Chapter 22: Varien Arc Part 5

68 16 9
                                    

Ano ba ang nangyari sa akin? bakit wala akong maalala?”tanong ni Chit sa kanyang sarili.
 
Ang tanging huling naalala lang niya ay ang pagkuha niya sa kapangyarihan na mula sa kumikinang na bato. Nakita niya mismo ang isang babae na kaharap niya na pinaniniwalaan niyang ina niya.
 
Hindi man ito ay nagsalita ay ngumiti naman ito sa kanya kasabay nang pagbigay nito nang kapangyarihan sa kanya.
 
“Ina, kayo po ba iyan?”tanong ni Chit habang pilit niyang hinahawakan ang kamay nito.
 
Agad naman itong nawala parang bula tapos napatulo nalang ang mga luha niya habang patuloy na binigkas ang salitang ina.
 
“Ina, ina, ina”bigkas ni Chit habang siya’y umiiyak.
 
Nang magkamalay na siya ay nagulat naman siya nang makita niya sina Kingpord, Felo at Zaq kasama narin ang babaeng nagpadukot sa kanya na walang iba kundi si Frederica.
 
“Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? nakuha ko na ang kapangyarihan sa bato! Hindi mo na maaangkin ang kapangyarihan na mula sa aking ina!”sigaw ni Chit kay Frederica.
 
“Hoy iha! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kagabi?”tanong ni Frederica kay Chit.
 
“Ang ginawa ko kagabi?”palinaw ni Chit kay Frederica marahil nag-iisip pa siya dahil naputol kasi ang malay niya simula nang makuha niya ang kapangyarihan sa bato. “Hindi ko alam, nakatulog na kasi ako bigla”sagot ni Chit.
 
Nainis naman si Frederica sa sinagot ni Chit marahil muntik pa siyang mamatay nito dahil sa kapangyarihan ni Chit tapos para narin siyang baliw dahil sa takot na naramdaman niya. Ngayon na bumalik na sa normal si Chit ay ibinuhos naman niya ang lahat nang kanyang galit.
 
“IHA! Ang lakas ng loob mong bastusin ako kagabi! Muntik mo pa akong mapatay dahil sa iyo!”sigaw ni Frederica habang inilabas niya ang galit niya kay Chit.
 
Nagtaka naman si Chit kung bakit ganoon nalang ang galit ni Frederica sa kanya, wala naman siyang naalalang sinugatan niya si Frederica tapos hindi naman niya gaanong binastos ito maliban lang sa pagpalo niya nito.
 
Patuloy namang nalilito si Chit kahit na nga sina Felo at Zaq ay nagagalit din sa kanya. Wala kasi siyang natatandaan kung ano talaga ang sumunod na nangyari.
 
“Iha, wala ka bang naalala sa nangyari kagabi?”pabiglang tanong ni Kingpord kay Chit.
 
“Pasensya na, pero wala talaga akong maalala”bigkas ni Chit.
 
“Iha, makinig ka sa sasabihin ko”paseryusong sabi ni Kingpord sa kanya. “Iha, maniwala ka man o sa hindi, nagmistula kang halimaw o demonyo kagabi, tapos pinatay mo pa ang dalawa kong kasamahan na sina Lala at Haniel”paliwanag ni Kingpord na ikinabigla ni Chit.
 
“Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, hindi totoo iyan”tanggi ni Chit sa katutuhanan.
 
Agad namang tinutukan ng espada ni Kingpord si Chit na simbolo nang pagkagalit niya. Ang hindi pagtanggap ni Chit sa katutuhanan ay ang dahilan pala nang kapahamakan niya.
 
“Iha, gagamitin kita para maubos ang lahat nang tao sa mundo”sabi ni Kingpord kay Chit.
 
Nagulat naman si Chit nang hinawakan ni Frederica ang ulo niya tapos nakaramdam naman siya nang paghihilo. Naalala naman ni Chit na naramdaman din niya ito noong panahong hindi siya pinalabas sa grupo tapos nabigla nalang siya nang malaman niyang nandoon na siya sa loob ng palasyo.
 
“Huwag mong sabihing kinontrol nila ang isip ko”bulong ni Chit habang pilit na nilalabanan ang kapangyarihan ni Frederica.
 
Nagawa sana ni Chit na pigilan ang pagkontrol ni Frederica sa kanya subalit pinatulog naman siya ni Kingpord para matuloy ang pinaplano nila sa kanya.
 
Nang makatulog si Chit ay agad namang ginamit ni Frederica ang katawan niya kaya ang tinatagong kapangyarihan ni Chit na mula sa ina niya ay muling binuksan ni Frederica. Nag-atrasan naman sina Kingpord, Felo, Zaq at pati narin si Frederica nang biglang nag-iba ang anyo ni Chit.
 
“Masasaksihan ulit natin ang halimaw sa Ciangima, ang pinakamalakas na nilalang sa mundo”bigkas ni Frederica na may kasamang masamang ngiti sa kanyang labi.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, patuloy naman sa paghahanap sina Jack, Miko at Niela kay Chit samantalang naiwan naman sa barko sina Aniel, Clood, Ian at pati narin ang natutulog na si Daven. Buong araw naghanap at nagkalap ng mga impormasyon ang grupo ni Jack subalit hindi parin nila natukoy ang kinaroroonan ni Chit.
 
Nakipag-usap naman sila kay Reyna Siera doon sa loob ng palasyo.
 
“Mahal na reyna, naalala niyo po ba ang huling nangyari sa inyo bago mawala si Chit?”tanong ni Jack sa reyna.
 
“Iho, yong Chit ba na tinutukoy niyo si Varien?”palinaw ng reyna na ikinabigla ng tatlo.
 
“Hindi ko po alam ang tinutukoy niyong si Varien, Mahal na reyna pero kung yan po ang totoo niyang pangalan ay yan narin po ang itatawag namin sa kanya”tugon ni Jack.
 
“Mahal na reyna maaari niyo po bang ikwento sa amin ang huling nangyari kagabi po dito sa loob ng palasyo”hiling ni Niela.
 
Ikinuwento naman ng Reyna ang nangyari tapos nalaman nalang nila na mayroon nang kakaibang kapangyarihan si Chit na hinding-hindi makokontrol nito. Nag-aala naman sila marahil ipinaliwanag ng reyna sa kanila na magiging delikado ang lagay ng Ciangima kapag hindi napigilan ang kapangyarihan ni Chit.
 
Nagulat naman sina Jack, Niela at Miko nang biglang lumuhod sa harap nila ang reyna.
 
“Pakiusap lang, hanapin niyo si Varien at pigilan niyo siya”pakiusap ng Reyna sa kanila.
 
“Mahal na Reyna, hindi niyo naman po kailangang lumuhod sa harap namin, tungkulin po namin na iligtas ang kasamahan namin kaya huwag narin po kayong magmamakiusap sa amin”paliwanag ni Jack.
 
“Mahal na Reyna, tumayo na po kayo”pakiusap ni Miko.
 
Hindi naman naging komportable sina Jack, Niela at Miko nang tiningnan sila ng mga tagabantay ng palasyo. Mabilis namang nagsalita si Jack para maiwasan niya ang matagal na pagluhod ng reyna sa harap nila.
 
“Mahal na reyna, hahanapin at pipigilan po namin si Varien kaya tumayo na po kayo”bigkas ni Jack sa reyna.
 
Agad namang tumayo ang reyna dahil sa sinabi ni Jack pagkatapos ay nagpasalamat naman siya.
 
“Maraming salamat sa inyo, sana mailigtas niyo si Varien”bigkas ng reyna sa kanila.
 
Matapos silang nakipag-usap sa reyna ay bumalik na sila sa kanilang barko para makipag-usap sa iba nilang mga kasamahan at para makapagpahinga narin sila dahil sa buong araw nilang paglalakbay.
 
“Bukas, kailangan nating maglakbay para maghanap nang impormasyon sa kinaroroonan ni Va- Chit, kung hindi natin siya mahanap sa lalong madaling panahon siguro magiging impiyerno na ang lugar na ito”paliwanag ni Jack na ikinabigla nina Aniel, Clood at Ian.
 
“Ano ang ibig mong sabihin Jack?”tanong ni Ian.
 
“Ian, may kakaibang kapangyarihan si Chit na parang isang halimaw kung inihahambing nila, ang kapangyarihan iyon ay malakas na malakas kumpara sa ordinaryong mahika tapos hindi rin iyon makokontrol ni Chit”paliwanag ni Jack.
 
“Jack, hindi natin madaling mahahanap si Chit sa lalong madaling panahon marahil malaki ang lugar na ito”sabi ni Clood.
 
“Clood, hanggang may pag-asa pa tayo, hanggang sa nabubuhay pa tayo ay makikita natin si Chit”paalala ni Jack kay Clood. “Magpahinga na kayo ng maaga para hindi kayo madaling mapagod bukas”utos ni Jack sa mga kasamahan niya bago siya pumasok sa kwarto niya.
 
Hindi naman mapakali si Jack nang siya’y humiga sa kanyang kama, hindi kasi niya mawala sa isipan niya si Chit. Inaalala naman niya ang mga panahong kasama pa niya si Chit sa isla na kasamang naglalaro, nagtatawanan at namamasyal.
 
“Chit, sana ayus ka lang sa oras na ito”alala ni Jack.
 
Matagal na kasing nagkakagusto si Jack kay Chit kaya hindi na bago kay Jack na mag-aalala talaga nang tuluyan.
 
Simula pa nang mga bata pa sila ay nakilala naman ni Jack si Chit habang naglalaro sila. Isang palaban na babae si Chit, matalino at mabait. Hindi naman niya inaasahan na magkakagusto siya habang tumatagal.
 
Sa tuwing maglalaro sila kasama sina Niela, Aniel at Clood ay minsa’y tahimik na nakatulala si Jack kay Chit habang ito’y tumatakbo. Si Jack ay kilalang pala-asar sa kanila minsan pero kailanma’y hindi niya inaasar si Chit sa kahit ano mang bagay kasi kinakabahan siya kapag kinakausap niya ito.
 
Wala namang nakakaalam sa nararamdaman niya sapagkat pinaplano pa nga niyang ligawan si Chit kapag natapos na ang kanilang paglalakbay.
 
“Kapag nakabalik na kami sa isla ay liligawan ko si Chit”bulong ni Jack habang itinatak na niya iyon sa isipan niya.
 
Payapa naman silang nakatulog habang si Daven ay nagmamasid sa kapaligiran. May nararamdaman kasi siya na may paparating na malaking delubyo na mangyayari sa bansa ng Ciangima.
 
 Sa ngayon ay tahimik pa ang paligid na kahit ang gitnang bayan ay tahimik rin. Ordinaryong gabi naman ang tumambad sa gitnang bayan na kung saa’y mga kalalakihan doon payapang nag-iinuman.
 
Lumalalim na ang gabi at nagpapatuloy parin ang mga lasing sa pag-iinuman. Habang sila’y nagkakasiyahan ay nabigla naman sila nang makita nilang may batang babae na naglakad doon sa isang daanan ng gitnang bayan. Hindi kasi nila makakalimutan ang tungkol sa pagbabawal sa mga bata doon na gumala.
 
“Hoy bata! Alam mo namang bawal gumala dito, tapos babae ka pa”paliwanag ng isang lalaki kay Chit.
 
Hindi naman nakapagsalita si Chit marahil ang mga mata niya ay parang walang emosyon. Hinawakan naman siya ng lalaking lasing nang sobrang lakas na halos masusugatan na siya.
 
“Bata! Umalis ka na dito baka ako pa ang bubuhat sa iyo!”sigaw ng lalaking lasing.
 
Nagtatawanan naman ang mga kasamahang lasing ng lalaki, tapos nagpatuloy pa ang paghawak ng lalaki kay Chit hanggang sa hindi na napigilan ni Chit na patumbahin ang lalaki. Hiniwa ni Chit ang tiyan ng lalaki na ikinabigla ng lahat ng mga kainuman ng lalaki.
 
“Anong nangyari?”tanong ng mga lalaki habang nakatulalang pinagmasdan ang nangyari sa isa nilang kasamahan.
 
Nagtakbuhan naman bigla ang lahat dahil sa ginawa ni Chit. Natatakot kasi sila na baka sila ang susunod na mapapatay ni Chit. Isa-isa namang pinapatumba ni Chit ang mga tao doon samantalang nagmamasid naman sina Frederica, Kingpord, Zaq at Felo kay Chit.
 
“Frederica, ano ang susunod mong gagawin kapag naubos na ng babaeng iyan ang mga tao dito sa bansang ito?”tanong ni Zaq.
 
“Syempre, paghaharian ko ang mundo”pangiting sagot ni Frederica.
 
“Frederica, mag-ingat ka lang baka ikaw na ang isusunod ng babaeng iyan”paalala ni Kingpord.
 
“Kailanma’y hindi mangyayari iyan Kingpord, ako ang nagkokontrol sa babaeng iyan, kaya parang nasa akin mismo ang katawan ng babaeng iyan”bigkas ni Frederica.
 
Nagpatuloy naman ang paghahasik ng lagim ni Chit na umabot na sa dalawangpung tao ang napatumba niya. Nagsisigisingan naman ang lahat ng mga tulog na tao, mga bata ay nagsimula nang umiiyak at natatakot na ang mga matatanda.
 
“UMALIS NA KAYO! INATAKE TAYO!”sigaw nila sa isa’t-isa.
 
Wala namang malay sina Jack at nang mga kasamahan niya na naghahasik na pala ng lagim si Chit sa gitnang bayan. Nagising nalang sila nang marinig nila ang mga sigawan ng mga tao na naghahanap ng tulong na may kasamang pag-iiyak ng mga bata.
 
Nang lumabas si Jack sa hinihigaan niya ay nagulat siya nang makita ang mga tao na nagsisitakbuhan palayo sa gitnang bayan, samantalang ang gitnang bayan naman ay nagliliyab na sa apoy.
 
“Ano na ang nangyayari?”tanong ni Jack.
 
Sumunod namang lumabas ang ibang kasamahan ni Jack at nasaksihan din ang pangyayari sa labas.
 
“Jack, ano bang kaguluhang nangyayari ngayon?”tanong ni Niela.
 
“Hindi ko alam Niela”sagot ni Jack.
 
Narinig naman nila ang sigawan ng mga tao na kung saa’y nalaman nila na isang batang babae ang umatake sa kanila kaya napagpanto nalang nila na si Chit ang tinutukoy ng mga tao. Madali namang tumakbo si Jack na ikinabigla ng mga kasamahan niya.
 
“Ate, saan ba pupunta si Jack?”tanong ni Aniel.
 
“Dumating na si Chit”sagot ni Niela.
 
“Huwag mong sabihing siya yong umaatake ngayon sa gitnang bayan”bigkas ni Miko.
 
“Siya na nga ang tinutukoy mo Miko”sagot ni Niela.
 
Sinundan naman nina Niela at Clood si Jack patungo sa gitnang bayan samantalang nagpapatuloy naman sa paghahasik ng lagim ang wala sa pag-iisip na si Chit.
 
Matapos ang ilang minutong pagtatakbo ni Jack ay nakarating narin siya sa gitnang bayan at nakita niya doon si Chit na tulalang nakatayo sa kanya.
 
“Chit, naalala mo pa ba ako!?”tanong ni Jack.
 
Hindi naman sumagot si Chit at bigla nalang niyang inatake si Jack. Hindi naman umilag si Jack marahil gusto niyang ipakita kay Chit na kilala siya nito.
 
Napangiti naman si Jack habang nakataob sa kanyang tiyan ang kamay ni Chit. Hindi na kasi inaakala ni Jack na tutuluyan siya ni Chit.
 
“JACK!!”sigaw ni Niela habang napahinto nalang siya sa pagtakbo niya nang makita niyang natumba na si Jack.
 
[SLATE-tionary: Sa kasalukuyan na malakas ang kapangyarihan ni Chit kahit pag-isa-isahin pa ang kapangyarihan nina Jack, Clood at Niela.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon