Chapter 53: The Return of Sea Guardians

59 12 2
                                    

Mag-iisang oras na simula nang makapagpahinga sina Ian at Clood. Wala namang nakakalapit sa kanila marahil nakakulong kasi sila malaking yelo na hinarang ni Clood. Hindi naman nila sinasayang ang oras nila doon kaya dahan-dahan nilang ginagamot ang mga sugat nila.

Habang sila’y nakahiga doon at nagpapagamot sa kanilang mga sugat ay narinig naman nila ulit ang pagtunog ng trumpeta na nangagaling sa kalangitan ng Atlantis. Hindi lang nila ito pinansin marahil para sa kanila’y nagpa-aalala ulit ito sa mga taong-dagat pero nang marinig nila ang pagyayanig ng lupa ay doon na umiba ang kanilang kutob.

“Clood, ano na ang nangyayari ngayon?”tanong ni Ian habang bumibilis na ang pagtibok ng kanyang dibdib.

“Hindi ko alam Ian kung ano na ang nangyayari ngayon, sana hindi ito masamang balita sa atin”sagot ni Clood.

Kahit nasa loob sila ng yelo ay narinig nila ang boses ng mga nilalang na hindi taong-dagat kundi isang kilalang boses na narinig na nila at iyon ay ang mga Sea Guardian. Hindi kumulang sa isanglibo ang Sea Guardian ang nagmarcha patungo sa nasirang siyudad.

“Clood, siguro ako na mga nagbabantay sa karagatan ang palapit dito ngayon”sabi ni Ian.

“Mga Sea Guardian, mukhang ito na yata ang pinakamasamang balita Ian at ang masaklap pa ay mukhang marami sila, hindi lang dalawa kundi isang batalyon”paliwanag ni Clood.

“Kung ganoon Clood, mukhang dito na yata magtatapos ang paglalakbay natin”sabi ni Ian na parang nawawalan na ng pag-asa.

“Ian, huwag ka munang mawalan ng pag-asa hangga’t nandito pa tayo sa loob ay walang mangyayari sa atin”pakalma ni Clood.

“Sana Clood, baka isang galaw lang ng mga nilalang na iyon ay mababasag na itong yelong harang mo”sabi ni Ian.

Habang sila’y patuloy na nag-uusap ay nagulat nalang sila nang biglang nabasag ang yelong nakapaligid sa katawan ni Lucas. Naibaling naman ang tingin nila dito marahil hindi agad mababasag iyon.

“Clood, ano bang nangyari bakit nabasag yong yelo na nakapaligid kay manong?”tanong ni Ian.

“Hindi ko alam”sagot ni Clood.

“Siguro natunaw yong yelo”teorya ni Ian.

“Malabong mangyari iyan Ian, hinding-hindi agad matutunaw ang kapangyarihan ko”paliwanag ni Clood.

“Siguro may nagbasag na mga taong-dagat”teorya ulit ni Ian.

Nagulat nalang si Clood kaya agad niyang nilapitan ang katawan ni Lucas na nabasag mula sa pagkakayelo. Hindi naman niya aakalain na gigising si Lucas mula sa pagkakayelo.

“Ian, gumising siya”pabiglang bigkas ni Clood na ikinalito ni Ian.

“Anong gumising?”tanong ni Ian.

“Si manong gumising na siya”sagot ni Clood.

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon