13: Ryan, is that you?

84 10 0
                                    

(Ryan’s PoV)

Arrggghhh! Bakit ba, hindi pa rin ako makatulog! Halos ilang araw na mula nung lumabas kami ni Kyla, pero bakit parang kanina lang nangyari? Lakas talaga ng tama ko sa babaing yun! Simpleng dinner lang, big deal na sakin. Tatagal pa sana kami dun kung wala lang sanang mga hipon na umaaligid (-_-) ng lakas ng loob lumapit samin, ang pangit naman. Hay buhay! Bakit kasi ang gwapo kong nilalang? Yan tuloy pati shokoy sa dagat naakit ko. Teka, patulugin niyo kaya ako? Balak ko pang sunduin si Kyla bukas pero mukang malabo ng mangyari yun!

Kainis!

Dahil sa hindi talaga ako dinalaw ni antok ay naisipan ko na lang mag-online sa facebook. And guess what? Online ang babaing mahal ko (esss) agad ko naman siyang minesage.

Me: hi labs, bakit gising ka pa? (past 12 na kaya)

Kyla: gumagawa ng assignment. (buti naman ang nagrereply kahit may ginagawa)

Me: late na ha? Matagal pa ba yan? Need some help?

Kyla: I’m almost done, thanks for the offer. (Sayang naman)

Me: ahm, sunduin kita bukas (wala ng bwelo pa to)

Kyla: ikaw ang bahala, basta by 8 am andito ka na? (Yes, pumayag Ryan oh!)

Me: by 5 am for sure nandiyan na ako labs :D (wag mong ipahalata na excited ka)

Kyla: 5? Excited much? (oh di nahalata?)

Me: hindi pweding magjoke? Hindi ka pa ba tapos sa assignment mo? I can help. (change topic, para hindi na mahalata)

Kyla: kakatapos lang, oh pano out na ako labs? (ouch!)

Hindi naman ako nagreply kasi nagstatus na ako. At ito yun oh!

“I love you labs :* matulog ka na ha? Susnduin pa kita bukas” oh diba? at syempre naka-tag yun sa kanya.

Ilang sandal lang ay nag-comment naman si Kyla ng “I love you too labs, opo! Ikaw din ha? Dapat maaga ka pa bukas!”  wow, lakas loob mag-comment ha?

Hindi na ako nagcomment pa kasi tinadtad na ako ng message ng mga babae (mga ex ko)nagtatanong kung sino daw yung Kyla Jamine Sy na labs ko (-_-) may nagsabi pa nga na ang cheap daw ng tawagan namin, hindi ko naman sila pinansin. Madami na rin ang nagcomment dun sa status ko, puro lang naman “awts, ang sweet naman” “ang sweet, sana ganyan din boyfriend ko.” “ang swerte naman ni girl?’ at madami pang iba. Ang dami ngang likes eh, pero hindi ko na pinapansin yun, gwapo ako eh.  Agad naman akong naglog-out sa facebook.  Matutulog na kasi ako at maaga pa akong gigising bukas para sunduin ang mahal kung princesa.

Ang tanong, makakatulog pa ba ako nito?

Kumuha ko naman yung libro hiniram ko kay Kyla, ang City of Bones (by: Cassandra Clare), magbabasa na lang ako hanggang sa dalawin ng antok.  Kung nagtataka kayo, aba? Kahit ang mga casanovang nga katulad ko ay mahilig din magbasa nu, hindi nga lang halata. Si Kyla kasi ang nagpasimuno nito sakin. Kung bakit? Sa susunod ko na sasabihin, inaantok na kasi ako.

e.e zzzzzZZZZZZZZ…

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

By next day.

“Ang aga mo naman yata Kent?” salubong ni Kiera ng pagbuksan niya ako ng pinto. Maaga talaga ako, akalain niyo yun, almost 2 am na ako nakatulog, nagising ako ng 4 am. Spell bangag? R-Y-A-N G-W-A-P-O.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon