“Espada lang? Yon lang ang hinihiling mo iho?”pabiglang tanong ni Lucas.
“Opo Tito Lucas, matagal-tagal na kasi akong hindi ka nakakagamit ng espada”bigkas ni Daven.
“Iho, ano ba ang kaibahan kapag lumalaban ka nang walang gamit na espada at sa mayroong espada?”tanong ni Lucas.
“Hindi ko po alam, pero isa lang po ang alam ko po Tito Lucas...”sabi ni Daven. “Pinagbabawalan po ako nang ama ko po na humawak ng espada”dagdag niya.
Hindi na nakasagot pa si Lucas sa sinabi ni Daven na kahit hindi siya sigurado kung nagsasabi ba ito nang totoo o hindi. Kahit nagdadalawang-isip man siya ay malaki naman ang tiwala niya nito.
“Iho, ipapanalangin nalang kita sa pakikipaglaban mo”bigkas ni Lucas.
Matapos ang buong araw na pagsasanay ni Daven ay nagpahinga na siya matapos niyang kumain. Binisita naman siya si Lucas doon sa kwarto niya pero hindi na nito naabutan ang pagising nya dahil sa tulog.
Kalaunan, madaling-araw nang maagang nagising si Daven ay maaga na siyang umalis para sa kanyang laban. Hindi naman napansin ni Lucas ang pag-alis ni Daven na kahit mga tagasilbi nito’y tulog na tulog pa.
Kahit hindi pa ang araw ng pagpatay kina Varien at Leia ay maaga nang lumusob si Daven. Mag-isa siyang naglakad sa gitna ng daan kaya nang pumatak na ang araw ay nagulat nalang ang mga taong-dagat nang masilayan nila si Daven na mag-isang naglalakad patungo sa palasyo na puntirya niya.
“Di ba siya yong nakipaglaban sa mga Sea Guardian kahapon?”tanong ng mga taong-dagat habang sila’y nakaturo kay Daven.
“Oo siya nga iyon, saan ba siya pupunta ngayon?”tanong nila.
“Siguro pupunta siya sa palasyo para iligtas ang kasamahan niyang babae”tugon ng isang dagat.
“Mukhang iyan na nga, di ba bukas pa mangyayari ang pagbibitay sa babaeng iyon?”palinaw ng isang taong-dagat.
“Siguro uunahan na niya ang paglusob”
Hindi naman nakaramdaman ng takot si Daven kahit pinapalibutan na siya ng mga taong-dagat, malaki kasi ang tsansa na aatakehin siya doon. Naririnig man niya ang bulong-bulongan ng mga tao tungkol sa pagpatumba niya ay hindi lang niya ito pinapansin bagkus ay hinahamon pa niya ang mga ito.
“Kung sino man ang matatapang sa inyo dito ay lumapit lang sa akin”pahamon ni Daven sa mga taong-dagat na nadadaanan niya.
Wala namang naglakas-loob na nakipaglaban kay Daven kahit ay mga sandata pa silang hawak at marami pa sila. Kahit malaki ang pagkaktaon nilang mapatumba si Daven ay hinayaan nalang nila ito na maglakad patungo sa palasyo.
Dalawang-oras ang nilakad ni Daven patungo sa palasyo para marating lang iyon. Sumalubong naman sa kanyang pagdating ang mga Sea Guardian na kanina pa naghihintay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...