Chapter 51: The Story of Lucas and Leia

54 11 2
                                    

Ilang dekada ang nakakaraan sa isang munting isla na matatagpuan sa kontinenteng Islandarea kung saa'y naninirahan nang payapa ang batang si Leia. Isang masayahing bata si Leia at palakaibigan pa kaya hindi na bago kung marami mang makakilala sa kanyang mga tao.

"Leia, maglaro tayo"paalok ng mga kaibigan niya.

Hindi naman tumatanggi si Leia kaya halos araw-araw nalang ay laging sinasamahan ni Leia ang mga kaibigan niya na maglaro, at mamasyal sa kahit anong lugar man sila mapunta. At sa kagandahan din niya'y hindi mapipigilan ng mga lalaki niyang kaibigan na magkagusto sa kanya at isa na doon si Lucas na malaki talaga ang paghahanga sa kanya.

Hindi pa sakto ang edad ni Leia para magkaroon nang isang nobyo kaya hindi pa niya sinasagot ang mga panliligaw ng mga umaakyat ligaw sa kanya.

Lumipas ang mga taon ay lalo namang gumaganda lalo si Leia kaya kahit labing-walong gulang na siya'y hindi parin niya pinapayagan ang sarili niyang magkanobyo. Lingid man sa kanyang kaisipan na may isa palang taong nag-aalala sa kanya nang tuluyan.

"Leia, matagal ko nang tinatago itong nararamdaman ko marahil naghihintay ako nang takdang panahon para sabihin sayo ito"paseryusong sabi ni Lucas kay Leia.

Nabigla naman si Leia sa pagging seryuso ni Lucas sa kanya. Hindi kasi niya inaakala na magtatapat ito sa kanya kahit matalik pa silang magkaibigan.

"Leia, gusto kita kaya nais kitang makasama habang buhay"tapat ni Lucas na parang gusto niyang maging kasintahan si Leia.

Hindi naman agad nakapagsalita si Leia sa pabiglang pagtapat ni Lucas sa kanya. Pero kahit kilala na niya nang lubusan si Lucas ay hindi parin niya ito tinanggap.

"Lucas, pasensya ka na, pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sa iyo"sagot ni Leia.

Imbes na malulungkot si Lucas ay ngumiti lang ito sa naging reaksyon niya sa pagsagot ni Leia kanya.

"Leia, alam ko namang hindi mo ako gusto kaya imposible mo akong sagutin"bigkas ni Lucas. "Alam kong may nagugustuhan ka sa kaibigan natin"dugtong ni Lucas.

"Lucas, tulungan mo akong mapalapit kay Eric"pakiusap ni Leia habang namumula siyang nakaharap kay Lucas.

"Leia, gagawin ko ang lahat para sumaya ka kaya tutulungan kita"pangiting sagot ni Lucas kahit nililihim lang niya ang kirot sa dibdib niya.

Unti-unti namang nagkakalapit ang loob ni Leia kay Eric dahil sa ginagawa ni Lucas. May pagkakataon pa ngang makakalimutan niya na may tao palang tumutulong sa kanya na nag-aalala sa kanya nang tunay.

Minsan may napatanong ang mga kaibigan niyang babae tungkol sa relasyon nila kay Lucas dahil lagi kasi nilang makikita na magkasama ang dalawa.

"Leia, huwag kang magagalit sa tanong ko ah! May relasyon ba kayo ni Lucas?"tanong ng mga kaibigan niyang babae sa kanya na madali namang niyang itinanggi.

"Ano ba kayo!? Magkaibigan lang kami ni Lucas"tanggi ni Leia. "Bakit niyo naman naitanong iyan?"tanong niya sa mga kaibigan niya.

"Lagi kasi kayong magkasama"sagot ng mga kaibigan niya.

"Yon lang pala ang inaalala niyo, kaibigan ko lang si Lucas, walang malisya"patawang sagot ni Leia sa mga kaibigan na nagtatawanan.

Kahit naririnig ni Lucas ang pag-uusap na iyon ay hindi nalang niya iyon pinansin marahil taga-tulong lang naman siya ni Leia.

"Wala naman akong karapatan na pigilan at pagsabihan siya"bulong ni Lucas sa sarili niya.

Kahit may dumating man na problema ay hindi naman mawawala sa tabi ni Leia si Lucas. Kahit umiiyak siya'y si Lucas ang tagapunas nang kanyang luha. Sa tuwing may pag-aaway at hindi pagkakaintindihan sila ni Eric ay lagi namang nagpapalambot ng damdamin si Lucas sa kanya. Pero kailanma'y hindi siya nagkagusto nito kahit marami na itong naitulong sa kanya.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon