58: #Tampuhan

29 5 0
                                    

(Kyla's PoV)

It's been a year since I enter this university and yet first day of school ay katulad pa din ng dati ang scenario. Parang naulit lang talaga. Bakit? Kasi first day of school, andito na naman ako sa paborito kong lugar sa school, sa library kung saan naging tambayan ko na. At ang lugar kung saan una kong nakita ang nag-iisang Ace Kyle Garcia na kinamuhian ko nung una dahil sa pagka-antipatiko nito. Hay, ganito ko na lang ba laging sasalubungin ang unang araw ng pasukan? Mag-isa lang? hayst!

Oh well, bahala na nga.

Kumuha naman ako ng ilang novel books na available lang dito sa libraryat nagbasa na lang para maaliw naman ako hanggang sa uwian na.

~

Nasa kalagitnaan na ako ng storyang binabasa ko nang biglang maykung sinong tumakip sa mata ko. Mabilis ko naming hinawakan an gang kamay nung taong yun at pilit na inaalis yun pero masyado itong malakas para sakin kaya wala naman akong nagawa kundi ang sumuko. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng pagkakatakip saking mata. At ilang sandali pa ay tuluyan na itong binitawan at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Inadjust ko muna ang paningin ko bago ko hinarap ang may gawa nun. At shomay! Si Kyle pala.

Ang ganda ng ngiti ng mokong -_- kala mo wala siyang may nagawang masama akin. Bakit kamo?

Kasi naman right after my unforgettable debut ay hindi na siya nagparamdam pa sakin, AS IN WALA TALAGA. Kahit isang text, wala. Kahit man lang miscall, wala din. Talagang kinalimutan na niya na meron siyang magandang girlfriend. Okay, waley. Kalimutan niyo na lang na sinabi ko yung last two words.

"Good morning my Gatas." Akmang hahalikan niya pa sana ako pero iniwas ko ang mukha ko at binalik na lang ang attensiyon sa binabasa ko kanina.

Akala mo ha! Magtiis ka!

"Hoy Gatas, di mo ba ako namiss?" namiss mo mukha mo! Bahala ka diyan. Di ko pa din siya pinansin. Alam kong medyo mababaw ang rason para magalit ako ng ganito sa kanya.Pero masisisi niyo ba ako kungmagtampo ako? Mali pala yung galit, nagtatampo lang pala ako.

Sana man lang ay nagpa-alam siya na magiging busy siya at maiintidihan ko naman yun pero wala talaga kahit isang paalam man lang.

Tinusok-tusok niya naman ang tagiliran ko at kinulit ako ng kinulit -_-

"Pwede ba Kyle! Tigilan mo yan! Kita mong nagbabasa yung tao kinukulit mo! Pwede bang tumigil ka diyan." May diing sabi ko sa kanya at natigilan naman siya. Bumalik naman ako ulit sa pagbabasa. Bahala siyang magtiis kung kelan ko siya papansinin.

After that ay hindi na siya umimik at dumungo na lang sa desk at NATULOG -_- hay! Hindi na talaga nagbago ang isang to -_-

Hindi ko naman siya ginising at tinapos na lang ang binabasa ko. Pero nung lunch break ay nagbell na yung library, signal of break. At kailangan naming lahat lumabas. Nagising na rin naman si Kyle kaya hindi ko na kailangan pang gisingin siya dahil wala pa talaga akong plano na pansinin siya. Hindi ko siya papansinin hanggat hindi niya sinasabi ang rason kung bakit hindi man lang siya nagparamdam sakin nung mga nakaraang linggo.

Nauna na akong lumabas sa kanya at umalis na sa university ng hindi siya nilingon man lang. Bahala talaga siya sabuhay niya.

ɷɷɷɷɷɷ

"Oh Kyla, hindi yata kayo magkasama ni Ace ngayon? Hindi pa ba siya pumasok?" bungad saking bati ni Tita.

"Hindi." I answer her coldly at tumuloy na sa kusina para kumain. Alam ko kasing aalis na siya kasi parang afternoon shift ang class niya.

Mabuti na lang at wala ng follow up question yung tanong niya. Baka kasi masabi ko pang nagtatampo ako dun paniguradong kawawa si Kyle pagnag-kataon.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon