Nakatayo naman ang isang batang lalaki habang pinagmasdan niya ang buong paligid. Sirang-sira na ang lahat ng mga kabahayan at gusali, nakahandusay sa lupa ang bangkay ng mga tao at nakaharap sa kanya ang di mabilang na mga demonyo.
"Di ko parin sila nailigtas"pahinang sabi niya sa sarili niya kasabay nang pagtulo ng mga luha niya.
Hindi man niya inaasahan na hahantung ulit ang pangyayaring iyon sa buhay niya ay nanatili parin siyang matatag kahit ubos na ang mga tao sa mundo. Habang siya'y nakatitig sa mga demonyo ay biglang lumabas sa katawan niya ang isang liwanag.
"Tatapusin ko na ang labang ito"bigkas niya habang nag-iba siya ng anyo.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa kasalukuyan, nagmamasid naman si Daven sa karagatan at pinakinggan ang bawat paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Si Daven ay labing-anim na taong gulang na naninirahan sa maliit na isla ng Tropico.
Lagi-lagi nalang nagmamasid si Daven sa karagatan sapagkat hinihintay pa kasi niya ang ama niya na naglakbay patungo sa Tradevune, magtatatlong taon na simula nang maglakbay ito.
Habang siya'y patuloy nagmamasid ay bigla naman siyang nilapitan ng ina niya na may dala-dalang pagkain.
"Daven, kumain ka na alam kong kanina ka pa tulala diyan, kung nag-aalala ka man sa ama mo ay huwag naman palagi Daven, lalong papangit ang mukha mo sa kakaalala "sabi ng ina niya.
Napangiti naman si Daven nang tumingin siya sa ina niya kaya biglang tumawa ang ina niya dahil sa hindi nito inaasahang pagngiti niya.
"Daven, hindi mo naman kailangang ngumiti, ang sinasabi ko naman sa iyo na huwag mong aalahanin palagi ang ama mo, alam kong babalik rin iyon"paliwanag ng ina niya habang tumatawa.
Wala namang reaksyon si Daven habang tinitingnan niya ang ina niya sa pagtatawa.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...