Chapter 29: The Dark Crow

63 16 7
                                    

Dark Crow ang isa sa mga grupo ng mga bandido sa Pendra na kinatatakutan ng mga tao dahil sa marahas ang mga ito at malakas pa. Pinangungunahan naman ni Victor ang grupong Dark Crow.
 
Sa ngayon ay pinagmamasdan ng grupong Dark Crow sina Clood, Aniel, Miko, Ian at Daven na naglalakbay na mula sa maliit at mahirap na bayan.
 
“Pinuno, mag-ingat lang tayo sa isang iyan, alam naman natin na malakas na magic user ang batang iyan”paalala ng isang lalaki habang nakaturo ang daliri niya kay Clood.
 
“Pati rin ang dalawang kasamahan ng batang iyon na parehong mga lalaki, malakas-lakas din sila”sabi ng isang lalaki habang tinutukoy sina Miko at Ian.
 
“Huwag kayong mag-alala, alam ko namang wala silang kalaban-laban sa atin, kung pinatumba nila ang ibang grupo ng bandido, pwes! Tayo hindi! Iba tayo sa ibang grupo”tugon ni Victor sa mga kasamahan niya.
 
Samantala, nagpatuloy naman sa paglalakad sina Clood at nang mga kasamahan niya hanggang sa unti-unti nang dumidilim ang paligid. Nagtaka naman si Clood dahil dumidilim na ang paligid at wala pa silang matutuluyan na paglilipasan ng gabi.
 
Nakahanap naman sila ng isang malaki na bahay subalit sira-sira na ito tapos inabandona narin ito dahil sa pagpasok nila ay wala namang mga dekorasyon na nakalagay sa ding-ding at mga gamit.
 
“Tao po, may nakatira po ba rito?”pahinang sigaw ni Clood na nagbabakasaling may naninirahan doon.
 
“Clood, nakakatakot naman pumasok rito”sabi ni Aniel habang nanginginig ang katawan niya sa lamig ng hangin sa loob ng malaking bahay.
 
“Baka may multo dito, kaya inabandona ang bahay na ito”teorya ni Miko.
 
“Hindi talaga ako makatulog kapag may multo, alam niyo namang nakakatakot ang mga multo”bigkas ni Ian.
 
“Ano ba kayo! walang multo! Hindi totoo ang mga multo! Kathang-isip lang ang mga iyon!”pasigaw ni bigkas ni Daven habang inunahan niya ang pagpasok sa loob ng malaking bahay.
 
Napahanga nalang sina Aniel, Miko at Ian kay Daven dahil sa tapang nito subalit nagulat nalang at napasigaw nalang bigla si Daven nang marinig nila ang pagbasag ng isang bagay.
 
“Daven, alam mo namang hindi totoo yong multo, sige nga puntahan mo nga yong narinig natin na may pagbasag”pahamon ni Clood kay Daven.
 
“Clood, hindi naman talaga sa lahat ng bagay ay kailangan talagang puntahan ang isang lugar sa-“sabi ni Daven subalit napahinto siya nang magsalita si Aniel.
 
“Daven pakiusap, puntahan mo iyon”paawa ni Aniel sa harap ni Daven.
 
Hindi naman nakatanggi si Daven dahil kay Aniel, ayaw niya kasing maputol ang tiwala nito sa kanya.
 
“Alang-alang sa iyo Aniel, gagawin ko ang lahat”bulong ni Daven sa sarili niya habang dahan-dahan siyang naglalakad papasok pa sa kinaroroonan nang pagbasag.
 
Madilim ang paligid kung kaya’t dahan-dahang naglalakad si Daven, nang makapasok siya sa isang kwarto ay agad namang dumaan ang isang pusa na ikinabigla niya nang lubusan.
 
Nawala naman ang takot nina Aniel, Miko at Ian nang malaman nilang pusa lang pala iyon. Nang nilapitan nila si Daven ay nakita naman nila na ang labi nito ay namumutla.
 
"Daven, may ilaw na tayo salamat sa iyo”patawang bigkas ni Clood habang nakita niya ang ilaw na nasa gilid lang pala ni Daven.
 
Nang magkailaw na sila ay nilibot nila ang buong bahay. Nakakita sila ng maraming kwarto, nakakita rin sila ng kusina na may mga pagkain na nakatambak sa kabinet.
 
“May mga pagkain dito sa kabinet”sabi ni Miko.
 
“Hindi pa ba panis yan?”tanong ni Clood.
 
Sinubukan namang tikman ni Miko ang mga pagkain at nalaman niya na ayus pa ang mga lagay ng mga ito. Ang mga pagkaing nakita nila ay ginawa nilang hapunan.
 
Nang mabusog na sila ay kanya-kanya naman silang naghanap nang kwartong mahihigaan, kahit hindi pa nila gaanong alam ang buong bahay ay hindi naman nila iyon pinansin dahil wala naman silang ibang matutuluyan.
 
Unti-unti na ngang naiinis si Aniel dahil limang minuto na siyang nag-iikot at hindi makapagpili ng isang kwarto. Sunod-sunod kasi si Daven kay Aniel, kung saan kasi matutulog si Aniel ay gusto niya na tabi sila ng kwarto.
 
“Daven, ang dami-daming kwarto rito tapos bakit ka sunod ng sunod sa akin?”tanong ni Aniel.
 
“Aniel, alam kong takot ka sa multo kaya pro-protektahan kita”bigkas ni Daven.
 
“Daven, alam kong takot ako sa multo pero mas natatakot ako sa iyo, kailanma’y hindi ako tatabi sa iyo!”reklamo ni Aniel.
 
“Aniel, hindi naman kailangan na tatabihan kita sa higaan mo, kahit magkatabi lang tayo ng kwarto ay ayus na”pangiting bigkas ni Daven.
 
Seryuso naman ang pagkatitig ni Aniel kay Daven na parang istalker niya.
 
“Daven, natatakot na ako sa iyo”bigkas ni Aniel.
 
Dahil kay Daven ay lumipat naman ng kwarto sina Clood, Miko at Ian na kung saa'y magkatabi ito sa kwarto ni Aniel.
 
Harap-harapan namang pinagsabihan ni Clood si Daven tungkol sa naging ugali nito.
 
“Daven, dahil tanging si Aniel lang ang kasamahan nating babae ay ganyan na ang ugali mo, pagsasamantalahan mo na siya”paliwanag ni Clood.
 
“Clood, hindi naman ako ganyang tao, grabe naman yong pagsasamantalahan na”reklamo ni Daven.
 
“Grabe? Ang ibig mong sabihin ay nag-iisip ka talaga nang masama kay Aniel, plano mong silipin siya sa kwarto niya, pasukin, tapos halayin”paliwanag ni Clood na ikinagulat ni Daven.
 
“Clood, yan na ba talaga ang tingin niyo sa akin, kahit ganito lang ako ay mabait ako na tao”bigkas ni Daven.
 
Hindi naman nakapagsalita pa si Clood kaya diretso na siya sa kwarto niya para makapagpahinga at tanging si Daven lang naiwan doon sa labas ng mga kwarto.
 
Nakatulala naman si Daven dahil ang pinangarap niyang makasama si Aniel nang silang dalawa ay hindi na mangyayari.
 
Malayo-layo rin ang distansya ng kwarto ni Daven sa kwarto ni Aniel. Sa gabing iyon ay hindi naman nakatulog si Daven dahil sa pag-iisip.
 
Nang naghating gabi na ay doon na dahan-dahang lumusob ang grupo ng mga bandido na kung tawagin ay Dark Crow.
 
“Aatakehin na natin ngayon ang malaking bahay na tinutuluyan ng mga batang iyon, alam kong tulog na sila oras na ito”patawang bigkas ni Victor ang pinuno ng Dark Crow.
 
Nagtatawanan naman ang mga bandido habang sila’y naglalakad palapit sa bahay subalit nabigla naman sila nang makita nila si Daven na parang may gagawin sa labas ng bahay.
 
“Magandang-gabi sa inyo”bati ni Daven sa mga bandido. “Kayo po ba ang nagmamay-ari sa bahay na ito?”tanong ni Daven sa mga bandido.
 
Hindi naman nakapagsagot agad ang mga bandido sa tanong ni Daven subalit nakapagsagot naman si Victor.
 
“Oo bata, kami nga ang nagmamay-ari sa bahay na iyan”sagot ni Victor.
 
“Ganoon ho ba, nagpapaki-usap po ako sa inyo na payagan niyo kaming manatili rito kahit isang gabi lang”pakiusap ni Daven kay Victor.
 
“Kung sasabihin kong hindi pwede bata, anong gagawin mo?”tanong ni Victor.
 
“Sa ayaw  niyo’t sa hindi ay mananatili parin kami rito sapagkat nakatulog na kasi yong mga kasamahan ko”sabi ni Daven.
 
Natitigasan naman sila ng ulo kay Daven. Pagkatapos ay serysuso naman silang lahat na nakatitig kay Daven.
 
“Kilala niyo ba siya?”tanong ng isang bandido.
 
“Kasamahan siya yong grupo na tumulong kanina sa isang bayan”sagot ng isa pang bandido.
 
“Bakit hindi ko siya nakita noong naglalaban sila kanina?”tanong ng isang bandido.
 
“Hindi ko alam”sagot ng isang bandido.
 
"Nandoon siya kanina hindi niyo lang napansin kasi nakatayo siya habang ang mga kasamahan niya’y nakikipaglaban sa mga bandido”paliwanag ni Victor.
 
"Ah siya pala yong duwag”bigkas ng isang bandido habang nagtawanan ang lahat.
 
“Hindi ako duwag ah sadyang malakas lang ang mga kasamahan ko”bigkas ni Daven sa mga bandido.
 
“Eh ganoon ba! Ang ibig mong sabihin ay mas malakas ka pa kaysa sa mga kasamahan mo, yan ba ang gusto mong ipahiwatig?”palinaw ni Victor kay Daven.
 
“Sa hindi pagyayabang ay mas magaling at malakas pa ako kaysa sa mga kasamahan ko”taas-noong sinabi ni Daven.
 
Nagsitawanan ulit ang mag bandido kasama na doon si Victor.
 
“Nakakatawa ka bata”puri ni Victor.
 
Wala namang nagawa si Daven kundi pagmasdan ang mga bandido na tumatawa sa kanya, makalipas ang ilang minuto ay agad namang umiba ang ihip ng hangin na kung saa’y umiba ang ugali ni Victor kasama ang grupo nito.
 
“Bata, tama na ang biruan at isuko mo na sa amin ang mga kasamahan mo”panakot ni Victor kay Daven habang nakatutuk ang espada nito.
 
“Ano na ba ang nakain niyo bakit umiba ang ugali niyo, kanina tumatawa kayo ngayon ay seryuso na”sabi ni Daven.
 
“Bata, tapos na ang maliligayang oras mo kung kaya’y oras na ngayon para ika’y matakot”paalala ni Victor.
 
“Eh! Ganoon ba, oras na para matakot? Kanina pa nga ako natatakot”sabi ni Daven.
 
“Naiinitindihan namin na natatakot ka sa amin kanina”sagot ni Victor.
 
“Hindi yan ang ibig kong sabihin, kailanma’y hindi ako natakot sa inyo, sa bahay na ito talaga ako natakot sa pagpasok namin kanina”kwento ni Daven.
 
Nainsulto naman si Victor kasama ang grupo niya dahil sa sinabi ni Daven na kailanma’y hindi ito natakot sa kanila. Pinalibutan naman nila si Daven habang dala-dala nila ang kanilang mga espada.
 
“Bata, pagbabayaran mo ang sinabi mo sa amin”bigkas ng isang bandido.
 
Inatake naman ng isang bandido si Daven na akala nilay mapapatumba nila ito nang isang tao lang. Hindi nila inaaakala na mapipigilan ni Daven ang espada ng bandido gamit lang isang daliri ni Daven.
 
“Mukhang hindi yata nagbibiro ang batang ito”bulong ni Victor matapos makita ang pagpigil ni Daven sa atake ng isang kasamahan niya.
 
Inatake naman nila ulit si Daven sa pangalawang pagkakataon subalit bigo parin nila itong mapatumba. Kahit na pinagtulung-tulungan na nila ito ay hindi parin nila nakakayanan ang lakas ni Daven.
 
Napapa-atras nalang ang mga kasamahan ni Victor dahil hindi parin nila napapatumba si Daven.
 
“Pinuno, hindi po natin siya kaya!”reklamo ng kasamahan ni Victor.
 
“Minaliit natin ang kakayahan ng batang iyan, hindi pala siya nagbibiro sa sinasabi niya na mas magaling at malakas pa siya sa mga kasamahan niya”tugon ni Victor.
 
“Pinuno, ano na po ang gagawin natin?”tanong nila kay Victor.
 
“May paraan pa tayo para mapatumba natin ang batang iyan, kaya nga tayo ang tinaguriang pinakamarahas at pinakadelikadong bandido sa bansa ng Pendra”sambit ni Victor habang pinalabas niya ang malakas niyang mahika.
 
Dahil sa kapangyarihan ni Victor ay lalo namang umaatras ang mga kasamahan niya na baka madamay pa sila.
 
“Pinuno, baka masira yong malaking bahay natin, wala na tayong matutuluyan”alala ng isa niyang kasamahan.
 
“Huwag kayong mag-aalala, maghahanap ulit tayo ng bagong matutuluyan natin”bigkas ni Victor habang itinapon niya ang malakas na mahika niya patungo kay Daven.
 
Akala nang lahat na mamamatay si Daven sa pag-atake ni Victor subalit nakatayo lang ito habang hinarap ang mahika niya.
 
“Imposible, walang nangyari sa kanya kahit isang galos man lang”sabi ng isang bandido.
 
“Gaano ba talaga kalakas ang batang ito”bulong ni Victor habang siya naman ang umaatras dahil sa takot.
 
Hindi parin sila makapaniwala sa nangyari, natatakot na nga sila kay Daven kahit wala naman itong ginagawa sa kanila.
 
“Tapus na ba kayo?”tanong ni Daven na ikinabigla ng mga bandido.
 
“Bata wag kang mayabang hindi pa nagtatapus ang mga pag-atake namin”sagot ni Victor.
 
Hindi naman hinayaan ni Daven na umatake pa sa kanya ang mga bandido kaya umatake rin siya. Wala namang nagawa ang mga kalaban niya kundi madapa nalang dahil sa hindi makayanan na atake niya.
 
Kitang-kita ng lahat ang seryusong mukha ni Daven. Napapaihi nalang sila sa takot na baka sila’y patayin nito.
 
“BATA PATAWARIN MO KAMI! HINDI NA MAUULIT!”sigaw ni Victor habang nagmamakaawa siya sa harap ni Daven.
 
“Tandaan niyo, kung gagalawin niyo ang mga kasamahan ko, lalo na yong babaeng kasamahan ko na si Aniel, Tandaan niyo pagpipirasuhin ko kayo”paalala ni Daven sa mga bandido lalo na kay Victor.
 
Mabilis namang nagsitakbuhan si Victor kasama ang grupo niyang bandido. Takot-takot na kasi sila na ngayon palang nila naramdaman. Kahit madami na silang pinagdaanan na digmaan at labanan tanging si Daven lang ang nagpatakot sa kanila.
 
“Ayoko nang makita ang batang iyon!”sigaw nila habang mabilis silang nagtatakbuhan palayo kay Daven.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, nang makaalis na ang mga bandido ay pumasok naman si Daven sa malaking bahay para makapagpahinga na. Eksaktong palabas naman galing banyo si Aniel na kung saa’y nagkasalubong sila.
 
“Daven, huwag mong sabihing naninilip ka”hinala ni Aniel.
 
“Hindi Aniel, galing ako sa labas nagpapahangin lang, kakapasok ko lang rito”sagot ni Daven.
 
“Huwag ka ng magmaang-maangan pa Daven”tugon ni Daven.
 
Dahil sa maling akala ay magdamag na nakakulong si Daven sa kwarto nito.
 

[SLATE-tionary: Ang pagdating ng Dark Crow ay alam ni Daven. Alam din ni Daven na puntirya ng grupo si Aniel kaya ginawa niya ang lahat para lang walang mangyari kay Aniel.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon