(Kyla's PoV)
It's been a week since our memorable victory party, but maybe it's just for me kaya ito memorable paano ba naman, halos buong gabi ay hindi na umalis si Ace sa tabi ko. Kahit na nung maglaro ang buong grupo ay kami pa din ang magka-partner. Hep! Hindi ako ang may gusto nun kahit crush ko siya, siya ang nag-request nun kay Sir at pinayagan naman ng lahat although marami ring babae ang gustong mapartner si Ace. Lalong-lalo na nung nag-water fight kami, yun bang sumakay ako sa kanya at dapat kong patumbahin yung iba pang kasali, after kasi nung matalo kami nina Jana ay masakit ang pagka-bagsak ko sa tubig at mabilis akong kinuha ni Ace at dinala sa isang available na upuan at hindi na pinasali sa iba pang games. Ewan, may sapi yata ang lalaking yun that time. Nakakaloka lang.
At ito pa. Nung time na maliligo na kami ni Jana ay nagalit pa siya dahil bakit daw ganun yung suot kong swim suit? Pagkatapos niya akong pagalitan ay mabilis naman siyang umalis na mukhang baliw. At bantay sarado ako dahil sinabihan daw siya ni Papa na wag akong hayaang malasing, paano naman ako malalasing kung hindi ako umiinom diba? tuwing may mag-aalok sakin ng inumin ay iniwas niya ako pero ang iba mapilit kaya kinukuha niya na lang yun at siya na lang ang umiinom. Oh, kayo ba gets niyo siya? Dahil ako? Hindi!
Meron pa. nung ihatid niya na ako, sobrang nag-aalala na ako dahil naka-inom na siya at kailangan niya pang mag-drive. Pero thank God naman ay naka-uwi ako ng buo pa. Pero bago ako tuluyang makalabas ng kotse niya ay pagbantaan ba naman ako na hindi pa daw siya nakakabawi sa gianwa ko sa kanya. Naku naman sana makalimutan na niya yun.
At sa buong linggong lumipas, hindi pumapalya ang mokong sa pang-iinis sakin gabi-gabi sa facebook.
Want some?
(Flashback)
Dahil sa tapos na ako sa assignment namin ay napag-desisyonan kong e-open muna ang aking mahal na facebook account. At hindi na ako magtataka kung ilang araw na lang at mapupuno na ang mga friends ko, dahil parami yata ng parami ang nagfe-friend request sakin. Ako naman, accept lang ng accept.
*ting*
Hindi na ako nagulat kung bakit gising pa ang biscuit na ito.
"Huhulaan ko, umiinom ka na naman ng gatas ngayon nu? Hahaha!"
"Mali!"
"Sus, wag ka ng mag-deny pa Ms. Gatas." Kaasar na talaga. Hindi na ako nag-reply sa kanya at tumingin na lang ng kung anu-ano sa facebook. Like here, like there. Nagco-comment lang ako sa mga close friend ko. kaya hanggang like na lang ako sa iba.
Maya-maya lang ay may notification ako, nang tingnan ko tag ni Ace! Nung tuluyan kong makita ang tinag niya ay hindi ko alam kung matatawa ako magagalit. Kasi naman nagpost siya ng picture niya na may hawak na gatas with the caption "Having my Milk together with Ms. Gatas" then naka-tag ako. Anak ka ng bicuit Kyle!
Naka-isip naman ako ng magandang idea. Mabilis akong bumaba sa kusina at kumuha ng Ace na biscuit, nagtimpla na din ako ng gatas at bumalik na sa kwarto ko.
Ako yung tipo ng babae na hindi mahilig sa selfie pero gagawin ko ito para makabawi sa Ace na yun.
Mabilis ko naman pinost yun at tinag din sa kanya with caption of "Ace biscuit for this night with Mr. Biscuit". Aba, lintek lang ang walang ganti Kyle!
After that, nag-out na ako. Inaantok na din kasi ako dahil late na din pala tsaka ayoko ng makipag-away kay Kyle.
(End of Flashback)
Oh diba? bwesit na bwesit ako sa kanya kagabi.
"Waking up on the wrong side of the bed?" napatingin naman ako ng masama kay Jana pero ngumisi lang ang bruha. Wala ako sa mood para makipag-bangayan sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Forever is You
Teen Fiction"LOVE" a big sacrifice isn't it? You FORGIVE and try to FORGET. You know you'll CRY but you still give it a TRY. You've HURT but you continue to LOVE. You were BETRAYED but you still HOPE. and the next big hit??? You've been LEFT but you still WAIT!