Hindi maipinta sa mukha ng hari ang galit na natamo niya nang marinig niya ang sinabi ni Clood sa kanya. Sinusuway kasi ni Clood ang lahat ng sinasabi na kahit nasa kanya ang kapangyarihan. Hindi naman nag-alinlangan ang hari na patumbahin si Clood kahit nasa kay Clood pa ang espada ni Arthur.
“Clood, magsisisi ka sa desisyon mo”bigkas ng hari.
Dahan-dahan namang pinapalibutan si Clood at ng mga kasamahan niya ng mga kawal sa loob ng palasyo.
“Miko, Ian, kahit anong mangyari protektahan niyo si Aniel”pabulong na paalala ni Clood sa dalawa.
Matapos nagpaalala si Clood ay inatake niya ang mga kawal na lumalapit sa kanila gamit ang espada niya na may kasamang mahikang yelo. Pinapana rin siya ng mamamana na mula sa itaas ng bahagi ng palasyo.
“Hindi ko hahayaang mamatay kaming lahat rito sa loob ng palasyo”bulong ni Clood sa sarili niya habang dahan-dahan niyang pinapatumba ang mga kawal.
Habang pinapatumba ni Clood ang mga kawal ay unti-unti namang pumapasok ang marami pang kawal sa loob na para bang walang hanggang labanan ang mangyayari. Napailing nalang si Clood nang makita niyang unti-unting dumadami ang mga kalaban niya.
“Mukhang hindi yata kami tatantanan ng haring ito”bulong ni Clood habang nakatingin siya sa ama ni Eric.
Tumulong naman sa pakikipaglaban sina Miko at Ian dahil nakikita kasi nilang nahihirapan na si Clood nang tuluyan.
“Daven, Aniel, dito lang kayo! Huwag kayong aalis dito”bilin ni Miko sa dalawa.
“Miko, Ian, mag-ingat kayo, marami ang mga kawal”alala ni Aniel.
“Aniel, huwag kang mag-alala, kami na ang bahala”sabi ni Ian.
Pinagmamasdan lang nina Aniel at Daven ang mga kasamahan nila na nakikipaglaban sa mga kawal.
Lalong tumatagal ay unti-unti namang nababagsak ang mga kawal ng hari kung kaya’t lalo itong nagagalit.
“Ama, hindi niyo po sila kayang patumbahin”sabi ni Eric sa ama niya. “Kaya nga po siya yong tinadhana na siyang maghahawak ng espada”dagdag ni Eric.
“Tumahimik ka Eric!”sigaw ng hari.
Sa sobrang galit ng hari ay agad niyang pinapasok ang mga malalakas na magic user sa palasyo na kung saa’y nagpakaba kina Miko, Ian, Aniel at Clood bigla. Sampung mga malalakas na magic user ang nagsisilbi sa hari.
“Clood, pagbabayaran mo ang ginawang pagtanggi sa alok ko, alam kong magiging libingan niyo na ang palasyong ito”patawang paalala ng hari.
“Mahal na hari, hindi mo talaga kami titigilan..”bigkas ni Clood.
“Clood, ano kaya ang mangyayari kapag namatay kayo rito, ano kaya ang mangyayari sa espada, mawawala na ba ang itinakda”paliwanag ng hari habang patuloy itong tumatawa.
Nahirapan naman si Clood sa pagdepensa sa sarili niya nang sabay-sabay umatake ang sampung mga magic user na nagsisilbi sa hari. Hindi lang ordinaryong mga magic user ang mga kalaban nila bagamat mga malalakas ito at may karanasan sa mga mahika.
Sa likuran naman ni Clood ay sina Miko at Ian na nakikipaglaban sa mga natitira pang kawal. Kahit sineryuso na ng dalawa ang kanilang pakikipaglaban ay hindi parin nila nauubos ang lahat ng mga kawal, dahil doon ay dahan-dahan na silang napapagod sa laban.
“Miko, hindi na kaya ng katawan ko ang lumaban pa”pabulong ni Ian kay Miko.
“Ian, kung susuko tayo dito ngayon, mamamatay tayong lahat”sagot ni Miko.
Pinilit naman ni Ian na lumaban subalit hindi iyon nagtagal, nagulat pa nga sina Miko, Aniel at Clood nang makita nilang napaluhod bigla si Ian sa lupa.
“IAN!”pabiglang sigaw ni Aniel.
Tutulungan pa sana ni Miko si Ian subalit nawalan na ito nang malay dahil pinatumba na ito ng mga kawal. Napaatras nalang si Miko dahil pinalibutan na siya ng mga kawal. Plano namang gamitin ni Aniel ang kanyang kapangyarihan subalit pinigilan naman siya ni Daven.
“Aniel, huwag mo ng ituloy”pigil ni Daven.
“Daven, ano ka ba? Hahayaan lang ba natin na mapahamak ang mga kasamahan natin”paliwanag ni Aniel. “Sa bagay wala ka namang pakialam”dagdag ni Aniel.
Agad namang naglakad si Daven patungo sa harap ng hari. Nakita naman niya na lalo pang nahihirapan si Clood dahil sampung mga malalakas na magic user ang kaharap nito. Wala namang miisang umatake kay Daven dahil alam kasi ng mga ito na walang intensyon si Daven na makipaglaban.
“Aniel, Clood, Miko, hindi niyo naman kailangang lumaban”bigkas ni Daven na ikinagulat ng tatlo.
“Ano ba ang pinagsasabi mo Daven? Gusto mo bang magsilbi sa haring iyan!?”pasigaw na tanong ni Clood kay Daven.
“Clood, mapapahamak lang kayo kapag nakipaglaban lang kayo”paalala ni Daven.
Nakalapit naman si Daven sa hari sa kakalakad niya at doon na nagmakiusap si Daven sa hari.
“Mahal na hari, pakiusap po ihinto niyo po ang laban”pakiusap ni Daven sa hari.
“Hoy bata! Hindi ikaw ang gustong magmakiusap sa akin, dapat si Clood”tugon ng hari.
Sinigawan naman ni Daven si Clood na itigil ang laban subalit hindi parin ito sumunod bagkus pinagalitan pa siya nito.
“Daven, ano ka ba? Gusto mo bang manatili rito sa palasyo?”tanong ni Clood.
“Clood, ano ka ba naman! Nakita mo naman ang sitwasyon niyo ngayon diba?”tugon ni Daven.
“Daven, ang traydor mo! Wala talaga akong tiwala sa iyo!”reklamo ni Clood.
“Clood, inuuna ko lang ang kapakanan niyo”tugon ni Daven.
Hindi parin nakinig si Clood sa mga paalala ni Daven kung kaya’t napatumba ito ng mga tagasilbi ng hari, pati rin si Miko ay napatumba rin ng mga kawal. Tanging sina Daven at Aniel nalang ang nakatayo.
Agad namang nagalit si Aniel kay Daven dahil sa naging resulta ng pakikipaglaban ng kanilang mga kasamahan.
“Daven, ito ba ang gusto mong mangyari? Ang traydorin kami! Ano na ang sunod mong gagawin Daven? Ang pagsilbihin kami? Patayin kami? Gamitin kami?”tanong ni Aniel habang dinakip siya ng mga kawal.
Hindi naman pinansin ni Daven ang sinabi ni Aniel sa kanya.
“Mahal na hari, bakit ganoon ang trato niyo kay Aniel, di ba wala naman siyang ginawa kanina diba”sabi ni Daven.
“Kasama siya sa nagsuway sa akin kaya kasali rin siya sa mapaparusahan ko”tugon ng hari kay Daven. “Dalhin niyo siya sa kulungan!”sigaw ng hari sa mga kawal na hawak-hawak si Aniel.
Nainis naman si Daven sa naging ugali ng hari sa kanya, nang makalabas na sa palasyo si Aniel na iyak na iyak ay doon na ipinakita ni Daven ang tunay na kulay niya sa hari. Habang nakatitig ang hari kay Daven ay nagulat ito nang dahan-dahan nitong naramdaman ang pag-iba nang kanyang pakiramdam.
“Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba”bulong ng hari.
Tatayo na sana ang hari subalit nagulat siya nang hindi niya maramdaman ang katawan niya, hindi na niya maigalaw ang kanyang paa, kamay at kahit anong parte ng katawan na tila ba na siya’y naparalisa.
“Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong sakit diba?”tanong ng hari sa kanyang sarili.
Nagulat nalang siya habang ang mga katawan niya’y gumalaw nang nagsalita si Daven.
“Mahal na hari, mas mabuti pong pakawalan niyo si Aniel”sabi ni Daven.
“Huh? Bata! Nagpapatawa ka ba!? Ano ba ang kapalit mo sa paglaya sa kanya?”tanong ng hari kay Daven.
Nagtawanan naman ang mga kawal at tagasilbing magic user ng hari dahil para kasing nagbibiro si Daven sa sinasabi niya.
“Ano ka ba bata! Mukhang madali lang sa iyo ang pinagsasabi mo!”sabi ng mga kawal sabay tawanan.
“Bata! Kasalanan mo kung bakit nagkaganyan ang mga kasamahan mo! Kung nakipaglaban ka sa amin ay hindi sana ganito ang aabutin mo”dagdag ng mga kawal. “DUWAG KA PALA EH! KAYA PALA AYAW MONG MAKIPAGLABAN SA AMIN! DUWAG KA PALA! TAKOT KANG MAPAHAMAK!”sigaw nila kay Daven sabay tawanan.
Habang nagtatawanan ang lahat ay may nararamdaman naman ang hari kay Daven. Hindi lang sinasabi ng hari marahil natatakot siya sa mangyayari. Hinahayaan lang niya ang mga kawal at tagasilbi niya habang siya’y seryusong nakatitig kay Daven.
“Mahal na hari, pakiusap po, pakawalan niyo po si Aniel”pakiusap ni Daven sabay tawanan ng lahat maliban sa hari.
Kahit natatakot na ang hari kay Daven ay pinilit parin nitong maging matatag para hindi makita ng mga silbi niya na siya’y natatakot.
“Bata, kapag sinabing hindi ko pakakawalan ang babae, ano ang gagawin mo?”lakas na loob na binigkas ng hari.
“Kung yan may sasabihin mo mahal na hari, wala akong magagawa...”tugon ni Daven habang seryuso siyang nakatitig sa hari.
Nang tumitig ang hari sa mata ni Daven ay doon niya nakita ang tunay na kulay ni Daven na may kasamang demonyong nagtatago sa loob nito. Nakita rin niya ang mga galit, poot, desesperasyon at kamatayan na siyang maghahatid sa kanila sa kapahamakan kapag ito’y ginalit. Napa-ihi ang hari nang hindi inaano ni Daven kung kaya’y nagulat si Eric, anak ng hari nang makita ang sitwasyon niya.
“Ama, ama, ano po ang nangyayari sa inyo? Ayus lang po ba kayo?”tanong ni Eric na may kasamang pag-alala.
“E-E-Eric, paalisin niyo na ang batang iyan pati na ang babaeng kasama nila, isama niyo narin si Clood at dalawa pang walang malay na kasamahan niya”pabiglang desisyon ng hari na ikinagulat ng lahat.
“Ama, seryuso po ba kayo sa desisyon niyo?”palinaw ni Eric sa ama niya.
“Ano ka ba? Kailan pa ba ako nagbibiro sa sinasabi ko, kapag nakapagdesisyon na ako yon na talaga iyon!”sigaw ng hari.
Dali-dali naman nilang pinaalis si Daven sa loob ng palasyo samantalang ginagamot naman sina Clood, Miko at Ian.
Samantala, ang iiyak-iyak na si Aniel ay nagulat nang tinrato siya bigla ng mga kawal na parang isang importanteng bisita. Hindi niya alam kung paapano pero ang sumunod na nangyari ay dinala sila sa isang tahimik na lugar kasama sina Clood, Miko at Ian na mayroon nang malay.
“Aniel, ano bang nangyari?”tanong ni Clood.
“Hindi ko alam Clood, ang huling alam ko lang ay kinuha ako ng mga kawal”sagot ni Aniel.
“Si Daven, saan si Daven?”tanong ni Ian.
“Yong gagong iyon!! Ang traydor!”sabi ni Clood.
“Ngayon hindi ko na talaga gusto si Daven ngayon”tugon ni Miko.
“Sinabi mo pa”dagdan ni Aniel.
“Ano na ngayon? Ano na ang gagawin natin?”tanong ni Ian. “Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari, pero parang may mali talagang nagawa si Daven”tugon ni Ian.
“Hindi parang, may mali talaga Ian”reklamo ni Miko.
Aalis na sana sila subalit nabigla sila nang biglang dumating si Daven na parang walang pakialam sa nangyayari, pangiti-ngiti pa si Daven sa kanila.
“Ayus lang ba kayo?”tanong ni Daven sa mga kasamahan niya na may kasamang pag-aalala.
“Buti’t nakabalik ka pa rito Daven”bigkas ni Clood.
“Syempre ako pa”patawang bigkas ni Daven.
“Daven, bakit ang tagal mo, ano pa ba ang ginagawa mo kanina doon sa loob?”tanong ni Ian.
“Pasensya na kayo, nagbanyo pa kasi ako”sagot ni Daven.
“Tara na! Maglakbay na tayo”sabi ni Clood.
“Clood, saan na tayo pupunta ngayon?”tanong ni Ian.
“Basta magpatuloy lang tayo sa paglalakbay”sagot ni Clood.
Naglakbay na sila nang hindi nalalaman ang mga nangyari sa kanila. Sa ngayon ay parehong walang kibo, tulala at nanginginig ang katawan ng mga kawal, tagasilbing magic user, mga mamamana ng hari at lahat ng mga tao sa palasyo nang tinuruan sila ng leksyon ni Daven. Hindi nga sila pisikal na tinuruan ng lekyon bagamat trauma naman silang lahat.
“Pangiti-ngiti lang ang batang iyon pero sa loob ay may natatago siyang kademonyohan”tugon ng hari habang tinutukoy niya ang walang iba kundi si Daven.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, sa abandonadong bayan kung saan naroon si Golith ang pinuno ng piratang dumukot kay Rura. Marami na silang nakuhang mga bata at babae na ikinulong nila, ang buong bayan din ay pinalilibutan rin ng mga kasamahan ni Golith.
Nakita naman ni Rura ang sitwasyon niya at ilang araw na niyang pinag-aaralan ang pagtakas.
“Konting-tiis nalang ay makakaalis narin ako rito”bulong ni Rura sa sarili niya.
May pagkakataon namang makakatakas siya subalit hindi iyon natutuloy dahil may mga bata at ibang babae pa ang naroon sa abandonadong bayan, gusto kasi niya itong tulungan na makatakas din.
“Clood, naghihintay ako sa pagpunta mo rito”bulong ni Rura.
[SLATE-tionary: Nang mawalan ng malay si Clood dahil sa pakikipaglaban ay nahulog ang kanyang espada. Kinuha naman niya ito nang siya’y unti-unting nagkamalay.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...