Unti-unti namang nakikita ni Ian ang pag-iiba nang katawan ni Clood na parang unti-unting nagyeyelo. Hindi naman pinapakialam nang Sea Guardian ang pag-iiba ni Clood marahil gusto niyang makipaglaban nang seryuso at malakas na nilalang maliban sa mga katulad niyang isang Sea Guardian.
“Bata, ilabas mo pa ang tunay mong kapangyarihan, matagal-tagal na kasi akong hindi nakakaharap nang mga malalakas na nilalang”pahamon ng Sea Guardian.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos narin ang pag-iibang anyo ni Clood na kung saa’y naging yelo ang buong katawan nito. Hindi naman makapaniwala si Ian sa nakita niya kay Clood dahil hindi lang anyo ang pinag-iba nito kundi pati narin ang lakas nito na damang-dama niya.
“Clood, matutumba mo ang Sea Guardian sa kakayahan mo ngayon, hinding-hindi ako magkakamali”bulong ni Ian.
Samantala, nakatayo lang ang Sea Guardian nang biglang umatake si Clood. Sa sobrang lakas nang pag-atake ni Clood at sa sobrang talis nang kayang yelo ay tumaob mismo iyon sa katawan ng Sea Guardian.
“Sapul ang pag-atake ni Clood, sigurado akong malaki ang magiging sugat nang Sea Guardian”salita ni Ian.
Akala ni Clood na matutumba na niya ang Sea Guardian subalit nagulat naman siya nang bigla itong ngumiti na para bang nakakita ng isang magandang bagay. Mabilis namang niyelo ni Clood ang harapan niya dahil alam niyang aatake ang Sea Guardian pero..
“Bata! Kahit ilang beses pa kitang paatakehin sa akin ay hindi mo parin ako matutumba”paalala ng Sea Guardian kay Clood.
Pinalabas lang ng Sea Guardian ang presensya na nanggagaling sa katawan nito na pagkaresulta naman nang pagtapon ulit sa malayo ni Clood. Hindi naman makapaniwala ulit si Ian dahil kahit hindi pa umaatake ang Sea Guardian ay wala nang kalaban-laban si Clood.
“Kung yan kalakas ang isang Sea Guardian ay imposible nang matalo ang lahat nang Sea Guardian kapag sila’y aming nakaharap”bulong ni Ian habang natatakot sa posibilidad na iyon.
“Mga taong-lupa, tandaan niyo kapag nakapasok kayo sa lugar namin ay hindi na kayo makakalabas nang buhay pa”paalala ng Sea Guardian sa kanila.
“Hindi rin naman namin ginusto ang pumunta sa lugar ninyo!!”sigaw ni Clood habang pinipilit nitong tumayo.
“Oh! Kung hindi niyo ginusto ang pumunta dito, bakit kayo napunta rito?”tanong ng Sea Guarian kay Clood.
“Hindi namin alam”sagot ni Clood. “Kung tagabantay ka lang nang karagatan ay dapat pinupuksa mo ang mga kasamaan na sumasalakay sa lugar niyo, hindi kami mga masasamang tao”paliwanag ni Clood.
“Oww! Ang nais mong ipahiwatig ay mabubuti kayong mga nilalang? Ganoon ba?”palinaw nito sa kanila. “Pero tandaan niyo may batas kaming sinusunod! Ang lahat nang nilalang na pumapasok sa teritoryo namin ay itinuturing naming masasama, kapag masama ay pinupuksa namin”
“Kung ganoon ay di bale nang magkakaganito ako basta ang mahalaga’y mailigtas ko ang mga kasamahan ko!”lakas na loob na binigkas ni Clood.
“Mailigtas saan? Tandaan niyo! Kayo ang pumasok sa lugar namin”paalala sa kanya nang Sea Guardian.
“Kayo nga! Kaso kayo naman ang mga masasama dito!”sigaw ni Clood sa pangalawang pagkakataon habang inatake niya ulit ang Sea Guardian.
Sa sobrang galit ni Clood ay hindi na niya napansin na lalo na pala siyang bumilis na ikinainis naman ng kalaban niya. Lahat nang parte nang katawan ng Sea Guardian ay sinugatan ni Clood pati ang bahaging likod nito.
Nahirapan ang Sea Guardian kung kaya’t umatras siya para makaluwag siya sa mga pag-atake ni Clood pero hindi parin siya tinitigilan nito.
“Hindi kita titigilan hangga’t hindi ko nababawi ang kasamahan ko!”sigaw ni Clood habang patuloy niyang inaatake ang Sea Guardian.
“HINDI MO AKO MATATALO!!”sigaw ng Sea Guardian habang ginamit narin niya sa wakas ang kapangyarihan niya na walang iba kundi tubig.
Sa sobrang lakas nang pagkatama nang kapangyarihan ay agad natunaw ang yelong bumabalot sa katawan ni Clood dahil doon ay nawalan din siya nang malay. Kaya dahil sa pag-atake na iyon ay si Ian nalang ang naiwang nakatayo doon.
May plano na sana siyang lumaban kaso natakot siya nang biglang dumating ang dalawa pang Sea Guardian.
“Susuko ka ba? O lalaban pa?”tanong nila kay Ian.
Wala namang nagawa si Ian kundi ang sumuko dahil ito nalang ang natatanging paran para hindi sila mapahamak.
“Pasensya ka na sa desisyon ko Clood, kailangan ko talagang gawin ito”pahingi ng tawad ni Ian habang voluntaryo siyang sumuko sa tatlong Sea Guardian.
Pagkatapos ay dinala sila sa malaking kulangan na kung saa’y doon kinukulong ang lahat ng mga pumapasok sa Atlantis. Maraming mga iba’t-ibang nilalalng doon na kinukulong tulad ng mga halimaw na anyong isda, mga taong-dagat na nasa ibang karagatan nakatira at minsan pa nga’y may mga bungo ng taong-lupa na nakakulong.
Nagulat nalang si Clood nang magising siya’t nakita ang buong kulungan na madilim at may maliit na pwesto.
“Clood, pasensya ka na kung sumuko ako, hindi ko kasi makakayanan ang mga Sea Guardian na labanan sila”paduwag na sabi ni Ian.
“Hindi naman kita sinsisi Ian, ang mahalaga ngayon paano tayo makakaalis rito”sabi ni Clood. “Kung matutulungan sana tayo ng mga kasamahan natin”
“Imposible nang mangyari iyan Clood, tanging sina Niela at Jack lang ang malakas sa grupo natin, tapos marami pa ang mga Sea Guardian dito”tugon ni Ian. “Manalangin nalang tayo Clood na may himalang dumating”bigkas ni Ian habang siya’y naubusan na nang pag-asa.
Samantala, habang sina Ian at Clood ay nakakulong sa malaking kulungan ng Atlantis at sina Niela’t Daven nama’y naglalakbay patungo sa palasyo ng Atlantis ay magkasama naman sina Jack at Varien na sa ngayo’y nagtatago sa isang abandonadong kalye na walang taong pumupunta.
Sa ngayo’y pinuntirya nila ang isang taong-dagat na nagbabantay sa labasan ng kalye, hindi kasi sila makakalabas marahil may nagbabantay.
“Varien, kapag naging palpak yong plano natin na patumbahin ang nilalang na iyan, tumakbo ka na patakas”paalala ni Jack.
“Patakas? ano bang gagawin mo?”tanong ni Varien habang siya’y nag-aalala kay Jack.
“Pipigilan ko ang mga ibang nilalang na sumusunod sa atin”sagot ni Jack na ikinabigla ni Varien. “Pero huwag kang mag-aalala Varien, mangyayari lang naman iyan kapag naging palpak ang plano natin”pangiting sabi ni Jack.
Pagkatapos ay dahan-dahan naman silang lumalapit sa nakatalikod na taong-dagat kung kaya’t hindi nag-aalinlangan si Jack na atakehin ito sa likod. Lumuwag naman ang loob ni Varien nang makita niyang napatumba ang nagbabantay doon kaya’y silang dalawa ni Jack ay nakalabas sa kalye.
“Varien, dahan-dahan lang tayo sa paglabas baka marami pang nagbabantay dito”paalala ni Jack.
“Sige Jack”sagot naman ni Varien.
Nagtaka naman silang dalawa nang makita nilang walang katao-tao ang labas kahit mga bata man lang. Imposible namang mangyari dahil sa kanina pa’y naririnig nila ang mga ingay ng mga batang naglalaro.
“Jack, di ba dito natin mismo naririnig ang mga ingay kanina”palinaw ni Varien habang siya’y nagtataka.
“Oo alam ko Varien, pero imposible namang mawala agad ang mga bata”bigkas ni Jack.
“Huwag mong sabihing mga multo ang naririnig natin kanina”sabi ni Varien habang siya’y kinabahan na.
“Hindi naman yata posible ang pinagsasabi mo Varien”sabi ni Jack. “Mas mabuting umalis na tayo dito Varien habang malaki pa ang pagkakataon natin”
Tumakbo sila nang sila’y nakalabas na pero ang inaakala nilang mapayapang daan ay napalitan nang pagtataka nila nang marinig nila ang isang yapak na sumusunod sa kanila. Napahinto nalang silang dalawa dahil para kasing hindi ito tumitigil.
Nang huminto sila ay pareho silang lumingon sa likuran nila upang tingnan ang sumusunod sa kanila. Isang maputing taong-dagat ang kanilang nakita tapos may sandata pa itong espada na hawak-hawak.
“Hindi ko inaasahan na hihinto kayo”bigkas nito na ikinalito pareho nina Varien at Jack. “Nais ko sanang ipakilala ang sarili ko, ako nga pala ay isang Sea Guardian na nagbabantay sa lugar na ito”pakilala niya sa dalawa.
“Isang Sea Guardian? Wala akong paki kung anong klaseng Guardian ka! Lalabanan at lalaban kita”lakas na loob na sinabi ni Jack.
“Oh! Mukhang hindi ka pa yata nakakakita ng isang Sea Guardian”tugon nito.
“Ano naman kung hindi pa ako nakakita, ngayon ko palang kasi narinig ang pangalang iyan”sabi ni Jack.
Agad namang pinaalalahanan ni Varien si Jack dahil sa naramdaman niyang enerhiya sa nilalang na iyon.
“Jack, may masama akong pakiramdam sa nilalang na iyan, mag-ingat ka”bulong ni Varien kay Jack.
“Oo alam ko Varien, umatras ka muna baka madamay kapa sa aming laban”paalala ni Jack.
Pagkatapos ay hinanda naman ni Jack ang kanyang sarili para labanan ang Sea Guardian. Pero hindi pa nga nakakapaghanda si Jack ay nabigla nalang siya nang makita niya sa isang iglap ang Sea Guardian.
“Ang tagal mo”paalala ng Sea Guardian habang mabilis niyang inatake si Jack.
Mabuti’t hinarangan ni Jack ang pag-atake gamit ang kapangyarihan niyang bato kaya maliit lang na pinsala ang tumama sa kanya.
“Ang lakas! Nagawa niyang basagin ang kapangyarihan ko”bulong ni Jack.
Akala ni Jack na doon na nagtatapos ang pag-atake ay nagkakamali siya dahil lumapit pa ang Sea Guardian sa kanya ay pinaulanan siya nang mga pag-atake. Pinipilit naman ni Jack na batuhin ang kanyang katawan para depensahana ang sarili subalit hindi parin iyon umuubra dahil sa kahit konting pag-atake lang nang kalaban niya ay nasisira ito.
“Jack, mag-ingat ka!!”sigaw ni Varien habang nakita niyang pinuntirya ng Sea Guardian ang likuran ni Jack.
Huli na nang marinig ni Jack ang paalala ni Varien kaya natamaan nang malakas ang pag-atake ang likuran ni Jack. Hindi na nakatayo si Jack kaya gulat na gulat siya nang makita niya ang pag-atake nang Sea Guardian gamit ang espada nito.
“Hindi ko hahayaang mapapatay mo si Jack!!”sigaw ni Varien habang ginamit niya ang kapangyarihan niyang tubig tapos sinundan niya nang mga mahikang natutunan niya na yelo’t hangin.
Hindi naman natuloy ang pagsaksak ng Sea Guardian kay Jack dahil sa nagawa ni Varien.
“Isang multi-magic user? Posible bang mangyari iyon sa taong-lupa”pagulat na sabi ng Sea Guardian. “Taong-lupa, mukhang isa ka yatang gifted dahil sa abilidad mo”
“Isang gifted ba kamo? Sadya ko lang pinag-aaralan ang ibang mga elemento”sagot ni Varien.
“Eh! Matalino ka lang talaga!”puri ng Sea Guardian. “Susubukan kita kung saan lang ang kaya mo!”dagdag niya habang inatake niya nang mabilis si Varien.
Kinabahan bigla si Varien dahil sa mabilis na lumalapit ang Sea Guardian sa kanya, nalilito siya kung ano ang sunod niyang gagawin kung aatake ba siya o iilag.
“Mahina pa yong mga mahika ko kapag lalabanan ko siya nang harap-harapan tapos mahihirapan naman akong ilagan siya kapag siya’y nakalapit na, kaya ano ang mas mabuti kong gawin?”tanong ni Varien sa kanyang sarili.
Sa sobrang tagal niyang nakapag-isip ay nakalapit na ang Sea Guardian sa kanya. Nanginig bigla ang katawan niya dahil sa iglap na pagkita niya sa kalaban niya.
“Taong-lupa, ang tagal mong gumalaw, ang hina pa nang pag-iisip mo”paalala sa kanya ng Sea Guardian. “Pasensya ka na, mahina ka talaga”dagdag ng Sea Guardian habang inatake niya si Varien gamit ang espada nito.
Mapapatay na sana si Varien subalit mabilis namang nakatayo’t nakatakbo si Jack upang saluhin ang pag-atake ng Sea Guardian. Agad nasaksak ang balikat ni Jack sa halip na si Varien. Pero ang pagkakataon ay hindi sinayang ni Jack habang nakalapit pa sa kanila ang Sea Guardian.
“Varien, atakehin mo na siya habang siya’y narito pa!”sigaw ni Jack.
Gulat na gulat naman ang Sea Guardian sa sinigaw ni Jack na para kasing nagpapahiwatig na parte iyon sa plano. Tatakas sana siya subalit pinigilan naman siya ni Jack.
“Sea Guardian ba kamo? Dito na tayo mamamatay”pangiting sabi ni Jack.
Agad namang pinaghalo ni Varien ang mga mahika niya na kung saa’y nakabuo siya nang kakaibang mahika na wala pang nakakagamit tapos ay agad niya itong inihagis sa Sea Guardian.
“MGA INUTIL KAYO!!”sigaw sa galit ng Sea Guardian.
Agad namang sumabog ang kapangyarihang nabuo ni Varien nang maihagis niya ito. Dahil sa pagkasabog ay agad silang napatapon sa malayo. Mga ilang minuto ang nakalipas matapos ang pagsabog ay nagising naman si Varien na hindi gaanong na napinsala sa pagsabog dahil sa pinrotektahan siya ni Jack.
Pinilit naman niyang naglakad para matulungan niya ang walang malay na si Jack na nakahiga sa lupa.
“Jack, aalis na tayo dito”pahinang bigkas ni Varien habang dahan-dahan niyang nilalapitan si Jack.
Habang siya’y naglalakad ay nagulat naman siya nang lumingon siya’t nakita niya mismo ang pagtayo ng Sea Guardian.
“Imposible, buhay pa ang nilalang na iyan?”bigkas ni Varien habang siya’y hindi makapaniwala.
“Taong-lupa, hindi pa nagtatapos ang laban”patawang sabi ng Sea Guardian kay Varien.
[SLATE-tionary: Gifted ang isa sa mga tawag sa mga nilalang lalo na sa mga tao na may dalawa o higit pang mga kapangyarihan.]
BINABASA MO ANG
Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)
AdventureIlang taon na ang nakakaraan simula nang bumagsak sa mundo ang mga mahiwaga at makapangyarihang bato ay dahilan naman iyon nang pagkaroon ng kapangyarihan sa mga tao. Dahil sa pagbagsak ng labing-dalawang bato na tinatawag nilang Slate ay marami nan...