17: Practice Day 1

73 8 0
                                    

(a/n: dedicated to @EnzoDaiki. sorry kung na-offend kita sa comment ko :3 isa ka pala sa naunang nagbasa ng Badboy ka XD thanks and sorry again :3))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Kyla's PoV)

Arrrgggh! Monday na naman (-_-) why do I have this what they called Monday sickness feeling? Dati naman, gustong-gusto ko ang Monday dahil may pasok pero ngayong nasa college na ako, parang gusto ko na palagi na lang Saturday and Sunday. Nagiging tamad na studyante na yata ako?

Kahit tinatamad ay bumangon na ako at naligo’t na lahat-lahat. After 1 hour ay natapos na din akong magbihis. Nung bumaba naman ako, wala na akong may naabutan sa dalawa. May iniwan naman silang post-it note sa ref na nagsasabing ready naman daw yung breakfast, dahil maaga daw sila ngayon para mga gagawing paghahanda para sa inter-group week. As usual (-_-)

Ay tama! Napangiti na lang ako bigla dahil na naalala. Excused na pala kami simula ngayon para sa preparation ng inter-group week. Hay! Sana kanina pa to pumasok sa isip ko at hindi na ako nagmadali pang mag-ayos.

At dahil diyan, hindi na ako nagmadali pa sa pagkain kahit almost 9 am na. Pero yung feeling na gustong-gusto mong kumain ng madami pero hindi mo magawa dahil sa pesting pageant na yan? Ang hirap mga dre T3T grabing pagtitimpi ang ginagawa ko ngayon ng dahil lang dun. Hindi naman ako mataba pero baka naman matalo pa kami dahil lang sa hindi magandang katawan ko diba? (Wait, did I sound that I like being in this pageant? Weird) ayokong masisi dahil lang dun.

Saktong kakatapos ko lang kumain ay may narinig akong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay kaya minadali ko ang pagligpit ng kinainan ko para makita kung sino yun, baka may nakalimutan lang si tito. Laking gulat ko naman ng tuluyang makita kung sino. Nang makita ko siya ay bigla namang may naramdaman akong may nag-aalburuto sa loob ko dahil naalala ko naman yung nangyari noong sabado. Kung iniisip niyong si Kyle ang kaharap ko ngayon, well tama kayo. Hindi pa rin ako makaget-over sa semi-date kunu namin sabi ni Kiera. Kyaaahhh! Diba, hindi yun date?

“Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?” paasik kong tanong. Wag pahalata Kyla.

“Sinabihan kasi ako ni Sir na sunduin ka para sabay na tayong pumunta dun sa baklang magtuturo ng kung anu-ano satin na tungkol sa pageant.” What? May kinuha talaga silang trainer para dito? Para namang sobrang laking pageant ‘to na dapat pa talagang kumuha sila ng isa.

“Saan ba tayo magpa-practice?”

“Dun daw sa bahay niya. Sumakay ka na nga (-_-)” Wow? ang bait naman ni Sir para ipagamit samin ang bahay niya. Sinunod ko naman siya at sumakay na sa mahal niyang sasakyan.

(Stay by Mayday parade) --> (a/n: try to click the video on the right side for the music XD)

ᴥᴥᴥᴥᴥᴥ

I need some time just deliver the things that I need for now

Everything that I feel like a warm deep calm casting over me

And it's taking me to somewhere new

 

If you believe that everything's alright

You won't be all alone tonight

And I'd be blessed by the light of your company,

Slowly lifting me to somewhere new

ᴥᴥᴥᴥᴥᴥ

 

Habang nasa byahe ay nagpapatugtog lang siya ng mga random song at yan ang naka-play ngayon. Nabigla naman kaming dalawa nung sabay pa kaming sumabay sa kanta sa part nay un ng song. Nagkatinginan lang kami at natawa. Mga baliw lang diba?

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon