Nagsimula namang maglakbay ang barko na mula sa isla ng Tropico sa pangunguna ni Jack kasama ang mga kaibigan niyang sina Chit, Clood, Aniel at Niela tapos kasama din niya sina Miko at Ian na silang gagabay sa kanila sa paglalakbay.
Habang malayo pa ang kanilang lalakbayin ay nag-utos naman si Jack sa mga kasamahan niya na magsanay muna.
“Kung ganoon, habang malayo pa ang lalabayin natin, magsanay muna tayo para mapaghandaan natin ang mga haharang sa atin”utos ni Jack sa mga kasamahan niya.
Isa namang mandirigma sina Jack, Clood at Niela sa isla nila na kung saa’y tinuturuan sila ng mga kababayan nila na humawak ng espada at sa pagpapalakas na paggamit ng kanilang mahika. Tapos nagsasanay naman si Aniel ng pana at nag-aaral naman ng mga mahika si Chit. Sa ngayon ay abala naman sila sa kanilang pagsasanay.
Mag-isa namang naghahampas ng espada si Niela sa isang balkonahe ng barko. Pawis na pawis na siya tapos humihingal na siya. Agad namang lumapit si Jack na katatapus niya lang ding magsanay.
“Niela, mukhang ilang minuto ka lang diyang nagsasanay tapos napapagod ka na”patawang bigkas ni Jack na parang nagyayabang siya.
“Tumahimik ka nga Jack, atupagin mo ang sarili mo wag ang ibang tao”paalala ni Niela habang patuloy siya sa kanyang pagsasanay.
“Niela, may karapatan akong pagsabihan kayo dahil nakakalimutan mo ba na ako ang kapitan ng barkong ito”bigkas ni Jack na parang hinahangaan niya ang sarili niya.
Napatingin naman si Niela kay Jack na parang nandidiri siya.
“Jack, porket ikaw na ang kapitan ng barkong ito, hindi ibig sabihin na ikaw na ang pinakamalakas rito”paalala ni Niela na parang iniinsulto niya si Jack.
“Ano ang sabi mo Niela?”palinaw ni Jack dahil gusto niyang ipaulit ang sinabi ni Niela sa kanya.
“Jack, wag kang aasta na ikaw ang pinakamalakas sa barkong ito”tugon ni Niela.
Nainis naman si Jack sa sinabi ni Niela sa kanya.
“Ano ang gusto mong mangyari Niela, gusto mo bang magtuus tayo?”pahamon ni Jack.
“Jack, kahit babae lang ako! Kaya parin kitang labanan sa isang duwelo”bigkas ni Niela na parang hinahamon niya talaga si Jack.
“Oh! Ganoon ba! Sige nga, atakehin mo nga ako”pahamon ni Jack kay Niela.
Akala ni Jack na mahina lang si Niela subalit nagsisi naman siya sa sinabi niya nang biglang nasunog ang pang-itaas na damit niya. Hindi kasi niya inaakala na gagamitin ni Niela ang mahika nito na apoy kaya nasunog ang damit niya.
“Niela, sino ba namang nagsabing gagamit ka ng mahika?”reklamo ni Jack habang tinatakpan niya ang katawan niya sa kahihiyan.
“Jack, tapos sino ba namang nagsabing espada lang ang gagamitin?”tugon ni Niela habang tinatawanan niya si Jack.
Habang patuloy na tinatawanan ni Niela si Jack ay bigla napadaan si Chit sa kanilang dalawa kaya nang tumingin si Chit ay agad namang namula ang mukha ni Jack dahil parang nahiya kasi siya sa sarili niya na walang pang-itaas na damit.
“Mukhang nagkakasiyahan yata kayong dalawa diyan”pangiting bigkas ni Chit.
“Chit, nagkakamali ka sa nakita mo! Naglaban kami ni Niela!”paliwanag ni Jack.
“Eh! naglaban? Bakit hubad yong damit mo?”patawang bigkas ni Chit habang siya’y nagmamadaling umalis dahil hindi kasi niya gustong isturbuhin ang dalawa.
Pagkatapos umalis ni Chit ay agad namang napaluhod si Jack na parang hindi na niya gustong mabuhay sa mundo.
“Jack, anong problema mo? Ba’t ka nagkaganyan?”tanong ni Niela habang tinititigan at iniisip ang posibilidad na nangyari kay Jack. “Jack, wag mong sabihing may gusto ka kay Chit”pabiglang sabi ni Niela na ikinagulat ni Jack.
“Hindi ah! Nahihiya lang ako dahil nakita ni Chit na hubad ang pang-itaas na damit ko”tugon ni Jack habang nagmamadali siyang tumayo.
“Eh! nahihiya talaga? Jack alam kong may gusto ka kay Chit”tugon ni Niela habang tinutukso niya si Jack.
“Hindi ah!”paiwas ni Jack.
“Sasabihin ko mamaya kay Chit na may gusto ka sa kanya”patawa ni Niela habang dahan-dahan siyang umalis.
“HUWAGGGG!”sigaw ng malakas ni Jack. “Niela, pakiusap lang, gagawin ko ang lahat basta wag mo lang sabihin na may gusto ako sa kanya”pakiusap ni Jack.
“Totoo talaga na may gusto ka kay Chit”sabi ni Niela.
“Oo na inaamin ko na, pero Niela pakiusap lang wag mong isabi kay Chit, ako na ang nagmamakiusap sa iyo”pakiusap ulit ni Jack na may kasamang pagmamakaawa.
“Jack, hindi ko talaga isasabi kay Chit pero sa isang kondisyon”bigkas ni Niela.
“Anong kondisyon?”tanong ni Jack habang siya’y nabigla.
“Sumigaw ka na isa kang duwag”patawa ni Niela na ikinabigla ulit ng todo ni Jack. “Kung ayaw mo Jack, wag mong gawin, madali lang naman akong kausap”patawa ni Niela habang siya’y dahan-dahan ulit na umaalis.
“Oo na! gagawin ko na!”bigkas ni Jack. “ISA AKONG DUWAG!!”sigaw ng malakas ni Jack na ikinatawa ni Niela.
Narinig naman ng lahat ang pagsigaw ni Jack kaya lahat sila’y napatawa nalang sa kani- kanilang sarili.
“Ano bang nakain ni Jack?”tanong nina Miko at Ian habang sila’y napapatawa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, mag-isa namang nag-aaral ng mga mahika si Chit sa loob ng kanyang kwarto. Nagsusulat kasi siya ng mga purmula sa paggamit ng mga mahika. Si Chit ay isang water user, bukod sa pagiging water user ay unti-unti din niyang napapag-aralan ang paggamit ng ibang mahika tulad ng apoy at yelo.
Matalinong babae si Chit, mabait, masayahin at maaalahanin kay Daven noong sila’y bata pa. Mahilig sa pagbabasa ng mga libro si Chit lalo na sa mga libro tungkol sa siyensa, kaya nga napapa-aralan niya kung papa-ano gagamit ng ibang mahika na wala sa isang katawan ng isang tao.
Habang siya’y nag-aaral ay bigla namang pumasok sa kwarto niya si Aniel na naparaan lang mula sa labas.
“Chit, ano bang ginagawa mo?”tanong ni Aniel.
“Nag-aaral Aniel, napabisita ka yata”tugon ni Chit.
“Katatapus ko lang magsanay, magpapahinga na sana ako kaso nakita ko kasing bukas yong pinto mo rito at nakita ka kaya binisita kita rito”paliwanag ni Chit. “Chit, mahilig ka talaga sa pag-aaral, kahit mga bata pa tayo ay yan na ang nakikita ko sa iyo”sabi ni Chit.
“Hindi naman sa ganoon Aniel, may libre pa kasi tayong oras kaya nag-aaral pa ako, ito narin ang pagsasanay ko Aniel”paliwanag ni Chit.
“Chit tanong ko lang, bakit hindi kasama si Daven sa paglalakbay natin”sabi ni Aniel.
“Hindi ko alam Aniel, alam mo naman si Kuya Daven na lagi lang iyong natutulog, walang ginagawa, tamad, walang pakialam sa nangyayari sa kapaligiran, kaya hindi na bago kung hindi siya sasama sa atin”paliwanag ni Chit.
“Hindi ka ba nagagalit sa kanya Chit?”tanong ni Aniel.
“Bakit naman ako magagalit sa kanya? alam naman niya ang ginagawa niya kaya kung hindi man siya sumama ay desisyon niya iyon, wala naman akong karapatan na pilitin siya”bigkas ni Chit.
“May punto ka naman Chit, tayo-tayo lang naman ang nagdedesiyon sa sarili natin, wala namang pumilit sa atin na maglakbay”dagdag ni Aniel.
Samantala, habang nagmamasid sa karagatan sina Miko at Ian ay unti-unti naman nilang napapagmasdan sa malayo ang isang malaking barko na patungo sa kanila.
“Ian, mukhang may masama akong kutob sa barkong iyan”bigkas ni Miko.
“Ano bang gagawin natin? Baka barko iyan ng mga pirata Miko”tugon ni Ian.
“Siguro ipag-alam natin sa kanila na may barko na papalapit sa atin”bigkas ni Miko.
Agad namang silang nagtipon-tipon sa labas nang malaman nila na may isang barkong papalapit sa kanila. Wala naman silang mga palatandaan na may mabuting hangarin ang barko sapagkat isa lang ang alam nila, kundi barko iyon ng mga pirata.
“Jack, nagdadalawang isip kami sa barkong iyan, kung barko iyan ng mga marino dapat may mga watawat sila pero sa nakikita ko ay walang watawat”paliwanag ni Miko.
“Miko, ano bang mabuting gawin natin ngayon?”tanong ni Jack.
“Siguro Jack, habang malayo pa sila ay iiwasan natin sila”sagot ni Miko.
“Sige Miko, gagawin natin iyan, wala tayong kalaban-laban sa ngayon kapag lumapit sila sa atin”utos ni Jack.
Madali namang iniliko ni Ian ang barko papunta sa ibang direksyon.
“Sa ngayon, dapat mawala muna sa tingin natin ang malaking barkong iyan”sabi ni Jack.
Habang iniwasan nila ang malaking barko ay agad naman nilang namalayan ang pagbibilis nito. Nagulat nalang silang lahat nang makita nilang unti-unti itong lumalapit sa kanila na sa sampung minuto ay maaabutan na sila.
“Tama nga ang hinala ko na barko iyon ng mga pirata”bulong ni Ian habang minamadali niya ring patakbuhin ang barko nila.
Pero kahit minamadali parin nilang patakbuhin ang barko nila ay hindi parin nila natatakasan ang malaking barkong sumusunod sa kanila.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, pinangungunahan naman ni Siphead ang malaking barkong sumusunod sa barko ni Jack. Sa lahat kasi na pumapasok sa pook ni Siphead ay ninanakawan nila ng mga pagkain o mga sandata.
“Sige, subukan niyong umiwas, kailanma’y hindi niyo kami matatakasan”bigkas ni Siphead habang siya’y tumatawa ng malakas.
Matapos ang sampung minutong paghahabol ni Siphead ay sa wakas nakalapit narin sila sa barko ni Jack. May dalawangpung kasamahan si Siphead na mga piratang mandirigma na sanay sa digmaan sa mga marino, kaya agad niyang pinasalakay ang mga kasamahan niya sa barko ni Jack.
“Kunin niyo ang lahat ng mga pagkain, sandata at mahahalagang ari-arian ng barkong iyan”utos ni Siphead sa mga kasamahan niya.
Wala namang nagawa ang grupo ni Jack nang ninakaw ng mga pirata ang kanilang mga bari-bariles na pagkain at mga sandata.
“Kayo, kung susubukan niyo mang tumakas ay sisiguraduhin niyo na mabilis ang barko niyo”painsulto ng isang pirata habang itinuturo nito ang daliri kay Jack.
Lalaban sana si Jack kaso agad naman siyang binulungan ni Miko na dahilan naman ng paghinto niya.
“Jack, mapapatay tayong lahat kapag lalaban tayo rito”bulong ni Miko habang pinaalalahanan niya si Jack. “Jack, mga mandirigma sila tapos kung pagbabasehan natin ang mga katawan nila ay sanay sila sa mga digmaan sa karagatan”bulong ulit ni Miko kay Jack.
“Miko, ano bang gagawin natin? Hahayaan lang ba natin na kukunin nila ang mga pagkain natin, kung hindi nila tayo mapapatay ay mamamatay naman tayo sa gutom”bulong ni Jack.
“Jack, may iba namang paraan para makakain tayo, halimbawa may lambat naman tayo, pwede naman tayong manghuli ng isda”pabulong na paliwanag ni Miko kay Jack. “Pigilan mo lang ang sarili mo Jack”paalala ulit ni Miko.
Unti-unti namang napapakalma ni Jack ang sarili niya kaso agad na siyang nagalit nang mapagtripan ng mga pirata ang mga kasamahan nilang babae na sina Aniel, Niela at Chit. Hindi lang si Jack ang nagalit kundi pati narin ang iba niyang kasamahan na sina Clood, Miko at Ian.
Habang itinatago nila ang kanilang mga galit ay bigla naman silang nilapitan ni Siphead ang kapitan ng malaking barko na humabol sa kanila.
“Kayong mga kalalakihan! Sumali kayo sa amin”bigkas ni Siphead sa kanila.
“Sumali sa inyo? Sa ano? Para magnakaw sa ibang barko? Mas mabuting mamatay nalang ako kaysa sa sumali sa inyo”lakas na loob na sinabi ni Jack.
Agad namang pinagtawanan ni Siphead si Jack dahil sa tapang nito.
“Iho, nakakabilid ka! Ang tapang mo!”patawang bigkas ni Siphead.
Unti-unti namang lumalapit si Siphead kina Aniel, Niela at Chit tapos isa-isa niyang hinawakan ang labi ng mga nito.
“Ang ganda niyong mga babae, tapos sariwang-sariwa pa, mukhang hindi pa yata kayo nakakaranas ng pagtatalik”bigkas ni Siphead habang isa-isa niyang itong tinititigan mapaitaas man ng katawan o mapababa.
“Ikaw! kailanma’y wag mong gagalawin ang kapatid ko! Magkakamatayan tayong dalawa”lakas na loob na binigkas ni Niela habang nakaturo ang daliri niya kay Siphead.
Dahil sa nainsulto si Siphead ay agad niyang sinampal nang malakas si Niela na dahilan nang pagkatumba nito sa sahig.
“Ate!”sigaw ni Aniel.
Tapos lalaban na sana sina Clood, Jack, Miko at Ian kaso piniglan sila ng ibang pirata.
“Oppss! Hindi pwede!”paalala ng mga pirata habang nakatutuk ang mga espada nila sa ulo nina Clood, Jack, Miko at Ian.
“Magbabayad kayo sa nagawa niyo!”galit na sinabi ni Jack sa mga piratang pumigil sa kanila.
“Iho, kailanma’y hindi na kami magbabayad sa inyo, dahil hindi na muli tayong makikita”patawang sagot nila kay Jack.
Matapos tinitigan ni Siphead ang mga babae ay agad naman niyang inutusan ang mga kasamahan niya na dalhin ng sapilitan ang tatlong babae sa barko nila.
“Dalhin niyo ang tatlong babaeng iyan dahil gagawin natin silang pulutan mamayang gabi”paliwanag ni Siphead habang may masama siyang ngiti sa pisngi niya.
Nagawa namang lumaban ni Chit kaso napigilan na siya nang hinawakan siya ng tatlong pirata sabay nakatutuk sa leeg niya ang espada ng isang pirata.
“Iha, gusto mo bang mabuhay o gusto mo ng mamatay?”tanong nila kay Chit.
Wala namang nagawa si Chit kundi ang sumama sa mga pirata patungo sa ibang barko.
“Hindi pa nga kami nakakapunta sa Tradevune, natapos na agad kami sa paglalakbay”bulong ni Chit habang dahan-dahang siyang umiiyak.
Agad namang ikinulong sa isang kwarto ng barko ni Siphead sina Chit, Aniel at Niela na may limang piratang nagbabantay.
“Kunin niyo lahat ng mga bari-bariles na pagkain nila”utos ni Siphead.
Wala namang nagawa sina Clood, Jack, Miko at Ian habang pinagmamasdan nila ang mga pirata na dahan-dahang kinukuha ang mga mahahalagang bagay na naroon sa barko nila.
“Kung magkikita tayo ulit, sisiguraduhing papatayin ko kayong lahat”bigkas ni Jack habang may namumuong galit sa dibdib niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, habang pinagmamasdan ni Siphead mag-isa ang mga kasamahan niya sa pagnanakaw nito ng mga mahahalagang bagay sa barko ni Jack ay nagulat naman siya nang biglang tumabi sa kanya ang isang lalaki. Tanging siya lang naman kasi ang nakatayo doon habang ang mga kasamahan niyang pirata ay abala sa pinag-uutos niya.
“Mukhang nagkakasiyahan na kayo”bigkas ng lalaking biglang tumabi sa kanya.
“Sino ka ba?”tanong ni Siphead.
“Hindi mo na dapat malaman pa kung sino ako, pero kung pagtri-tripan mo yong mga kasamahan ko, siguradong hindi mo ako malilimutan sa buong buhay mo”paalala ni Daven na kakagising lang niya mula sa pagkatulog sa itaas ng bubung ng barko nila.
[SLATE-tionary: Si Aniel ay may gusto kay Clood. Si Daven ay may gusto kay Aniel. Si Chit ay may gusto kay Daven. Si Jack may gusto kay Chit. Si Niela may gusto kay Jack.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...