Chapter 14: The Pearl of Judao Island Part 2

81 21 8
                                    

Mag-iisang oras na simula nang makulong si Daven at ibang mga kasamahan niya sa islang pinasukan nila, naiinip na nga si Miko na mag-iisang oras na ding naghihintay sa kanila.
 
“Bakit ang tagal nila? diba may sapa naman doon”alala ni Miko habang pinagmamasdan niya ang sapa.
 
Samantala sa loob ng kulungan, plano sanang sirain ni Daven ang kulungan subalit pinigilan naman siya ni Ian dahi sa lalo silang paghihinalaan ng mga tao doon.
 
“Daven, ang hirap mo talagang paintindihin, kapag sinabing huwag mong sisirain ang kulungan, sisirain mo talaga”reklamo ni Ian.
 
“Daven, lalo lang tayong mapapahamak dahil sa pinaggagawa mo”paalala ni Jack habang pinagtutulungan nila si Daven.
 
“Oo Daven, kung hindi ka lang sana nagreklamo ng tubig siguro hindi magkakaganito ang sitwasyon natin”dagdag ni Niela.
 
Nabigla naman si Daven sa sinasabi ng mga kasamahan niya marahil sinisisi pa sa kanya ang nangyari sa kanila.
 
“Huh!?”reaksyon ni Daven sa mga kasamahan niya. “Parang sinasabi yata niyo na ako ang may kasalanan kung bakit tayo nakulong dito, tandaan niyo hindi ko kayo pinapunta sa islang ito, kusa kayong huminto dito”paliwanag ni Daven.
 
“Daven, kung hindi ka lang sana nagreklamo ng tubig sana hindi nagkaganito ang sitwasyon natin”sisi ni Niela.
 
“Ano bang kinalaman ng pagreklamo ko ng tubig sa pagpunta natin sa islang ito, may sinabi ba akong hihinto tayo sa isang isla”reklamo ni Daven.
 
Napatahimik naman sina Niela at Jack dahil sa naging tama si Daven sa sinabi niya. Pero ang inaakalang pagtama ni Daven ay ang ikakagulat niya nang isinabi ni Ian ang dahilan nila kung bakit sila huminto sa islang iyon.
 
“Daven, magsupply talaga nang tubig ang pangunahing dahilan kung bakit tayo huminto sa islang ito, kaya ang pagrereklamo mo ng tubig ay konektado sa paghinto natin dito”paliwanag ni Ian na ikinatahimik ni Daven.
 
Pinagtatawanan naman nina Jack at Niela si Daven na tahimik na nakatulala sa labas ng kulungan.
 
Makaraan ang ilang minuto habang sila’y nakatingin kay Daven ay agad namang dumating ang isang matandang lalaki na maitim ang balat tapos iba rin ang pagkakasuot ng bahag na parang siya ang namumuno ng buong isla.
 
“Sabihin niyo amin ang pakay niyo”utos ng matandang lalaki sa kanila.
 
Magpapaliwanag sana si Ian sa pakay nila subalit inunahan naman siya ni Daven na magsalita.
 
“Hoy matandang pagod! Kung inaakalang nanakawin namin ang perlas niyo, nagkakamali kayo, yan nalang bang perlas niyo ang magsasakripisyo ng buhay namin”paliwanag ni Daven na parang iniinsulto niya ang matandang lalaki.
 
Nainis naman ang matandang lalaki marahil naintindihan kasi niya ang sinasabi ni Daven na may kasamang pang-iinsulto.
 
“Ikaw! Ang lakas loob mo sabihin salitang iyan, ganoon talaga kayo magnanakaw, pupunta isla namin tapos magmagandang loob amin tapos tatraydorin kami”sabi ng matandang lalaki habang nakaturo ang daliri niya kay Daven.
 
“Hoy! Matandang pagod! Kailanma’y wag mong ituro ang daliri mo sa akin tapos isa pa, huwag mo kaming pagsabihan nang magnanakaw”reklamo ni Daven.
 
Pinigilan namang magsalita si Daven dahil sa tuwing magsasalita siya ay lalo lang magiging komplikado ang lahat kaya sina Ian, Chit at Aniel nalang ang nagpaliwanag nang mahinahon sa matanda marahil nakakaintindi naman ito at sa huli ay binigyan sila ng kondisyon, isang natatanging kondisyon na magpapalabas sa kanila.
 
“Ano po bang kondisyon ang sinasabi niyo?”tanong ni Chit sa matanda na ang namumuno pala sa buong isla.
 
“Gusto ko pakasalan anak kong babae para labas kayo”kondisyon ng matanda na namumuno sa buong isla.
 
Nagsitinginan naman sila sa isa’t-isa lalo na sa mga lalaki na sina Ian, Jack, Clood at Daven, yon na kasi ang natitira nilang paraan para sila’y makalabas. Habang nagtuturuan ang apat na mga lalaki ay napagdesisyonan naman sina Chit, Aniel at Niela kung sino ang pipiliin nila na kung saa’y bagay sa kondisyon.
 
“Hindi talaga ito matatapos kung magturo-turuan lang kayo diyan kaya napagdesisyonan na namin ang bagay sa kondisyon”bigkas ni Niela.
 
“Sino?”tanong nina Daven, Jack, Clood at Ian.
 
“Syempre walang iba kundi si Daven, sino pa ba?”patawang desisyon ni Niela.
 
“Hoy! sigurado ba talaga kayo!? Alam niyo namang mas bagay pa sila sa kondisyon kesa sa akin, si Ian na siyang matanda sa amin, si Clood na siyang mas gwapo sa amin, tapos narito pa si Jack na siyang mahilig sa bagay na iyan”paisa-isang paliwanag ni Daven.
 
“Daven, nang-iinsulto ka ba”bigkas ni Jack.
 
“Daven, minsan ka lang may silbi sa paglalakbay natin tapos hindi mo pa magawa, kaya pagkakataon muna ito para tulungan kami”paawang paliwanag ni Niela na may nakakatawang ngiti sa pisngi niya.
 
Kahit na nga sina Chit at Aniel ay nakikiusap din kay Daven.
 
“Daven, gawin muna, alang-alang sa paglalakbay natin”tugon ni Aniel.
 
“Kuya Daven, pakiusapan mo lang yong babaeng papakasalan mo”tugon ni Chit.
 
Wala namang nagawa si Daven marahil pinakiusapan na siya ng mga kasamahan niyang babae. Kaya kahit hindi niya kagustuhan ang kondisyon ay napilitan nalang siya.
 
“Oh sige na! alang-alang sa kaligtasan niyo, magsasakripisyo ako! Kahit ano pang mangyari sa akin! kahit ikapapahamak ko pa ay lalaban parin ako! Gagawin at gagawin ko talaga ang lahat para kayo’y maligtas kaya wag kayong mag-aalala, magkikita parin tayo”paalala ni Daven sa mga kasamahan niya na kung saa’y napatingin silang lahat sa kanya.
 
“Daven, kasalan naman ang tinutukoy namin, wala namang magsabi na mamamatay ka o magsasakripisyo ka, ang drama mo”bigkas ni Niela.
 
“Daven, lumabas ka na!”utos ni Jack habang itinulak niya si Daven patungo sa labas ng kulungan.
 
Hindi naman nakapalag si Daven nang hinawakan siya ng mga kasamahan ng matanda tapos nakatuon din sa kanya ang mga sibat. Tahimik namang naglakad si Daven sapagkat isang maling galaw lang niya ay siguradong mapuputulan siya ng ulo.
 
“Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin, gabayan niyo po ako sa sa landas na tatahakin ko at protektahan niyo po ako”dasal ni Daven habang naglalakad siya sa gitna ng bayan.
 
Nagsasayawan naman ang mga tao doon sa paligid na nilalakaran ni Daven. Makaraan ang ilang metro ay nakarating narin sila sa bahay ng matanda. Hindi naman inaakala ni Daven ang sobrang laki ng bahay na masasabi mong pangmayaman talaga na gawa sa kahoy at may maraming palamuti.
 
Iniisip naman ni Daven ang babaeng mapapangasawa niya na parang pangit ang mukha, sobrang itim ng balat at may ugaling hindi maiintindihan.
 
“Sa hindi naman ako nanglalait pero kung magkakaasawa talaga ako nang taga-rito, isang babaeng taga-rito ay hindi ko lubos maisip kung ano ang magiging anak namin”bulong ni Daven habang iniisip niya ang posibilidad na magiging anak niya. “Pangit ba? Maitim ba? Bahala na ang Diyos kung ano ang maiibigay niya”bulong ni Daven habang hindi talaga mawala sa isipan niya ang bagay na iyon.
 
Isa-isa naman niyang hinahakbang ang paa niya papasok sa malaking bahay kaya hindi mawala sa kanyang dibdib ang kaba na nararamdaman niya. Nang tuluyan siyang makapasok sa malaking bahay ay bigla siyang sinalubong ng mga tagasilbi ng bahay.
 
Habang naglalakad sa loob ng malaking bahay si Daven ay sinasabitan naman siya ng mga kwentas na bulaklak nito sa leeg niya tapos kinukulayan din nito ang katawan niya. Hindi naman nagrereklamo si Daven at patuloy lang siyang naglakad hanggang sa tuluyan siyang pinahinto ng mga kasamahan ng matanda.
 
“Hinto dito”utos ng matanda kay Daven.
 
Nakatayo naman si Daven sa gitna ng bahay habang nakaharap siya sa isang lugar na parang altar na kwarto. Tanging kurtina lang ang nagsisilbing pintuan ng kwarto.
 
Hindi parin matanggap ni Daven na ang babae sa likod ng kurtina ang mapapangasawa niya.
 
“Imposible nang magandang babae ang nasa likod ng kurtinang iyan, miisa sa lugar na ito ay wala akong nakitang kaaya-aya tingnan”bulong ni Daven na parang nilalait niya ang buong kultura ng mga taga-roon.
 
“Raheya”bigkas ng matanda habang inuutusan niya ang anak niyang babae na lumabas sa kwarto sa ibang lenguahe.
 
Sumagot naman ang babae sa ibang lenguahe na hindi maintindihan ni Daven.
 
“Naloko na, paano kami magkakasundo nito kung ako may hindi makakaintindi sa pagsasalita nila”pahinang bigkas ni Daven.
 
Nang gumalaw ang kurtina ay doon na lumabas ang babaeng nangangalang Raheya kaya agad namang napapikit si Daven dahil hindi niya talaga matanggap ang katutuhanan.
 
“Magandang araw ginoo, ako po si Raheya ang susunod na maging mamumuno dito sa islang ito”pormal na pakilala ni Raheya kay Daven.
 
Nang idinilat ni Daven ang mga mata niya ay agad niyang nakita si Raheya sa harapan niya. Nakasuot ito ng ordinaryong damit na akma sa kultura nito, hindi naman gaanong kaiitiman ang balat nito at may natatanging kagandahan rin ito na iba sa inaakala niya.
 
Ang panglalait sa isip ni Daven ay naputol dahil sa nakita niya ang kagandahang taglay ni Raheya.
 
“Ma-ma-magandang araw rin, ako naman si Daven”bati ni Daven sabay pakilala sa sarili niya kay Raheya.
 
“Kinagagalak kitang makilala Daven”pangiting bigkas ni Raheya kay Daven.
 
Kahit isang beses pa lang nagkatagpo si Daven kay Raheya ay agad naman siyang nabighani sa ganda nito.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos makaalis si Daven sa kulungan ay nakabalik naman ng ligtas sina Jack, Niela, Chit, Aniel, Clood at Ian sa barko nang hindi kasama si Daven. Kaya agad namang nagtaka si Miko sa kanila marahil matagal kasi silang naroon sa isla.
 
“Ba’t ang tagal niyo kanina pa ako naghihintay dito, mga ilang oras na akong nakahiga rito”tanong ni Miko habang siya’y nagrereklamo. “Nakikita ko naman dito yong sapa tapos bakit ang tagal niyo?”tanong ulit ni Miko habang pinagmamasdan ang sapa na umaagos mula sa isla.
 
“Miko, ikinulong kami ng mga tao dito sa islang ito kaya alam mo na kung ano ang nangyari sa amin”sagot ni Ian.
 
“Huh!? Ikinulong kayo?”tugon ni Miko habang hindi siya makapaniwala.
 
“Oo Miko kaya wag ka ng magreklamo pa”paalala ni Ian.
 
“Pasensya na ha!”patawad ni Miko.
 
Nagpatuloy naman silang lahat sa pagtayo na hindi alam kung ano ang sunod na gagawin.
 
 “Kaya ano na ang hinihintay niyo, umalis na tayo”sabi ni Miko na maglalakad sana siya kaso napahinto siya dahil sa hindi kumilos ang mga kasamahan niya. “May problema ba? Tara na! diba nakakuha naman kayo ng tubig”bigkas ni Miko.
 
“Ito”sabi ni Chit habang ipinakita niya kay Miko ang dala-dala nilang tubig.
 
“May dala na pala kayong tubig eh! kaya tara na!”bigkas ni Miko subalit hindi naman kumilos ang mga kasamahan niya. “May problema ba?”tanong ni Miko sa mga kasamahan niya.
 
“Miko, hindi namin kasama si Daven”tugon ni Aniel na ikinabigla ni Miko.
 
“Ano ang ibig niyong sabihin? Nakulong pa ba doon si Daven?”tanong ni Miko.
 
“Miko, ganito kasi yong nangyari, nakulong kasi kaming lahat doon sa isla tapos para makaalis kami ay kailangan masunod namin yong kondisyon nila na walang iba kundi ang magpapakasal sa isang babaeng tagaroon”paliwanag ni Chit.
 
Napatawa naman ng sobrang lakas si Miko dahil sa naging sinapit ni Daven na katanggap-tanggap naman niya.
 
“Si Daven ikakasal dito sa islang ito!? Kung yan ang mangyayari, mabuti naman sa kanya para magkasilbi naman siya”patawang bigkas ni Miko.
 
“Miko, hindi ka ba nag-aalala kay Daven?”tanong ni Ian.
 
“Matanda na si Daven alam na niya ang ginagawa niya tapos wala namang mangyayaring masama sa kanya dito sa islang ito marahil ikakasal naman siya”paliwanag ni Miko.
 
“Miko, mukhang may galit ka rin kay Daven”sabi nina Niela at Jack.
 
“Hindi naman, napapatawa nga lang ako eh!”bigkas ni Miko habang patuloy siyang tumatawa.
 
Napatingin naman si Ian bigla sa mga kasamahan niya dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin nila.
 
“Ano na ngayon? Magpapatuloy na ba tayo sa paglalakbay natin o kukunin natin si Daven?”tanong ni Ian.
 
Tahimik naman sila sa pagtanong ni Ian marahil hindi rin nila alam kung ano ang isasagot nila.
 
“Ganito nalang, itaas niyo ang kamay niyo kung magpapatuloy tayo sa paglalakbay nang wala si Daven tapos wag niyo namang itaas ang kamay niyo kapag gusto niyong kukunin si Daven”paliwanag ni Ian.
 
Nagsitaasan naman ng mga kamay sina Niela, Clood, Jack at Aniel na ikinabigla ni Chit.
 
“Sigurado ba kayo!? Iiwan lang ba natin rito si Kuya Daven?”pabiglang tanong ni Chit sa apat na nagtaas ng kamay.
 
“Pasenya ka na Chit, kung gusto mong kunin si Daven ay magpaiwan ka nalang sa islang ito”paalala ni Niela kay Chit.
 
Hindi naman makaniwala si Chit sa sianbi ni Niela sa kanya.
 
Samantala, limang kilometro ang layo sa Judao Island ay naglalakbay naman ang limang magagarang barko patungo sa islang iyon. Sakay naman ang mayamang si Herbert sa nasabing magarang barko dahil gusto kasi nilang nakawin ang perlas ng Judao Island, isang gintong perlas na walang nakakasukat kung magkano ang halaga.
 
“Boss Herbert, nakikita ko na po ang isla ng Judao”tugon ng isang alalay ni Herbert.
 
“Mabuti naman dahil lulusubin natin ngayong araw ang islang iyon tapos kukunin natin ang gintong buhay na perlas na tinutukoy nila”bigkas ni Herbert habang hinanda niya ang mga alalay niya na may hawak-hawak na mga baril.
 

[SLATE-tionary: May dalawang uri ng bala ng baril sa mundo, ang pisikal na bala at ang mahikang bala. Ang pisikal na bala ay gawa sa metal at mga pulbura samantalang gawa naman ng mahika ng tao ang mahikang bala.]

Slate Book i: Slate in Tradevune "2022" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon