42: Say it again

46 4 0
                                    


(Ryan's PoV)

This day, really annoyed me to death. Kasi ang alam ko ay bukas pa ang Valentine's Day pero bakit lahat ng tao ay busy? Well, hindi naman yan ang nire-reklamo ko kundi yung mga naging "girlfriends" ko noon na hinihintay daw ang pagyayaya ko ng date para bukas! Asa pa sila, all set na ang plano ko bukas. Yung iba naman ay nagbibigay na ng chocolates sa mga crushes nila. At halos napuno na yata ang locker ko ng mga chocolates na yan. Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo ako kaya hindi niyo ako masisisi.

Okay, back to my problem. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa buong AEU pero wala pa din akong makitang matambayan. Actually kanina pa ang uwian namin kaya lang hinihintay ko pa ang babaing yayain ko bukas. Alam kong alam niyo na kung sino siya.

"Girl. Bilisan mo. Nagsisimula na ang palabas sa Gym." - girl 1

"Talaga? Bilisan natin. Gusto kong makita kong ano ang gagawin ni Ace for her." - girl 2

"Kaya nga! Baka puno na ang gym nito." - girl 1

Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko sa dalawang babaing dumaan sa tabi ko. Si Ace? sino ba ang tinutukoy nila?

Teka? Bakit parang bigla akong kinabahan? Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin pero mabilis kong tinungo ang gym para makita kung ano man ang meron sa loob. Napansin ko din na marami rin ang tulad ko na nagmamadaling pumasok sa loob.

Puno. Halos hindi ako makapasok dahil sa dami ng tao na nasa bandang pintuan ng gym. Nakakarinig na ako ng mga malalakas na boses na parang nag-uusap sa loob, yun bang nagsasagutan. Yung mga nasa bandang unahan ko ay puros nakangiti at pero karamihan sa mga babae ay mga kinilig. Ano ba talaga ang nangyayari sa loob.

Pilit pa rin akong sumisiksik sa iba pang studyante. At dahil sa karamihan ng mga nandito ay mga babae ay hindi na ako gaanong nahirapan, alam niyo na ang epekto ng kagwapuhan ko diba? Pero nang tuluyan na akong matapunta sa unahan ay kadiliman lang ang makikita at ang naka-upong babae sa gitna nitong gym na may hawak na mga roses at pinanunuod ang mga nagda-drama yata? Kung hindi ako pweding magkamali, si Kyla ang babaing yan, ano ang ginagawa niya dito? Kanina ko pa rin naririnig ang pangalan ni Kyla at Ace mula dun sa pinapanuod niya. Ano ba talaga ito?

"Miss ano ba ang nangyayari dito?" tanong ko dun sa babaing kanina pa kinikilig dito sa tabi ko habang kumukuha ng video. Ano tingin nila kay Kyla artista? Artistahin lang talaga siya, pero hindi siya ganun.

"Hintayin mo na lang." wow, pa-suspense pa? pustahan tayo di niya rin alam ang mangyayari! -_-

Hindi na nga ako nagsalita pa at pinanuod na lang ang nangyayari pero di tumagal ay natuon na kina Jana ang spotlight pero ang pinagtataka ko ay hindi naman yung kaharap niyang lalaki ang kumakanta. Then out of nowhere ay may lalaking sumulpot sa likod ni Kyla.

Si Ace.

Hindi! ayoko ng ideang pumasok sa isip ko. Hindi pwedi 'to. Sana wag niyang gawin yun!

Nang pumunta na siya sa harap ni Kyla ay mas lalo akong kinabahan.

"Kyla" sabi pa niya. Pero ang hindi ko nagustuhan is the way Kyla look at him. She seems so inlove with him. Or I am just imagining things? Sana naman mali ako.

"Gatas. At first, isa kang nakakairitang babae na sinira ang tulog ko sa library. Sobrang nagulat ako nang malaman kong magka-klase tayo and thankful also. But as the days past, I've never notice me falling for you." Sinasabi ko na nga ba at may gusto na siya kay Kyla noon pa lang. Boy's instinct.

"I'm not good at words. But-" nag-pause muna siya na parang nahihiya.

"Truthfully, I could talk about you all day and all night and I'd still have a million more things to say. But too many words become meaningless, so I'll just leave it at you're the most wonderful person I've ever met, and I can't imagine not having you in my life." That's it!

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon