Chapter 30: The Sword of King Arthur

61 14 4
                                    

 Matapos ang gabi na pag-atake ng grupo ng mga bandido na kilala sa tawag na Dark Crow na kung saa’y pinatumba lang sila ng isang bata ay bumalik naman sa paglalakbay si Clood kasama ang apat niyang kasamahan. Lingid man sa kanilang kaisipan na may nangyari pala sa gabing iyon. Tanging kamalian lang ni Daven ang nakita nila.
 
Umagang-umaga pa ay sermon na ang naging almusal ni Daven sa mga kasamahan niya lalo na kay Clood na pansamantalang pinuno sa kanilang grupo.
 
“Daven, pwede mo bang ipaliwanag sa amin kung ano ang ginawa mo kagabi?”utos ni Clood.
 
“Clood, paulit-ulit kong sasabihin sa inyo na wala talaga akong ginawang masama kay Aniel, nagkasulubong lang kami kagabi, yon lang”paliwanag ni Daven habang pinaglalaban niya ang katutuhanan.
 
“Daven, mukhang kaduda-duda yata yong pagkasalubong ninyo ni Aniel, Daven kung gusto pa kaming maniwala sa iyo, sabihin mo nga sa amin ang ginawa mo kagabi?”pahiling ni Clood kay Daven.
 
“Oo Clood, inaamin ko na may kasalanan na ako”paamin ni Daven kahit wala naman siyang kasalanan.
 
Humarap naman si Daven kay Aniel tapos humingi siya ng tawad nito.
 
“Aniel, pasensya kana kagabi kung pinagduduhan mo man ako, hindi na mauulit”pahingi ng tawad ni Daven sabay yuko sa harap ni Aniel.
 
“Daven, lalong tumatagal ay parang nawawalan na ako ng tiwala sa iyo, sa simula ka lang pala mabuti pero habang tumatagal ay parang nilalabas mo na ang tunay mong kulay”paliwanag ni Aniel.
 
Hindi naman sumagot si Daven sa paliwanag ni Aniel sa kanya. Nagpatuloy nalang sila sa paglalakbay ay hindi parin nagsasalita si Daven.
 
Nakarating narin sila sa itinurong daan ng matanda sa kanila kung kaya’y napadpad sila sa patag na lupain na may mga bulubunduking nakapaligid. Malayo palang ay kitang-kita na nila ang mga kabalyero na nagtipon-tipon na nagbabantay lang sa nakataob na espada sa lupa.
 
Marami namang mga taong sinusubukang hilahin ang espada subalit hindi naman ito nakukuha na kahit mga malalaki pa ang katawan ang humihila.
 
May dumating namang karwahe na may sakay-sakay na prinsipe na galing sa ibang kaharian. Nagulat nalang ang mga kabalyero doon nang makita nila ang prinsipe nang bumaba ito.
 
“Prinsipe!”pagulat na bigkas ng isang kabalyero.
 
Agad namang nagpakilala ang prinsipe sa mga kabalyero kung kaya’t nalaman nila ang pangalan nito.
 
“Prinsipe Eric ano po ang ginagawa niyo rito?”tanong ng mga kabalyero sa kanya.
 
“Narito ako upang bisitahin ang espada ni Haring Arthur, nais ko ring hilahin ang espada niya na nagbabakasaling ako ang itinuturing na itinakda”bigkas ni Prinsipe Eric.
 
Dahil sa sinabi ng prinsipe ay agad namang pinalayo-layo ang mga tao na malapit sa espada ni Haring Arthur para bigyan ng pagkakataon ang prinsipe na masubukan ito na hilahin.
 
Akala ng mga kabalyero na mahihila na ng prinsipe ang espada dahil sa malakas ang kutob nila subalit binigo lang sila nito, kahit ilang ulit na pwersahin ng prinsipe ang espada ay hindi parin ito gumagalaw kahit kakaunti lang. Napagod nalang ang prinsipe subalit hindi parin gumagalaw ang espada.
 
“Prinsipe, wag niyo pong pilitin! Baka mapahamak lang po kayo!”sigaw ng mga kabalyero na may kasamang pag-aalala sa Prinsipe.
 
Uminit nalang bigla ang ulo ng Prinsipe tapos agad niya sinipaan ang espada. Nang di ano-ano’y nagkaroon naman ng pagbiglang pagyanig ng lupa na ayon sa kanila ay dahil iyon sa espadang nakataob sa lupa.
 
“Ano ang nangyayari? Bakit lumilindol?”tanong ng mga tao.
 
“Siguro ito na ang resulta sa paghahawak ng mga tao sa espada ni Haring Arthur”teorya ng isang tao.
 
“Paano mo naman nasabi iyan?”tanong nila sa taong iyon.
 
“Ayon sa alamat ay darating ang panahon ay magagalit ang espada kapag sino-sino na ang humahak nito, kaya nga ang itinakda lang ang hahawak nito para isang tao lang”paliwanag ng taong iyon.
 
“Kung isinabi mo sana ang tungkol sa bagay na iyan ay maiiwasan na sana natin ito”tugon ng mga tao.
 
“Malay ko ba na totoo ang alamat, akala ko nga na haka-haka lang ang bagay na iyon”sagot niya.
 
“May alam ka ba kung paano matitigil ang paglindol?”tanong nila.
 
“Mayroon namang paraan para matigil ang paglindol”sagot niya.
 
“Ano sabihin mo na!”bigkas ng mga tao habang minamadali nila ang taong iyon.
 
“Dapat may makahila sa espada”sagot niya na ikinabigla ng mga tao.
 
“Ano!!!? Kung yan man ang paraan para matigil ang paglindol, siguradong masisira ang buong bansa!”sigaw nila habang nagsisitakbuhan sila palayo sa espada.
 
Tumakbo rin ang mga kabalyero pati narin ang prinsipe habang hindi pa lumalakas ang lindol. Alam kasi ng lahat na lalakas ang paglindol kung kaya’y lumayo-layo na sila.
 
Nasilayan naman ng mga kabalyero at nang mga tao ang paglapit ng isang batang lalaki sa espada sabay bunot nito mula sa lupa. Isang pagsinag ng araw ang bumukadkad sa kanila sabay paghinto ng paglindol.
 
“Imposible, nahablot niya ang espada”sabi ng kabalyero habang tulala silang nakatingin kay Clood.
 
“Siya ang itinakda”sabi ng isang lalaki habang nakatingin siya kay Clood.
 
Samantala, inangat naman ni Clood ang espada ni Haring Arthur. Dali-dali namang nagsilapitan ang mga tao’t kabalyero sa kanya upang siya’y purihin.
 
“Ikaw ang itinakda”sabi-sabi ng mga tao. “Bata, ikaw ang susunod na maghahari sa Pendra”dagdag ng mga tao.
 
Lumapit naman si Prinsipe Eric kay Clood tapos agad niya itong kinausap.
 
“Taga-saan ka ba?”tanong ng Prinsipe kay Clood.
 
“Isa lang po akong manlalakbay”sagot ni Clood.
 
“Ano bang pangalan mo?”tanong ng Prinsipe kay Clood.
 
“Clood”pakilala ni Clood.
 
“Clood, ako nga pala si Eric, Prinsipe Eric kaya sa ngalan ko iniimbitahan kita na pumunta sa kaharian”paalok ng Prinsipe kay Clood.
 
Tulala naman sina Daven, Aniel, Miko at Ian nang marinig nilang inimbitahan si Clood ng isang Prinsipe. Kahit nga si Clood ay tulala din dahil prinsipe pa ang bumati sa kanya.
 
“Kamahalan, hindi ko po matatanggap ang alok niyo marahil isa lang po akong ordinaryong manlalakbay”sagot ni Clood sa sinabi ng prinsipe sa kanya.
 
“Ikaw ang itinakda kaya dapat mong makilala ang hari”paliwanag ng prinsipe.
 
Wala namang nagawa si Clood kundi ang sundin ang sinabi sa kanya ng prinsipe. Hindi naman makapaniwala ang lahat ng mga tao nang masilayan talaga nila ang taong itinakda kung kaya’t tulala silang tinitigan si Clood habang papasakay ito papasok sa karwahe.
 
“Hindi ko talaga maipagkakaila na isang ordinaryong bata lang pala ang itinakda, tapos ang mabigat pa ay parang hindi yata siya tagarito”tugon ng isang lalaki.
 
Samantala, nang pasakay na sana si Clood ay agad naman niyang naalala ang apat niyang kasamahan. Hindi naman niya hinahayaan na maiiwan lang doon sa lugar na iyon ang mga ito kaya nagpakiusap siya sa prinsipe tungkol sa pagsama ng mga ito.
 
Malugod namang itinanggap ng prinsipe ang hiling ni Clood.
 
Nang makapaglakbay na sila patungo sa kaharian ay nagmakiusap naman ang prinsipe kay Clood tungkol sa paghawak nito sa espada.
 
“Clood, maari ko bang mahawakan ang espada”pahiling ng prinsipe.
 
“Prinsipe, mag-ingat po kayo”paalala ng mga kabalyero ng prinsipe.
 
Dahan-dahan namang inilagay ni Clood ang espada sa kamay ng prinsipe sapagkat agad namang nahulog sa sahig ang espada nang binitawan niya ito. Mabuti’t hindi napahamak ang prinsipe.
 
“Kahit pansamantala kung hinawakan ang espada ay masasabi kong para akong pumapasan ng malaki at matibay na bato”paliwanag ng prinsipe.
 
Kahit mga kabalyero ay sinubukan ding hawakabn ang espada subalit bigo parin sila. Sinubukan din naman nina Miko, Ian at Aniel na hawakan ang espada pero hindi parin nila naiigalaw iyon.
 
“Tama nga ang sinabi ng prinsipe na para ka talagang pumapasan ng malaki at matibay na bato na walang sinumang makakagalaw”paliwanag ni Miko.
 
“Oo nga, ang bigat”dagdag ni Ian.
 
Hindi naman sinubukan ni Daven na hawakan ang espada marahil alam rin niya ang kalalabasan kapag sinubukan niya ito.
 
Matapos ang ilang oras na paglalakbay ay nakarating narin sila sa palasyo na tahanan ni Prinsipe Eric. Tanging ang pagdating ng itinakda ng Pendra ang unang ibinalita ni Eric sa ama niya.
 
“Ama, narito na po ang itanakda”balita ng prinsipe na ikinagulat ng ama niya.
 
“Ano ang pinagsasabi mo Eric?”palinaw ng hari.
 
Agad namang naglakad palapit si Clood tapos yumuko siya sa harap ng hari.
 
“Mahal na hari, ako po ang sinasabi nilang itinakda na siyang magmamay-ari ng espada ni Haring Arthur”bigkas ni Clood.
 
“Kung totoo ang sinasabi mo, maari mo bang ipakita sa amin ang espada”utos ng hari kay Clood.
 
Ipinakita naman ni Clood ang espada tapso agad niya itong inilagay sa sahig.
 
“Mahal na hari ito po yong espada na nakataob sa lupa”bigkas ni Clood.
 
Matapos inilagay ni Clood ang espada ay inutusan naman ng hari ang mga kawal at tagabantay niya na kunin ang espada. Sa simula ay unang tao lang ang humawak nito subalit hindi iyon naigalaw kahit saglit lang. Sinundan naman ito nang limang tao, dinagdagan pa ng sampung tao hanggang sa naging limangpu subalit bigo parin sila na maigalaw ang espada.
 
“Mahal na hari, hindi po kami nagkakamali ito po yong espadang nakataob sa lupa”pakumpirma ng isang kawal sa hari.
 
“Imposible!”sigaw ng hari na may kasamang pagkabigla.
 
Hindi naman makapaniwala ang hari nang malaman talaga niya na si Clood talaga ang itinakda. Hindi naman niya lubos maisip na isang katulad lang ni Clood ang magmamay-ari sa espada ni Haring Arhur.
 
“Bata, nais kong malaman ang pangalan mo”hiling ng hari kay Clood.
 
“Clood po ang pangalan ko mahal na hari”pakilala ni Clood.
 
“Clood, nais kong magsilbi ka dito sa kaharian ko”tugon ng hari na ikinagulat hindi lang si Clood pati narin ang mga kasamahan niya.
 
Tulala naman si Aniel kay Clood nang marinig nila ang sinabi ng hari kay Clood, hindi kasi niya aakalain na magmamakiusap ang hari kay Clood. Sa katunayan ay hindi talaga sanay na tumatanggi si Clood kaya para sa kanya ay malaki ang tsansa na papayag ito.
 
“Ang sitwasyon ni Clood ngayon ay pareho sa sitwasyon noon ni Varien”bulong ni Aniel sa sarili niya.
 
Unti-unti namang naiinis si Aniel dahil pareho lang nakatitig ang mga kasamahan niya na sina Miko, Ian at Daven na walang mang boses na magpipigil sa desisyon ni Clood. Dahan-dahan naman siyang lumalapit sa tatlo tapos agad niya itong binulungan.
 
“Hoy, ano ba kayo? Hindi niyo pipigilan si Clood?”pabulong na tanong Aniel.
 
“Ano ang ibig mong sabihing Aniel?”tanong ni Miko.
 
“Yong pakiusap nang hari kay Clood baka papayag siya”sabi ni Aniel.
 
“Yong ba ang pinag-aalala mo Aniel, huwag kang mag-aalala, may tungkulin na ngayon si Clood, alam kong hindi na mababago iyon”sagot ni Ian.
 
Nagulat naman ang hari nang tinanggihan ni Clood ang pakiusap niya.
 
“Mahal na hari, isa pong malaking karangalan ang magsilbi po sa inyo subalit may tungkulin na po ako ngayon”tanggi ni Clood sa alok ng hari sa kanya.
 
“Clood, malaki ang gantimpala na ibibigay ko sa iyo”bigkas ng hari.
 
“Mahal na hari pasensya na po subalit marami pa po akong nais gawin, kaya sana mapatawad niyo po ako sa desisyon ko”sambit ni Clood sa hari.
 
Tumalikod naman bigla si Clood sabay lakad. Nang malapitan niya ang mga kasamahan niya ay agad niya itong sinabihan na aalis na sila.
 
Hindi naman inaakala ni Aniel na ganoon ang magiging desisyon ni Clood na kahit malaki ang ibibigay sa kanila ay hindi parin ito tinanggap.
 
“Clood, hindi ka ba nagsisisi sa desisyon mo?”tanong ni Aniel.
 
“Aniel, ano ba ang gusto mong mangyari? Diba ang pagsagip kay Rura ang pinunta natin rito sa bansang ito”pabiglang sabi ni Clood.
 
“Oo alam ko Clood”sabi ni Aniel.
 
“Alam mo naman pala eh! Kaya tara na maglalakbay na naman tayo”tugon ni Clood.
 
Hindi pa sila nakakalabas sa kaharian ay nabigla sila nang unti-unti nilang nararamdaman na parang may masamang mangyayari sa paligid nila.
 
“Nararamdaman niyo ba yong nararamdaman ko?”pahinang tanong ni Clood sa mga kasamahan niya.
 
“Oo Clood, nararamdaman namin”pahinang sagot nina Miko at Ian.
 
Nalito naman si Aniel sa sinasabi ng mga kasamahan niya dahil tanging siya lang roon ang hindi alam kung ano ang mangyayari sa kanila.
 
“Ano ba ang sinasabi niyo? Ano bang nararamdaman ang tinutukoy niyo?”pahinang tanong ni Aniel sa mga kasamahan niya.
 
Hindi naman sila sumagot sa tanong ni Aniel kung kaya’y patuloy lang sila sa paglalakad. Hindi nila namamalayan na pinuntirya na pala sila ng isang mamamana na nagtatago sa itaas.
 
Mabilis namang pinrotektahan ni Clood ang kanilang sarili sa pamamagitan nang paglalagay ng yelo sa kanilang paligid kung kaya’y hindi nakatama sa kanila ang isang sima.
 
“Ano ba ang gusto mong mangyari mahal na hari!?”pasigaw na tanong ni Clood sa hari.
 
“Clood, hindi ko inaakala na maproprotektahan mo ang mga kasamahan mo, ang galling mo pala!”puri ng hari sa kanya.
 
“Mahal na hari, sabihin mo sa amin ang pakay mo”utos ni Clood sa hari.
 
“Clood, hinding-hindi kita titigilan hangga’t hindi ka nagsisilbi sa akin, kaya habang nandito pa kayo sa loob ng palasyo ay hindi muna kayo makakalabas, Clood pagpipiliin kita, mamatay yong mga kasamahan mo o magsilbi ka sa akin”kondisyon ng hari kay Clood habang ang mga kabalyero’t kawal ay dahang pumapalibot kay Clood at sa mga kasamahan niya.
 
“Syempre, alam mo naman ang sagot mahal na hari, hindi ako magsisilbi sa iyo habang hindi namamatay yong mga kasamahan ko”pangiting sagot ni Clood.
 
[SLATE-tionary: Ang ama ni Prinsipe Eric ay isa sa mga pinakamalakas na mandirigma noon sa bansa ng Pendra kaya siya ang naging hari sa isang kaharian doon.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon