Makalipas ang ilang minuto ay nabigla naman sina Varien, Ian at Jack nang makita nila ang sinag ng liwanag na nanggagaling sa isang lagusan. Subalit ang lagusang iyon pala ay tinatawag na Killer Garden na sa kasalukuya’y naglalaban doon si Niela nang mag-isa lang.
“Niela, ano bang ginagawa mo diyan!?”pasigaw na tanong ni Jack dahil nakita kasi niya ito na nakaluhod sa gitna ng hardin.
“UMALIS KAYO DIYAN!!”sigaw nang malakas ni Niela habang ibinuhos niya ang kanyang lakas.
Madali namang hinila nina Ian at Varien si Jack para makatago agad ito dahil nakita kasi nila ang mga berdeng usok na nakapaligid sa kanila. Kaya nang magamit ni Niela ang kanyang kapangyarihang apoy ay doon napagtanto ng tatlo niyang kasamahan ang pagiging delikado sa lugar na iyon nang makita nila ang mga pagsabog na nangagaling sa berdeng usok.
“Ano na bang nangyari?”tanong ni Jack habang siya’y natulala sa pabiglang nangyari.
“Jack, binalaan na tayo ni Niela”paalala ni Ian.
“Ni Niela?”palinaw niya subalit nang mabigkas niya ang pangalan ay mabilis siyang tumayo upang pagmasdan niya ito. Tanging pagbagsak nalang nito ang nakita niya kaya hindi siya nag-alinlangan na lumapit kahit delikado pa ang lugar na pinasukan niya.
“JACK HUWAG KANG LUMAPIT DITO! MAPAPAHAMAK KA! NAKAKALASON ANG MGA BERDENG USOK”paalala ni Niela nang makita niyang papalapit sa kanya si Jack.
Nang bumuga ulit sa sunod na pagkakataon ang Nerium ay mabilis namang ginamit ni Jack ang kanyang kapangyarihang bato para harangan ang sarili niya na kasama ang nakatumbang si Niela.
“Ang inutil mo talaga Jack! Sabing huwag kang lumapit dito”reklamo ni Niela pero sa totoo’y masaya ang nararamdaman nito.
“Ilang oras ka na bang nakikipaglaban dito Niela?”tanong ni Jack.
“Hindi pa naman umabot sa isang oras, pero nahihirapan lang ako dahil sa nag-aagaw buhay na si Daven”paliwanag ni Niela.
“Ano ang ibig mong sabihin Niela? Ano bang nangyari sa kanya?”tanong ni Jack habang siya’y nagulat.
“Nalason si Daven”sagot ni Niela habang napaluha siyang isinabi iyon.
“Saan na si Daven ngayon?”pahinang tanong ni Jack.
“Nasa sa kwebang iyon”turo ni Niela. “Jack, pakiusap lang, tulungan niyo si Daven”pakiusap ni Niela.
Agad namang pinagmasdan ni Jack sina Ian at Varien na patuloy paring nakatago sa daraanan nila.
“IAN, VARIEN, TULUNGAN NIYO SI DAVEN!”sigaw niya habang itinuro niya ang kwebang kinahihigaan ni Daven.
Mabilis namang tumakbo sina Ian at Varien kung kaya’t nang makarating sila sa kwebang iyon ay hindi nila mapigilang magulat lalo na’t napaiyak na si Varien.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...