Chapter 36: The Battle in Stadium Part 5

49 11 2
                                    

Tatlong oras ang nakakaraan sa isang daanan patungo sa bayan ng Sindro. Magkasama naman sa paglalakad sina Rura at Sunset patungo sana doon sa Sindro. Nagpaplano naman si Rura kung ano ang kanyang gagawin para matakasan niya si Sunset.

Nasa loob sila ng magubat na daan na malapit sa malalim na bangin.

"Kung maitutulak ko sa bangin, ang demonyong ito ay siguradong hindi na siya mabubuhay pa..."bulong ni Rura habang pinagmamasdan niya sa harapan si Sunset. "Subalit ang malaking tanong diyan ay magagawa ko ba?"tanong na pabulong ni Rura.

Tahimik namang sumusunod si Rura kay Sunset habang siya'y nagdadalawang-isip kung gagawin ba niya ang plano niya o hindi. Dalawa lang kasi ang kalalabasan, ang magtagumpay siya o mapapahamak siya.

"Ano bang gagawin ko!? Rura, magdesisyon kana"bulong niya sa kanyang sarili.

Pinapawisan na siya habang siya'y patuloy na naglalakad kahit hindi naman gaanong katarik ang nilakaran nila. Makalipas ang ilang minuto ay nakapagdesisyon naman siya na itutulak na niya si Sunset.

"Hindi na ako mag-alinlangan sa desisyon ko kaya gagawin ko na ito"bulong ni Rura sa sarili niya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa likuran ni Sunset.

Maiitulak na sana niya si Sunset nang bigla itong tumingin sa kanya na ikinagulat niya.

"May problema ba Rura?"tanong ni Sunset.

"Wala Sunset, napapagod lang kasi ako baka pwede magpahinga muna tayo"palusot ni Rura.

"Magpahinga? hindi pa naman malayo ang nilakad natin"reklamo ni Sunset.

"Ano ba tingin mo sa akin Sunset, nasanay sa ganito"reklamo din ni Rura.

"Oh, sige na tama na ang pagrereklamo, magpapahinga muna tayo, ilang minuto lang"paliwang ni Sunset habang sila'y nag-upuan sa mga damuhan.

Habang nakatingin si Rura sa paligid ay nag-isip naman siya kung ano na ang kanyang gagawin marahil naisipan niyang pinagdududahan na siya ni Sunset. Bumibilis na ang tibok nang kanyang dibdib bawat patak ng segundo. Napagplanuhan man niyang linlangin si Sunset sa ibang paraan.

"Sunset, kailangan ko munang magbanyo"lakas na loob na sinabi ni Rura kahit hindi man niya gustuhing sabihin iyon.

"Ano naman kung magbanyo ka! Sige gawin muna"utos ni Sunset sa kanya.

"Huh? Gagawin ko dito!? Nababaliw ka na ba? Ano ang tingin mo sa akin, isang hayop"reklamo ni Rura.

"Ano ba ang gusto mong mangyari Rura!?"pagalit na tanong ni Sunset.

"Sunset, babae ako, dapat alam mo rin ang salitang pribado"paliwanag ni Rura.

"Pribado ba kamo? Huwag kang mag-aalala hindi naman kita sisilipan"sagot ni Sunset habang tinakpan niya ang mukha.

Nagawa namang magalit ni Rura kahit drama-dramahan lang niya para maipakita niya kay Sunset na seryuso siya.

"Oo na Rura, pagbibigyan na kita"bigkas ni Sunset habang dinala niya si Rura sa batis.

Naririnig kasi nila ang kahit mahihinang agos ng tubig kaya doon nalang napag-isipan ni Sunset na pabanyuhin si Rura. Nang makarating sila ay pinayuhan ni Sunset si Rura tungkol sa gagawin nitong pagbanyo.

"Rura, alam mo na ang mangyayari kapag susubukan mong tumakas sa akin"paalala ni Sunset na ikinabigla ni Rura.

Hindi naman nakapagsalita si Rura dahil sa takot na gawin niya ang pagtakas. Masama ang tingin sa kanya ni Sunset nang tiningnan niya ang mukha nito.

"Hindi ah! Bakit naman kita tatakasan"tanggi ni Rura. "At kung tatakasan man kita, alam kong mahahabol mo rin ako"patawang sagot ni Rura.

"Syempre at sisiguraduhin kong hindi mo talaga ako matatakasan"paalala ni Sunset na may kasamang pagbabanta.

Nagdadalawang-isip naman si Rura kung magpapatuloy pa ba siya sa kanyang gagawin o hindi. Masuwerte namang sumakit puson niya kaya ang gawa-gawa niyang pagbanyo ay naging totoo.

Tumawid naman siya patungo sa kabilang parte ng batis para doon gawin ang bagay. Habang nagbabanyo siya ay agad naman niyang nakita ang daanang magubat na kung saa'y mahirap talagang maglakad dahil sa matataas na damuhan. Napagtuonan rin niya nang pansin ang tila ilog na pinagdadaanan ng batis.

"Isang maliit na ilog? Gaano kaya yon kalalim?"pabulong na tanong ni Rura.

Naisip naman niya kung sakaling tatalon siya sa maliit na ilog ay baka mapapahamak lang siya.

"Kung malalim yong ilog na iyon ay siguradong matatakasan ko si Sunset pero may tsansang mapapahamak rin ako, kung mababaw naman ay siguradong mahahabol ako"bulong ni Rura sa dalawang posibilidad.

Nagulat naman siya nang bigla siyang sinigawan ni Sunset.

"Rura, hindi ka pa ba natatapos diyan?"tanong na pasigaw ni Sunset.

"Hindi pa! Bigla kasing sumakit ang puson ko Sunset!?"sigaw ni Rura.

"Bilis-bilisan mo naman diyan!! Nainip na ako!"sigaw ni Sunset.

Tumutulo naman ang pawis ni Rura habang nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Matapos siyang magbanyo ay hindi siya nag-alinlangan na tumakas nang palihim patungo sa magubat na daanan. Dahan-dahan siyang naglakad doon para dahan-dahan rin siyang makalayo-layo kay Sunset, mahirap na kasi kung magmamadali siya baka marinig pa ang pag-alis niya dahil sa mga kaluskos ng mga damo sa tuwing tumatapak siya.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla na namang tumawag si Sunset subalit sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakasagot. Doon na sinimulan ni Sunset ang paghahanap niya kay Rura na kung saa'y nahirapan siya dahil sa laki ng gubat.

"RURA! HUWAG MO AKONG TAKASAN!! BUMALIK KA DITO!!"sigaw ni Sunset.

Patuloy namang sumisigaw si Sunset subalit wala parin itong naririnig na sagot kaya agad itong umapoy sa sobrang galit. Hindi naman nagdadalawang-isip si Sunset na sunugin ang buong gubat gamit ang mahika nitong apoy.

"KUNG HINDI KA TALAGA MAGPAPAKITA SA AKIN RURA!! PAPATAYIN KITA DITO SA LOOB NG KAGUBATAN!"sigaw ni Sunset.

Gamit ang kapangyarihan ni Sunset ay pinagsusunog niya ang mga puno't damuhan sa gubat. Tila isang impyerno na ang gubat dahil sa pinagagawa ni Sunset.

"RURA!! DITO NALANG TAYO MAMAMATAY!!"pademonyong sigaw ni Sunset habang patuloy niyang sinusunog ang buong kagubatan.

Samantala, nagtatago naman sa isang damuhan na may bato si Rura subalit hindi naman siya magtatagal doon dahil lalong lumalakas at nagkakalat ang apoy kaya ano mang oras ay pwede nang masunog ang tinataguan niya.

Takot na takot siya ngayon at hindi malaman ang gagawin. Sa katunayan nga ay pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagtakas.

"Ano kaya kung susuko ako, siguradong mabubuhay pa ako..."bigkas ni Rura. "Nandito na ako, nagawa na akong makatakas at makalaya, sasayangin ko pa ba ang ginawa ko"dagdag ni Rura.

Lalong tumatagal ay lalo naman siyang nahihirapan sa paghinga dahil sa lalim na ng usok na nangagaling sa mga sunog na damo kaya napilitan siyang umatras. Umuubo naman siya at lumuluha ang mata dahil sa kapal ng mga usok kaya walang ano-ano'y agad siyang natumba sa lupa.

Kahit natumba siya sa lupa ay hindi naman siya sumuko sapagkat nagawa pa niyang gumapang patungo sa daanang hindi niya nalalaman. Ilang minuto na siyang gumagapang at hindi parin siya nakakalayo sa mga usok kaya napaisip siya na ilang minuto ay parang mamamatay na siya dahil doon.

"Mukhang katapusan ko na ngayon"bigkas ni Rura habang hindi tumitigil ang pagluha ng mata niya.

Sa pagpapatuloy na pagapang ni Rura ay masuwerte naman siyang nakarating sa ilog na kanina pa niya pinagmamasdan.

"Ito na, ito na ang bagay na magliligtas sa akin"bigkas ni Rura habang walang takot na nilapitan niya ang malalim na ilog.

"Malalim pala"pangiting bigkas ni Rura. "Bahala na basta malayo lang ako rito sa kagubatang ito"dagdag ni Rura habang siya'y tumalon sa maliit at malalim na ilog.

Makalipas ang tatlong oras ay nagkamulat naman siya sa batuhang parte ng batis.

"Saan na ba ako?"tanong niya sa sarili niya.

Nang maalala niya ang nangyari ay agad siyang nagulat at pinagmasdan ang repleksyon niya sa tubig kung ayus lang ba siya. Masuwerteng hindi siya natamaan ng bato sa pagtalon niya sa ilog.

"Mabuti naman at nakatakas rin ako"pasalamat ni Rura.

Nang tumayo siya ay nagulat siya nang makita niya ang mga tao na nagsisitakbuhan patungo sa iisang direksyon at papalayo sa bayan ng Sindro. Nagawa pa nga niyang magtanong sa isang babae.

"Ale, ano po ang nangyari?"tanong niya.

"Iha, hindi mo ba alam na inatake ng mga bandido ang bayan, umalis ka na dito"paliwanag ng babae sabay paalala.

Pagkatapos nitong nagpaalala kay Rura ay mabilis na itong tumakbo para makalayo habang si Rura nama'y walang takot na pumunta sa bayang inatake ng bandido.

------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, mag-isa namang nakikipaglaban si Aniel sa mga kasamahan ni Golith, nais kasi niyang protektahan si Clood na mag-isa ring nakikipaglaban kay Golith. Natumba na si Ian samantalang nag-aagaw buhay naman si Miko tapos hindi pa nila kasama si Daven kaya walang miisang magpro-protekta ni Clood maliban lang sa kanya.

"Clood, labanan mo siya!!"sigaw ni Aniel habang patuloy na pinapatumba ang mga kasamahan ni Golith.

Nakakayanan naman ni Aniel ang mga kasamahan ni Golith subalit doon na siya nahirapan nang magsidatingan na ang iba pang mga kasamahan nito. Wala namang miisang nagpasugat sa kanya marahil alam nilang isa siyang babae na may malaking halaga. Kaya nang magsidatingan pa ang ibang kasamahan ni Golith na mula sa labas ay doon na tuluyang napasuko si Aniel.

Nagulat pa nga sina Ian at Clood nang makita nilang nadakip si Aniel.

"CLOOD!! TULUNGAN MO AKO!!"sigaw ni Aniel habang pinipilit niyang makawala sa kamay ng mga kasamahan ni Golith.

"HUWAG NIYONG HAWAKAN SI ANIEL!"sigaw ni Clood na may kasamang pagtakbo sana subalit pinigilan naman siya ni Golith.

"Iho, tayo ang magtutuus sa laban kaya huwag mo akong takbuhan"pangiting bigkas ni Golith.

"Ang lakas talaga nang loob mo inutil ka!! Kahit nagkadugo-dugo na yong tiyan mo ay hindi mo parin iyon iniisip"salita ni Clood.

"Syempre naman ako pa!! Matigas pa ito kaysa sa bakal"patawang bigkas ni Golith.

Hindi naman magawang makapalag si Clood kaya tuluyang nakuha si Aniel ng mga kasamahan ni Golith.

Samantala, tsempo namang nakita ni Rura ang isang grupo ng mga kalalakihang palabas na galing sa loob ng isang istadyum. Akala niya'y tinulungan lang ng mga lalaki ang isang babae subalit nang makita niyang lumalaban pa ito ay doon na umiba ang pananaw niya.

"Aniel?"sabi niya subalit hindi siya sigurado sa nakita niya.

Natatakot naman siya kung ano ang kanyang susunod na gagawin pero sa kabila parin nang pagiging matatakutin niya ay lakas-loob niyang inatake ang mga ito gamit ang mahika niyang tubig.

"PAKAWALAN NIYO SIYA!"sigaw ni Rura habang ibinuhos niya ang mahika niya na tila ba nagmistulang isang maliit na alon ang kapangyarihan niya.

Dahil sa pagkatama ng alon na kapangyarihan niya ay agad natapon sa malayo ang mga lalaki tapos nagawa rin niyang makuha si Aniel para hindi ito madamay sa mahika niya. Dali-dali naman silang tumakbo para makalayo at masuwerte silang hindi pa nagkakamalay ang mga lalaki ay nagawa nilang makatakas at makatago sa isang ligtas na gusali.

"Aniel, ano bang nangyari sa inyo?"tanong ni Rura.

"Rura, mabuti't nakatakas ka"sabi ni Aniel habang sumaya itong niyakap si Rura.

"Oo Aniel, ginawan ko ng paraan"sagot ni Rura. "Aniel, saan na si Clood? Ikaw lang ba ang kasama niya?"tanong ni Rura.

"Lima kaming magakakasama para iligtas ka, si Clood ay nakikipaglaban pa sa pinuno nila, samantalang pareho namang natumba doon sina Ian at Miko"paliwanag ni Aniel.

"Bakit apat lang? Di ba lima ang sinabi mo?"tanong ni Rura habang siya'y nalito.

"Hindi ko alam kung nasan si Daven ngayon, hindi kasi kami magkasama kanina"sagot ni Aniel.

"Kung ganoon, tutulungan na natin si Clood"bigkas ni Rura.

"Sige Rura"tugon ni Aniel habang sila'y kumilos na.

Madali naman silang nakapasok sa loob ng unang istadyum dahil sa walang nagbabantay na mga kasamahan ni Golith. Gulat na gulat sila nang makita nilang natumba na si Clood katabi ang espada ni Haring Arthur.

Nagmistulang isang demonyo si Golith nang pinagmasdan siya nina Rura at Aniel.

"Walang makakatalo sa akin sa laban kahit gaano pa kayo karami!"patawang sigaw ni Golith.

Hindi naman makapaniwala si Rura nang makita niyang natalo pa si Clood kahit nasa kanya pa ang espada ni Haring Arthur.

"Paano nagawang mapatumba si Clood kahit siya pa ang itinakda, sino na ang hahawak sa espada ni Haring Arthur ngayon"sabi ni Rura habang napaluhod siya dahil sa takot. "Isa itong malaking kabaliwan"dagdag ni Rura.

-----------
Samantala, sa isang bakuran na hindi pa nawawasak nang gulo ay doon naman napunta ang mga kasamahan ni Golith na abala sa paghahanap sa dalawang babae. Habang sila'y nag-iikot doon sa bakuran ay agaw pansin naman ang isang taong natutulog doon na parang wala lang nangyayari sa buong bayan.

"Bingi ba tong taong ito o sadyang gago lang"sabi ng isang kasamahan ni Golith.

"Siguro baliw lang, alam mo naman yong baliw walang pakialam sa nangyayari sa paligid"patawa rin ng isang kasamahan ni Golith habang sila'y nagtawanan.

Agad namang nagising ang taong natutulog doon sa bakuran dahil sa malakas na tawanan.

"Kanina pa kayo!!! Magpatulog naman kayo ng tao!!"sigaw ni Daven ang taong natutulog sa bakurang pinuntahan nila.

Natulala naman ang iilang mga lalaki nang makilala nila si Daven.

"Siya yong nanalo sa patimpalak sa pangalawang istadyum"turo ng isa habang ito'y nanginignig sa takot.

[SLATE-tionary: Natalo si Clood sa pakikipaglaban niya kay Golith kahit nasa kanya pa ang espada ni Haring Arthur. Malakas kasi si Golith kahit may sugat pa ito sa tiyan.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon