(Kyla’s PoV)
Hindi ko alam kung ano ang reason ni Biscuit pero nung nagising ako ay nagtext naman siya na hindi daw tuloy ang practice namin ngayong araw. Hindi ko talaga ala kung bakit, wala naman akong number ni Jason kaya malamang wala talaga akong alam.
Kaya imbes na maligo ay bumalik na lang ako ulit sa pagkakahiga total wala naman akong gagawin ngayon araw.
“Hey Kyla! Gumising ka na diyan at ready na ang breakfast.” Sigaw ni Kiera mula sa labas ng room ko. mabilis pa sa hangin akong bumangon at lumabas kaagad. “Bilis ha? Ni hindi ka man lang naghilamos!” sabi pa niya saka tumalikod. Wala naman akong paki sa sinabi niya, okay naman yan! Tsaka maayos naman yung mukha ko at higit sa lakat ay nakaramdam na ako ng gutom nung banggitin niya ang salitang breakfast.
Naabutan naman namin si Kurt na lumalapa na. Well, alam niyo na kung saan ako nagmana sa pagka-matakaw.
Umupo naman kami ni tita sa tabi niya at nagsimula na ding kumain.
“Nga pala Kyl, thanks sa pagluto ng dinner kagabi ha? Buti na lang talaga at nakapagluto ka na kasi hindi ko alam kung keri ko pang magluto dahil sa sobrang pagod.” Sabi naman ni Tita, ngiti naman ang ginanti ko sa kanya.
“Oo nga, ang sarap pa naman nung menudo. Ang dami ko ngang nakain.”– Kurt
“Palagi naman Tito!” sabay naman kaming natawa ni Tita dahil sa sinabi ko. PG yan, kaya ano pang ine-expect niyo?
“Tsk (-_-) nga pala kamusta ang practice niyo kahapon? Wala naman kayo sa school ha?”napatigil naman ako sa pagsubo dahil sa tanong niya.
Napag-isipan ko na din kagabi kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi yung nangyari kahapon.
“Okay naman po tito. Ahm tito, tita may nangyari kasi kahapon.” Nakayukong sabi ko.
“Ano yun Kyla!” worried na tanong ni Tita.
“Kasi kahapon, nung pauwi na kami ni Biscuit ma-“
“Biscuit? Sino yun?” takang tanong ni Kurt
“I mean si Kyle, yung partner ko.”
“Oh? Anong nangyari?”–Kiera
“Nung pauwi na kami, may humarang saming mga lalaki na may mga dalang tubo.” Alam kong nakatingin na silang dalawa sakin ngayon.
“What? Okay ka lang ba?” – Kiera
“Bakit hindi mo kami tinawagan?” – Kurt
“May masakit ba sayo?” – Kiera
“Nakilala mo ba yung mga humarang sa inyo?” – Kurt
“Hey, teka lang! isa-isa lang pwede? Mahina ang kalaban. Okay lang ako Tita, wala akong kahit anong sugat.” Pag-aasure ko naman sa kanya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”desididong tanong ni Tito kaya nai-kwento ko na din sa kanila ang totoong nangyari kahapon.
“Tsk, sa susunod kapag naulit pa ito Kyla, tawagan mo kaagad ang kahir isa man lang samin! God Kyla, buti na lang at hindi ka napahamak. Baka mapatay na ako ni Kuya ng dahil sayo.” Nakahinga naman sila ng mabuti matapos kung ikwento ang lahat.
“Opo, sorry again Ajjussi.” Yukong sabi ko.
“It’s okay. Basta sa susunod Kyla ha? Again, hindi mo pa alam kung sino ang kalaban.” Seryosong sabi pa niya. Napatango naman ako.
“Sige. Aalis na ako.” Tumayo naman siya at kinuha ang bag niya. “May practice ba kayo ngayon?”
“Wala po. Nagtext sakin si Kyle.”
BINABASA MO ANG
Forever is You
Roman pour Adolescents"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!