigurado.
“Hoy! Kyla Jamine Sy! Sinong may sabi sayong pwedi kang gumala ng hindi nagpapaalam samin ha?” oh, kitams! Galit na yan, kumpleto na ang pangalan ko eh. Minsan may pagka-OA din ang pagiging Over-protective nitong si Tito. Minsan nga parang OA pa kay Appa, pero syempre walang tatalo sapagiging Over-protective ng ama ko. ni ayaw nga akong marumihan nun (-_-)
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!