Hindi naman inaakala ng bata na lalo na palang lumalaki ang ahas na naninirahan sa templo kaya ang pagdra-drama niya ay napalitan ng pagseryuso sapagkat buhay na niya ang nakataya. Unti-unti naman siyang umaatras para makatakas subalit pinapalibutan na sila ng malaking ahas.
“Bata, akala ko ba na ligtas ang lugar na ito pero bakit may halimaw dito?”tanong ni Clood.
“Hindi ko po alam na may malaking ahas po dito”sabi ng bata habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha.
“Bata, kung araw-araw ka namang pumupunta dito bakit di mo alam na may malaking ahas dito, diba sabi mo nagdadasal ka dito?”palinaw ni Jack.
“Inaamin ko na po nagsisinungaling po ako tungkol sa templong ito, tapos sasabihin ko rin po na sinadya ko pong pumunta sa delikadong lugar upang kayo’y ipahamak”paamin ng bata.
“Kaya pala, pero bakit mo naman iyon ginagawa sa amin?”tanong ni Aniel.
“Bilin po iyon sa kataas-taasan namin na kailanma’y hindi magpapasok na ibang tao sa islang ito, at kung mayroon man ay dapat na iligaw o ipahamak”paliwanag ng bata.
“Mabuti naman at umamin ka na bata”sabi ni Daven habang dahan-dahan siyang pumunta sa templo upang umupo sa upuan doon kahit may malaki pang ahas doon.
Nanginig nalang sa takot ang bata dahil sa ginawang kagaguhan ni Daven.
“Kuya, huwag po kayong lumapit diyan baka po matuklaw po kayo, hindi lang po makapangyarihan ang ahas na iyan, makamandag din po!”sigaw ng bata habang pinaalalahanan niya si Daven.
“Bata wala naman akong ginagawang masama, nagpapahinga lang naman ako dito”sagot ni Daven habang walang takot na tinabihan ang malaking ahas.
Dumagundong naman bigla ang ahas na may kasamang paglindol kaya gulat na gulat nalang ang bata nang makita niyang bigla itong umatake sa likuran ni Daven.
Alam na alam naman ni Daven na aatake ang ahas sa kanya pero hindi parin siya kumikilos.
“Ano bang iniisip niya? Bakit hindi siya umalis diyan?”tanong ng bata habang siya’y nagtataka.
Nakaupo lang si Daven dahil alam niyang aatake sina Jack, Ian at Clood sa ahas, ginamit ng tatlo ang kanilang mga kapangyarihan upang itama ito sa katawan ng ahas. Sa pangyayaring iyon ay doon naman bumilid ang bata sa tatlong kasamahan ni Daven dahil nagawa nitong mapigilan ang pag-atake ng ahas.
Sunod namang umatake sina Aniel at Varien gamit din ang kani-kanilang kapangyarihan na kung saa’y napatumba nila ang ahas.
“Pati pa ang mga babae nilang kasamahan ay malalakas din”bulong ng bata habang hindi makapaniwala sa nakita niya.
At nang matumba na ang malaking ahas ay doon na lumapit si Neila tapos binanatan niya ng mga atake ito habang ang kamay niya’y nagbabaga sa apoy.
“Hindi mo kami kaya! Kaya huwag mo kaming takutin!”sigaw ni Niela.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...