Ilang taon na ang nakaraan sa Ciangima habang ang bansa ay wala pang batas o wala pang namumuno. Marami sa mga tao doon ang gumagawa ng mga masama tulad ng mga pagnanakaw at iba pang mga iligal na gawain. Lugmok sa patayan ang bansa ng Ciangima sa pamamagitan ng paggamit ng mga mahika.
Sa panahong iyon ay unti-unti namang nag-aaral sa Varlin ng mga mahika upang mahasa niya ang sarili niya. Hindi pa naitatag ang palasyo sa panahong iyon kaya wala pang halos nakakakilala sa kanya maliban lang sa kanyang matalik na kaibigan na si Siera.
“Varlin, pagpapahingahin mo muna yong katawan mo, magdamag ka ng nagsusulat at nag-aaral diyan baka magkasakit ka niyan”alala ni Siera kay Varlin na buong gabing nag-aaral.
“Siera, huwag mo na akong aalahanin, hindi ko naman sinasayang ang mga gabi na iyon”pangiting sagot ni Varlin.
Dahil sa ginagawa ni Varlin ay unti-unti naman siyang nagkakasakit sapagkat iniinda niya lang ito dahil ang ginagawa niya ay para naman sa ikinabubuti ng lahat.
Nang tumagal ay naging kilala naman si Varlin sa mga maliliit na bayan ng Ciangima dahil sa kakayahan niya na lumakas pa ng lumakas. Ang pangalan ni Varlin ay kumalat sa buong Ciangima nang maipamalas niya ang kanyang abilidad sa mga duwelo at sa paghinto ng mga patayan sa bansa.
Sa pag-usbong ng pangalan niya ay ang paglawak naman ng mangkukulam sa bansa na siyang naging ugat nang pagkaroon ng mga malalakas at masasamang grupo upang siya’y patumbahin. Naging taga-bantay at taga-protekta naman siya sa mga tao dahil lagi kasing pinupuntirya ng mga mangkukulam ang mga tao.
Hindi nagtagal ay nakaimbento naman ang mga mangkukulam ng isang abilidad o bagay na humaharang sa paggamit ng mga mahika na kung tawagin ay Magic Barrier upang ipanlaban nila sa mga malalakas na magic user lalo na kay Varlin.
Naging sandigan naman si Varlin ng mga tao dahil sa nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng grupo ng mga tao at sa mga mangkukulam kaya itinatag ni Varlin ang palasyo na siyang mag-uugnay sa lahat ng mga tao at doon siya naging unang reyna ng Ciangima.
Nakipaglaban naman si Varlin sa grupo ng mga mangkukulam na pinangungunahan ng grupo ni Frederica at sa hindi mabilang na miyembro nito. Isa lang kasi ang layunin ng mga mangkukulam kundi ang mapatumba si Varlin at makuha nila ang kapangyarihan nito dahil alam nilang hindi masusukat ang kapangyarihan ni Varlin.
Nagpatuloy ang digmaan at hindi pa ito natapos kahit lumipas na ang dalawang taon. Naipanganak nalang ni Varlin si Varien subalit hindi parin nagtapos ang digmaan sa pagitan ng mga mangkukulam.
Nang mailuwal ni Varlin si Varien ay unti-unti naman niyang hindi nakokontrol ang kapangyarihan niya dahil sa lalo pa itong lumalakas habang tumatagal. Napa-isip nalang siya sa magiging kahinatnan hindi lang sa bansa ng Ciangima kundi sa mundo kapag lalo pang lumalakas ang kapangyarihan na hindi na niya makokontrol.
“Kung lalo pa akong magtatagal rito ay magiging halimaw ako dahil sa kapangyarihan ko”bulong ni Varlin habang dala-dala niya sa kamay niya ang sanggol na si Varien.
Agad naman niyang inipon at tinago ang kapangyarihan niya sa isang mabilog na bagay. Nag-aalala naman sa panahong iyon si Siera dahil lalo pang umiinit ang mga mangkukulam kay Varlin.
“Reyna Varlin, ano na po ang mangyayari sa mga tao kapag itinago mo ang kapangyarihan mo?”tanong ni Siera.
“Siera, kung mayroon mang mangyayari sa akin ay ibigay mo lang kay Varien ang kapangyarihan ko”paalala ni Varlin.
“Kay Prinsesa Varien? Reyna Varlin, baka hindi po makayanan ng anak mo ang kapangyarihan niyo”alala ni Siera.
“Siera, alam kong kakayanin ng anak ko”bigkas ni Varlin habang may mga kislap siya sa mata niya.
Nagulat naman si Siera nang makita niyang paalis si Varlin kaya agad niya itong tinanong kung ano ang pinaplano nito.
“Reyna, saan po ba kayo pupunta?”tanong ni Siera.
“Siera, lalayo ako, alam kong ako ang dahilan kung bakit inaatake tayo ng mga mangkukulam dito sa bansang ito”sagot ni Varlin.
“Baka may mangyari pong masama sa inyo”alala ni Siera.
“Alang-alang sa bansang ito, handa akong magsakripisyo”paalala ni Varlin.
Matapos ibinigay ni Varlin ang kapangyarihan niya kay Siera ay umalis naman siya sa palasyo habang dala-dala niya ang sanggol na si Varien.
Nagawa namang lusubin ng mga mangkukulam ang palasyo subalit nabigo naman sila sa paghanap kay Varlin dahil sa nakaalis na ito. Sinundan nila kung saan naroroon si Varlin hanggang sa nahanap nila ito sa isang baybayin na naninirahan lang ito nang payapa.
“Varlin, nagkaharap narin tayo sa wakas”bigkas ni Frederica habang hinanda niya ang mga malalakas niyang mahika. “Hindi ka na makakatakas ngayon kaya mas mabuting sumuko ka na”utos niya kay Varlin.
Napangiti naman si Varlin sa sinabi ni Frederica sa kanya kaya agad niyang nilabanan ito pati na ang kasama nitong grupo kahit mag-isa lang siya. Hindi naman kinayanan ng grupo ni Frederica si Varlin kaya agad nilang ginamit ang Magic Barrier.
Doon na nahirapan si Varlin kaya agad niyang isinabi sa grupo ni Frederica ang tungkol sa kanyang kapangyarihan na kung saa’y nagsinugaling siya tungkol dito.
“Frederica, kung gusto niyong kunin ang kapangyarihan ko, matagal ko nang itinago iyon”bigkas ni Varlin habang nagsalita siya kasabay nang pagpapaagos ng anak niyang si Varien sa karagatan.
“Huwag mong sabihing itinago mo sa anak mo ang kapangyarihan mo?”pagulat na sabi ni Frederica.
“Yan na nga Frederica, kaya hindi niyo na makukuha ang kapangyarihan ko dahil pinaagos ko na ang anak ko”patawang bigkas ni Varlin.
“Varlin, may pagkabaliw ka minsan marahil sarili mong anak ay dinamay mo pa subalit ang talino mo pa dahil naisip mo pang gawin iyon para mailayo yon sa amin”paliwanag ni Frederica habang tumatawa siya na parang baliw.
Ginamit naman ni Varlin ang huling kapangyarihan niya upang mapatumba niya si Frederica at ang grupo nito.
Nagulat naman si Frederica nang makita niyang nakagamit pa ng mahika si Varlin sa kabila nang paggamit niya ng magic barrier.
“Imposible, anong klaseng kapangyarihan ang nararamdaman ko ngayon?”tanong ni Frederica.
Dahil sa malakas na kapangyarihan ni Varlin ay agad niyang napatumba ang grupo ni Frederica kapalit naman ng kanyang buhay.
Akala ni Varlin na doon na nagtatapos ang lahat subalit nagulat naman siya nang makita pa niyang buhay si Frederica.
“Varlin, hindi mo kami nagawang mapatumba kaya ipagpatuloy parin namin ang sinimulan namin”bigkas ni Frederica habang pinipilit niyang tumayo.
“Frederica, tapos na ang laban natin at wala na rin akong kapangyarihan kaya wala ka ng dahilan pa para ako’y patumbahin”bigkas ni Varlin habang pinipilit niyang magsalita.
“Hahanapin at hahanapin ko ang anak, at hinding-hindi ako susuko hanggang sa hindi ko makukuha ang kapangyarihan mo!”sigaw ni Varlin habang nakita niya na naging abo si Varlin.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang namatay si Varlin ay naging pansamantalang reyna naman si Siera na umabot ng labing-limang taon ang panunungkulan niya doon sa palasyo para maprotektahan niya ang mga tao. Isinekreto naman niya ang tungkol sa kapangyarihan ni Reyna Varlin para hindi iyon mapansin ng mga tao at sa mga mangkukulam.
“Kailanma’y walang makukuha sa kapangyarihan ni Reyna Varlin, maliban lang sa anak niyang si Prinsesa Varien”bulong ni Siera habang itinago niya sa isang lugar ang kapangyarihan ni Reyna Varlin.
Samantala, dahil sa pagkatalo ni Frederica ay pinag-aralan naman niya kung nasan natutungo ang anak ni Varlin. Nakita kasi niya itong pinaagos ni Varlin ang sariling anak nito sa karagatan. Patuloy namang naghahanap si Frederica dahil naniniwala kasi siya na doon nakalagay ang kapangyarihan ni Varlin.
“Hahanapin at hahapin kita, hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang kapangyarihan mo”bulong ni Frederica habang iniisip niya ang anak ni Varlin.
Nagsanay naman si Frederica sa pag-aral ng mga mahika kaya dumating ang panahon ay natutunan niyang gumamit ng mahika na kung saa’y malalaman niya ang pagkakilanlan ng isang tao kapag tiningnan niya ito.
“Habang malayo pa ang panahon ay magtayo muna ako ng grupo para handa na ako kapag nakarating na dito ang anak ni Varlin”bigkas ni Frederica.
Kaya doon itinayo ni Frederica ang grupong kulto na kung saa’y pansamantala silang nagdudukot ng mga bata para pag-eksperementuhan.
Samantala, nang pinaagos ni Reyna Varlin ang anak niya sa karagatan ay napunta naman ito sa baybayin ng Tropico Island. Sa panahong iyon ay nagmamasid naman si Lena sa karagatan nang bigla niyang nakita ang isang bagay na lumulutang patungo sa baybayin. Isang bagay na pinaghihinalang niyang may bata dahil narinig niya ang iyak nito.
Hindi naman niya mapigilang magulat nang tama ang naging hinala niya nang makita niyang may bata doon. Dali-dali naman niya itong kinuha at niyakap.
“Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka palutang-lutang sa karagatan?”tanong ni Lena habang yakap-yakap niya ang bata.
Pagkatapos non ay agad naman niya itong dinala sa bahay niya upang alagaan. Nagulat pa nga ang asawa niyang si Dane nang makita nito na may dala-dala na siyang sanggol.
“Dane, napulot ko siya sa baybayin”sabi ni Lena.
Hindi naman mapigilan ni Dane na lumuha dahil sa saya dahil para kasi silang biniyayaan ng anak.
“Lena, ano bang ipapangalan mo sa kanya?”tanong ni Dane.
“Chit, Chit, ang ipapangalan ko sa kanya”sagot ni Lena.
Makalipas ang ilang taon nang lumaki si Chit ay nakilala naman niya si Daven na sinasabi ng mga magulang niya na kapatid niya.
“Kapatid ko po ba si Daven?”palinaw ni Chit.
“Oo Chit, kapatid mo siya”sagot ni Lena.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang malaman ni Chit ang tungkol sa Ciangima ay nabigla naman siya dahil para kasing naalala niya ang tungkol dito. Kaya nahanap niya sa Ciangima ang pagkakilanlan niya, ang totoo niyang magulang at ang tungkol sa kapangyarihan ng kanyang ina.
Nang makuha niya ang kapangyarihan ng kanyang ina ay nabigla naman siya dahil ang isip kasi niya ay napunta sa madilim na kapaligiran habang siya’y naglalakad sa walang hanggang daraanan.
Wala siyang alam kung bakit siya naroon kaya naglakad lang siya nang naglakad na nagbabakasaling maiintindihan niya ang nangyayari sa kanya.
Agad naman niyang nakita sa malayo ang isang taong nakatayo na para bang naghihintay sa kanya na lumapit. Dahil sa gusto niyang malaman ang nangyayari sa kanya ay agad niya itong nilapitan.
Sa tuwing lumalapit siya ay agad namang lumalakas ang tibok ng puso niya. Nagtaka naman siya marahil ang taong naghihintay sa kanya ay iniisip niya na malapit ito sa kanya.
“Varien, galak akong makita ka”bati ni Varlin na ang babaeng naghihintay pala sa kanya.
“Ina, kayo po ba iyan?”palinaw ni Chit.
Napayakap nalang si Chit nang malaman niyang ang ina niya ang kaharap niya na naghihintay sa kanya. Nag-usap naman sila doon at nagkwentuhan na kahit sa isip lang iyon ni Chit ay parang totoo na sa kanya.
Nalungkot naman si Chit nang biglang tumayo ang ina niya na simbolo ng malapit na pag-alis nito.
“Varien, alam kong panandalian lang ang pagkikita natin, sana hindi mo ako makalimutan kapag nawala na ako sa isip mo”bigkas ni Varlin na parang nagpapaalam na siya kay Chit.
“Ina, huwag muna kayong umalis”pigil ni Chit kay Varlin.
“Varien, matagal na akong patay at alam ko na alam muna iyon, hindi na ako magtatagal rito sa isip mo sana maging masaya ka sa lahat ng mga desisyon mo”paalala ni Varlin.
“Ina, huwag muna kayong umalis!!”sigaw ni Chit habang umiyak siya nang biglang naglaho parang bula ang kanyang ina.
Patuloy at patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa natanggap na niya ang katutuhanan tungkol sa pagkawala ng kanyang ina. Nang magkamalay siya ay nabigla naman siya nang makita niya na bitbit at yakap-yakap na siya ni Daven.
“Kuya Daven”bigkas ni Chit habang hindi niya mapigilang maluha.
Hanggang ngayon ay patuloy parin niyang napapanaginipan ang ina niya na kasama niya, katabi niya at kausap niya. Tumutulo pa nga ang luha niya sa tuwing napapanaginipan niya ina niya subalit sa kabila ng pag-iiyak niya ay may namumuong ngiti sa labi niya habang natutulog siya.
“Hinding-hindi ko kayo kalilimutan ina”bigkas niya sa panaginip niya.[THE END OF VARIEN ARC]
[Slate-tionary: Ang kapangyarihan ni Varlin ay nakuha na ni Daven. Nangyari iyon nang ipinalabas ni Varien ang lahat ng itim na mahika at inipon niya ito para patumbahin si Daven subalit sa sobrang lakas ni Daven ay kinuha niya ang kapangyarihan ni
Varlin na naroon sa loob ng katawan ni Varien.]
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Naniniwala ka ba sa alamat ng espada ni Arthur?”tanong ng isang di makilalang lalaki.
“Yong Excalibur? Pero ayon sa alamat ay walang sinumang nakakakuha sa espada niya na nakabaon sa bato maliban lang kay Haring Arthur”sagot ng kausap niya.
“Di ba isa lang yong alamat”sabi ng lalaki.
“Oo pero totoo iyon”sagot ng kausap niya.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...