Chapter 9: Mysterious Island Part 1

111 27 7
                                    

Sa ordinaryong araw naman ng paglalayag ni Jack ay abala naman ang lahat sa pagsasanay maliban lang kay Daven na nakahiga lang sa bubungan ng barko nila. Kahit ganoon pa man ang naging ugali ni Daven ay nasanay naman sila dahil wala naman silang magagawa.
 
“Kailan pa kaya magbabago ang Daven na yan?”tanong ni Niela habang pinapawisan na siya dahil sa pagsasanay.
 
“Kahit patayin mo pa ang taong iyan Niela, titigas at titigas parin ang ulo niyan”sagot ni Jack.
 
Samantala, paligaw-ligaw naman ng tingin si Aniel kay Clood na mag-isang nagsasanay na gumamit ng espada. Namumula naman ang pisngi ni Aniel sa tuwing nakikita niya ang bawat paghampas ni Clood ng espada.
 
Ang paligaw-ligaw tingin ni Aniel ay nakita naman ni Daven kaya agad nagselos si Daven kay Clood marahil may gusto kasi siya kay Aniel samantalang si Aniel nama’y nagkakagusto kay Clood.
 
Kahit wala namang ginagawa si Clood ay agad namang siyang nilapitan ni Daven sa di malamang kadahilanan.
 
“Clood, alam mo ba kung bakit ako nandito?”pahula ni Daven kay Clood.
 
“Hindi ko alam Daven”sagot ni Clood kay Daven.
 
“Alam mo bang may gusto si Aniel sa iyo”pabiglang sabi ni Daven na ikinagulat ni Aniel na narinig ang pag-uusap ng dalawa.
 
“Daven, ano ka ba naman!”sigaw ni Aniel habang pinipigilan niya si Daven na magsalita.
 
Agad namang nahiya si Aniel nang makita siya ni Clood. Hindi kasi niya lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ni Daven.
 
Wala namang reaksyon si Clood habang siya’y nakatitig kay Aniel kaya dahil doon ay nawalan naman ng gana si Aniel dahil para kasing binabalewala lang ni Clood ang paghanga niya.
 
“Ano ka ba naman Clood! Bigyan mo naman ng halaga si Aniel”paalala ni Daven kay Clood.
 
“Tumahimik ka Daven, hindi ako interesado sa bagay na iyan”sabi ni Clood na ikinabigla ni Daven.
 
Nainis naman si Daven kaya plano sana niyang susuntukin si Clood subalit pinigilan naman siya ni Aniel.
 
“Tama na Daven, hindi mo naman kailangan na tulungan ako”pahinang sabi ni Aniel habang siya’y dahan-dahang naglalakad papasok sa kwarto niya.
 
Naramdaman naman ni Daven ang sakit na nararamdaman ni Aniel dahil sa nagawa niya.
 
“Hindi ko talaga maiitanggi na ako ang may kasalanan ng lahat”bulong ni Daven habang hindi niya malaman ang gagawin niya. “Siguro dito na nagtatapos ang buhay ko”dagdag ni Daven habang dahan-dahang tumutulo ang luha niya dahil sa maling nagawa niya.
 
Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi na muling nakapag-usap si Aniel kay Daven.
 
Nakahiga naman si Daven sa bubungan ng barko nila nang bigla siyang nilapitan ni Niela na umuusok dahil sa galit.
 
“Daven, bakit malungkot si Aniel, may nagawa ka ba na dahilan ng pagkalungkot niya?”tanong ni Niela kay Daven.
 
“Hindi ko alam Niela, nandito nga lang ako sa bubungan natutulog”patangging sabi ni Niela.
 
“Sigurado ka ba Daven, bakit sabi ni Miko na parang nag-uusap daw kayong tatlo nina Clood at Aniel kanina”sabi ni Niela na ikinabigla ni Daven.
 
“Wala ah! Nagparty-party lang kaming tatlo kanina”pabirong sagot ni Daven.
 
“Daven, seryuso ako sa sinasabi ko kaya tandaan mo ang sasabihin ko kapag nalungkot ulit si Aniel dahil sa nagawa mo, ililibing kita ng buhay Daven”paalala ni Niela kay Daven.
 
Hindi naman nakapagsalita si Daven dahil sa seryusong paalala ni Niela sa kanya.
 
Samantala, sa araw ding iyon ay naglayag naman ang tatlong barko na pinangungunahan ni Siphead ang umatake sa barko ni Jack. Hindi kasi natutu si Siphead kahit na pinatumba na siya ni Daven, kaya sa pagbabalik niya sa karagatan ay kasama na niya ang dalawa pang barko para sa pagnanakaw nila.
 
Sa ngayon ay nakakita naman sila ng isang barko na mag-isang naglayag.
 
“Masuwerte tayo”patawang sabi ni Siphead sa mga kasamahan niya. “Nakakita na naman tayo nang mabibiktima natin”dagdag ni Siphead.
 
Ang hindi alam ni Siphead na barko pala iyon ni Jack na kung saa’y sakay-sakay nito ang kinatatakutan niyang si Daven.
 
Lingid man sa kaisipan ng lahat na nagkita-kita na sila ay nagulat naman ang mga kasamahan nina Miko at Ian nang ibinalita nito ang paglapit sa kanila ng tatlong barko.
 
“Jack may namataan kaming tatlong barkong palapit sa atin ngayon!”sigaw ni Miko.
 
“Ano!? tatlong barko? Baka barko iyon ng ibang isla”teorya ni Jack.
 
“Hindi ko alam pero sa tingin ko ulit Jack, mga pirata”tugon ni Miko.
 
“Pirata na naman?”palinaw ni Niela habang siya’y nabigla.
 
“Naloko na!”reaksyon ni Chit.
 
Agad namang natakot si Aniel dahil naisip kasi nito na mangyayari muli ang pagdakip nito sa kanila.
 
“Ate natatakot ako”payakap na sabi ni Aniel kay Niela.
 
“Wag kang mag-aalala Aniel, gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ka”paalala ni Niela sa kakambal niya.
 
Habang unti-unting lumalapit ang tatlong barko ay dahan-dahan naman silang kinakabahan dahil sa mangyayari. Hindi kasi nila aakalain na tatlong barko na ang aatake sa kanila na sa una’y isa pa at nahirapan pa sila.
 
“Ngayon, hindi na ako magiging duwag, lalabanan ko na sila”bulong ni Jack habang hinanda niya ang kanyang espada.
 
Samantala, kung unti-unti mang napapalapit ang tatlong barko sa puntirya nilang barko ay unti-unti namang natatandaan ni Siphead ang barko na parang nakasalubong na niya ito.
 
“Sa tingin ko mukhang nakikilala ko yata ang barkong iyan”sabi ni Siphead.
 
“Sa tingin mo lang yan kapitan”tugon ng mga piratang katabi ni Siphead.
 
Nang makalapit na sila ng todo ay doon na nila nalaman na barko pala iyon na sinasakyan ni Daven kaya kahit ilang metro nalang ang layo nila ay mabilis namang nagdesisyon si Siphead na umatras.
 
“Umatras kayo!”sigaw ni Siphead sa dalawang barko.
 
“Ano bang problema Siphead?”tanong ng isang kapitan ng isang barko.
 
“Mukhang wala yata silang dalang mahahalagang bagay!”sigaw ni Siphead na sinusubukan niyang hindi paatakehin ang kasamahan niyang barko sa barko ni Jack.
 
“Siphead! Wala namang mawawala kung aatakehin natin sila”sigaw nila kay Siphead.
 
“Oo nga, kaso sinasayang lang nila ang oras natin, kaya maghanap nalang tayo ng ibang barko na bibiktimahin”sigaw ni Siphead habang patuloy niyang pinapaalis ang ibang kasamahan niya.
 
Hindi naman niya nagawang mapigilan ang mga kasamahan niya kaya tagumpay itong nakalapit sa barko ni Jack. Mabilis namang inilapit ni Siphead ang barko niya upang makatalon siya sa barko ni Jack.
 
Nakahanda na sana ang mga espada nina Jack, Clood, Miko, Ian at Niela sa pakikipaglaban subalit hindi naman kumilos ng masama si Siphead sa katunayan nga ay binati niya ito ng galak at may respeto.
 
“Alam kong kulang kayo ng mga pagkain, kaya bibigyan ko ulit kayo ng isa pang bariles na pagkain”pangiting sabi ni Siphead.
 
Nagulat naman ang lahat kahit ang mga kapitan ng dalawang barko ay nagulat din sa naging magandang pakikitungo ni Siphead sa barko na imbes magnanakaw sila ng mga pagkain ay sila pa mismo ang magbibigay para sa mga ito.
 
“Siphead! Ano bang iniisip mo?”tanong nila kay Siphead.
 
“Mga kaibigan ko sila kaya wag niyo silang gagalawin”paalala ni Siphead sa kanila.
 
Agad namang nagbigay si Siphead ng isang bariles na pagkain pagkatapos ay payapa siyang umalis pasakay sa barko niya.
 
“Umalis na tayo”utos ni Siphead.
 
Napapanganga nalang sina Jack, Niela, Clood, Aniel, Chit , Miko at Ian sa nangyari na parang nadaanan sila ng tagasilbi ng Diyos.
 
“Tama ba yong nakita ko? Binigyan nila tayo ng isang bariles na pagkain?”palinaw ni Jack.
 
“Jack, mukhang nanaginip lang yata tayo”tugon ni Niela.
 
“Hindi ko man naintindihan ang nangyayari pero malaki ang pasasalamat natin sa kanila dahil nadadagdagan na ulit ang pagkain natin”tugon ni Clood habang ipinasok niya ang isang bariles na pagkain na bigay sa kanila ni Siphead.
 
Ang pangyayaring iyon ay hindi naman napansin ni Daven marahil mahimbing na ang tulog niya sa bubungan ng barko.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dalawang araw ang nakalipas habang nagbabantay sa madaling araw si Ian ay napansin niya ang malaking isla sa malayo, hindi siya sigurado kung balwarte ba iyon ng mga marino pero isa lang ang nalalaman niya, may itim itong mga ulap sa itaas na pinagtataka niya at may itim na awrang umaaligid nito.
 
“May bagyo ba doon sa islang iyon?”palinaw ni Ian sa sarili niya habang patuloy niyang pinagmamasdan ang misteryusong isla.
 
Hindi naman niya inaakala na bigla niyang nakita sa isla ang pagsikat ng araw sa kinaumagahan na parang wala lang nangyari.
 
“Kanina, itim pa ang mga ulap pero sa isang iglap lang ay bigla na itong nawala parang bula, ano bang mayroon sa islang iyan?”tanong ni Ian habang patuloy na pinagmamasdan ang misteryusong isla.
 
Nang gumising si Jack ay agad namang ipinaliwanag ni Ian ang nakita niya sa isla, kaso hindi naman siya pinaniwalaan nito kahit na nga ang partner niyang si Miko ay pinagtatawanan rin siya.
 
 “Ano ka ba Ian!? Ordinaryong isla lang naman iyan! Tingnan mo! wala namang kakaiba sa isla, maputi ang mga ulap at walang misteryusong awra ang umaaligid”tugon ni Miko habang patuloy niyang pinagtatawanan si Ian.
 
“Ian, baka inaantok ka lang kanina?”sabi ni Jack kay Ian.
 
“Hindi naman ako inaantok kanina! Tama talaga ang nakita ko!”patuloy na sinasabi ni Ian subalit walang naniniwala sa kanya.
 
“Tumigil ka na nga Ian, mas mabuting huminto muna tayo doon sa isla para makipagpalitan ng mga pagkain, para may marami tayong supply sa ating paglalakbay”utos ni Jack.
 
Wala namang nagawa si Ian kahit totoo naman ang sinasabi niya, kahit patuloy siyang nagpapaalala sa mga kasamahan niya. Napatingin nalang siya sa misteryusong isla at nagdasal siya na sana ay walang mangyaring masama sa kanila doon.
 
Samantala, naghanda naman sila sa kanilang paghihinto. Nang bumaba na sila ay wala naman silang naramdamang kakaiba sa isla na pinaalala nila kay Ian.
 
“Ian, nandito na tayo sa isla pero bakit wala akong nararamdaman na kakaiba, ordinaryong isla lang naman ito tulad ng islang natin, kaso malaki at malawak lang ito”patawang paliwanag ni Miko.
 
“Oo na Miko wala nang kakaiba sa islang ito kaya magpatuloy na tayo”bigkas ni Ian habang siya’y naiirita kay Miko.
 
Wala namang naiwan sa barko na kahit sina Daven, Aniel at Chit ay kasama din sa paglalakbay doon sa isla. Kanya-kanya naman silang dala-dala ng mga gamit nila tulad ng mga materyales nila para makipagpalitan.
 
Hindi pa naman malayo ang kanilang nilakad ay napagod na si Daven at bigla nalang siyang napahiga sa lupa.
 
“Tubig! Gusto ko ng uminom ng tubig”bigkas ni Daven habang siya’y nagmamakaawa sa mga kasamahan niya.
 
“Daven, wala tayong dala-dalang tubig kaya tiisin mo nalang yan”sabi ni Jack.
 
“Huh!? Wala kayong dala-dalang tubig!? Paano kung malayo pa ang lalakarin natin!? Paano kung mawala tayo sa gitna ng isla!?”tanong ni Daven habang pinag-aalala niya ang mga bagay na iyon.
 
“Daven, mga dalawangpung metro palang tayo naglakad, tingnan mo! nakikita ko pa nga ang barko natin”tugon ni Jack habang itinuro niya ang barko nila.
 
“Oo nga noh! Mukhang resulta yata to sa palaging natutulog”patawang bigkas ni Daven habang siya’y tumayo.
 
“Magsanay ka nga Daven na kahit kakaunti ay lalakas ang pangangatawan mo”paalala ni Niela.
 
Nagpatuloy naman sila sa paglalakad kahit sumasakit na ang paa ni Daven sa kakalakad na kahit magaan lang naman yong mga dala niya.
 
Hindi naman mapakali si Ian sa tuwing nakakadaan sila sa mga puno na may kakaibang dahon, kakaibang bunga at may kakaibang ugat na nakakatakot tingnan. Tanging si Ian lang mismo ang nakakaramdam sa kakaibang paligid.
 
“Kung may mangyayari sigurong masama ay siguradong mauubos kami dito, hindi ko kasi alam kung ano ang maging hatid ng islang ito sa amin”bulong ni Ian sa sarili niya.
 
Matapos ang kalahating-oras nilang paglalakbay sa isla ay nakakita narin sila ng isang munting bayan na may mga taong nagtitipon sa gina ng malawak na daan na tila ba parang may isang malaking pagdiriwang.
 
“Mukhang may pagdiriwang yatang nagaganap sa isla”sabi ni Miko.
 
“Ano!? pagdiriwang!?”pagulat na sabi ni Daven habang bigla siyang lumakas sa kabila nang pagkapagod niya. “Kung may pagdiriwang ay mayroon ding mga pagkain”sabi ni Daven.
 
“Diyan ka lang malakas Daven, sa kainan”tugon ni Jack.
 
“Ano pa ba ang hinihintay natin, pumunta na tayo sa bayan”sabi ni Daven habang nagsimula na siyang maglakad.
 
Wala namang nagawa si Jack kundi sundan si Daven sa bayan dahil yon naman ang pinunta nila ang makakita ng isang bayan para makipagpalitan.
 
“Sige, kayo na ang bahala kung anong pagkain ang mapapalit niyo sa mga gamit niyo basta pagpatak ng tanghali ay magkikita tayo dito sa tagpuang ito”paalala ni Jack sa mga kasamahan niya habang itinuro niya ang malaking puno na siyang palatandaan nilang lahat. “Sige, kumilos na tayo”utos ni Jack.
 

[SLATE-tionary: Detnuah ang tawag sa islang pinuntahan ngayon ng grupo ni Jack. Isang misteryusong isla ito marahil maraming nangyayaring kakaiba sa islang ito na tanging si Ian lang ang nakapansin.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon