21 : Yakap

72 7 0
                                    

(Kyla’s PoV)

Nung sinabi ni Ace yun kay Jason ay nagulat talaga ako.

Gustong-gusto kong tulungan sila dun. Hindi naman sakin bago ang mga lalaking ‘yun! Naalala ko pa sila, yung mga dumukot kay Sean para lang pasalihin ang grupo sa Dark Game. Tsk!

Hindi naman kasi ako nakapalag kay Jason, tsk! Kaya nung nakasakay na kami ay kaagad kong tinawagan si Tito at sinabi ang nangyari. At malaking sana talaga na alam nila kung saang lupalok ito ng pinas.

“Kyla, Okay ka lang ba? Kanina mo hawak ng mahigpit yang phone mo.”

“Sino bang magiging okay kung iniwan natin sila dun? Jase naman! Nakita mo naman kung ganu kadami yung mga lalaki tapos iniwan pa natin sila dun? Baka kung mapano sila dun!”sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanilang dalawa. Alam ko namang magaling si Ryan, pero hindi ko alam kung kakayanin niya yun with the help of Ace.Malamang kaya nila yun, pero pano na lang kung may dumating pang iba?

“Kung mananatili tayo dun, sa tingin mo ano ang magagawa natin para tulungan sila? Magiging pabigat ang tayo dun Kyla. Kaya mabuti nang lumayo na tayo dun.”Alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang sinabi ni Jason dahil kaya kong makipag-sabayan sa kanila pagdating sa labanan. Pero pano na lang itong si Jason, tsaka gusto ko ding sundin ang sinabi ni Tito sakin na panatiling lihim ang pagiging member ko ng D5!

Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya at tumahimik na lang. Bumalik naman kami dun sa restaurant na pinagkainan namin kanina.

“Oh bakit naman kayo bumalik kaagad? nasaan na yung dalawang lalaki?” takang tanong samin ni Manag Sol.

“Manang pinge naman po ng tubig.”Hindi na nag-atubili pa si manang Sol at kinaha niya kami ng isang pitcher ng malamig na tubig. Siya na rin ang nagsalin ng tubig para samin.

“Maraming salamat Manang.” Sabi ko sabay abot ng tubig, kaagad ko naman yung inisang inum lang.

“Ano ba ang nangyari? Ikaw Jason, bakit ka namumutla?” dun lang ako napatingin ulit kay Jason na namumutla nga.

“W-Wala to Manang.”Malamang kinakabahan na din yan. Mabuti na lang talaga at wala silang customer ngayon at naasikaso talaga kami ni manang.

Hayst! Ano na kaya ang nangyayari sa kanila?

Dumating kaya sina tito? Sana lang talaga.

ɷɷɷɷɷɷɷɷɷɷ

Halos dalawang oras din kaming tumunganga dito ni Jason. Tumabi na rin samin si Manag Sol kahit hindi pa naminsinasabi sa kanya kung ano talaga ang nangyayari.

Ilang minuto na lang bago tuluyang gumabi, pero wala pa ding may dumating. Sh*t! baka kung napano na sina Ryan dun. Gusto ko na talagang balikan ang dalawang yun, dahil hindi ko alam kung pinuntahan ba sila nina Tito.

Nabigla na lang kami ni Manang Sol nung bigla na lang tumayo si Jason at nakangiting nakatingin sa daanan papunta dito. Noon din ay nilingon ko ang tinitingnan niya.

Kahit ako napangiti nang tuluyang maaninag ang mga mukha ng papalapit samin.Siguro tinext ni Jason si Ace na nandito kami dahil nalimutan kong magtext kahit isa man lang sa kanila.Apat sila, well I guess dumating sa tamang oras ang dalawa.

Sinalubong ko naman sila ng yakapkahit si Ace, and kahit ako nagulat sa ginawa kong pagyakap sa  kanya. *LUBLUB* sh*t bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko?ako na rin mismo ang humiwalay sa yakap. Wala naman siyang sinabi at umupo na lang at kumuha ng tubig. Nakakahiya ka Kyla!

Hmmpf, mukhang matindi ang naging laban ha? Ay mga ilang pasa kasi akong nakita sa mga mukha  nila. hayst! Hindi ko man lang sila natulungan.

“Hay, dyoskong mga batang ito! Ano ba ang nangyari at mga pasa kayo?Kamille, ikuha ko nga ako ng yelo at towel.”Kahit si Manang Sol ay nag-alala din sa kanila, siguro ganun na niya kakilala si Ryan.

Forever is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon