16: Semi-date?

79 8 3
                                    

(a/n: sobrang sorry, busy na po talaga si ako. pero try ko pong mag-UD before our defense. so enjoy reading. sorry kung sabaw po. next chapter po action na XD )

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

(Kyla’s PoV)

Hello Saturday *u*

Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag sabado, tiningnan ko yung relo at hindi na ako nagulat na 12 noon na pala. Naisip ko naman na wala kasi akong gagawin buong araw kundi ang matulog,mahiga, magbasa, at kumain lang, ay hep? Ayoko ko pala munang kumain ng marami. Buhay ko nga naman diba? ang sarap. Total opposite kapag weekdays dahil sa school works. Kaya nga palagi ko na lang hinihintay ang sabado at lingo. Set aside muna ang pageant-pageant na yan.

Pero this time, hindi ko pa nga nalalasap ang sarap ng weekdays ay may nambubulabog na. (-_-)

*ring ring*

Amp*ta! Ang aga-aga! Nam-bubwesit! Nang tingnan ko kung sino tong may lakas ng loob na mambubulabog sa maganda kong sabado, ay mas lalong nag-init ang ulo ko nung makitang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko naman yun, para mapagalitan ang caller na ‘to!

“Sino ‘to?” wala ng good sa morning ko!

“Be at Bob’s café at exact 3 in the afternoon.” Kaasar! Boses pa lang niya, kilala ko na (-_-) ano naman kayang kailangan ng biscuit na ‘to? At kelan pa yun nagpalit ng number? Pwedi niya naman akong tawagan mamaya, pero bakit ganitong ka-aga pa? bwesit talaga yun kahit kelan. Tsaka ano naman ang kailangan nun, sabado ngayon ha? Ano bang iniisip ko? pwedi ko naman siyang wag puntahan, tama! Yun na lang ang gagawin ko!

Nagng tingnan ko ulit ang phone ko (dahil nag-vibrate) ay nagtext si biscuit! “Pumunta ka kung ayaw mong puntahan pa kita diyan at kaladkarin!” arrrggg! Ano ba ang kailangan ng mokong na ito?

Hindi ko na lang pinansin ang text niya at pumasok na sa banyo para maghilamos bago bumaba. Badtrip na ako! Siguradong hanggang gabi na ito! Wag naman sana lord.

“Oh, bat nakabusangot yang mukha mo?” si Kurt habang kumakaing mag-isa sa kusina. Ang takaw talaga (-_-)

“Wala, masama lang ang gising!” naghanap naman ako ng makakain sa ref, at wala akong may makita kaya nagtimpla na lang ako ng gatas (oo, nag-gagatas pa ako, wag kayong maki-alam) at tumabi kay Tito.

“Tito, aalis akong mamaya 3 pm” paalam ko, alam niyo naman! Hindi ako pinapayagang lumabas niyan kapag hindi nagpapaalam. Strikto talaga yan!

“San ka pupunta?”

“Dun sa mokong kong partner sa pageant!”

“San kayo magkikita?” what? Hindi man lang ba siya magtatanong kung bakit ako makikipag-kita sa biscuit na yun? Oh lord!

“Diyan lang sa Bob’s!”

“Okay, ihahatid na kita!” ghad! Ano bang nagyayari? Bakit, ganito si tito ngayon? Mukhang maganda ang mood ng gwapo. Oh well, samantalahin ko na habang tulog pa ang striktong pagkatao niya.

“Sige po. Si tita nga pala?” mukhang wala kasing maingay dito.

“Nakipag-meeting sa mga ka-org niya. At mukhang gagabihin yun ng uwi.” Dapat ko bang ipagpasalamat itong pagiging mabait ni tito or dapat ko ng buhusan ng malamig na tubig para tuluyang magising? Payagan ba namang umuwi si tita ng gabi na? What a miracle!

“A-ah okay?” nakakapanibago naman?

Umalis naman ako ng kusina at tumuloy sa tree house. Para magbasa, hay ang sarap talaga ng hangin dito. Kumuha naman ako kaagad ng libro na hindi ko pa nababasa at sinumulan ng basahin.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon